Ikaw At Ako

23 1 0
                                    


1

Ikaw?

Ikaw yung taong gusto ko,

Ikaw yung minamahal ko ng husto,

Ikaw yung taong handa kong ipaglaban

Taong 'di ko magagawang saktan at iwanan.

2

Ako? Sino nga ba ako?

Ako lang naman yung taong nagmamahal sayo ng taos puso,

handang ibigay ang buong atensyon sa iyo.

Taong ginawa kang sentro na kanyang mundo.

Taong gagawin ang lahat para lamang makita ang ngiti mo,

ngiti na umaabot sa mga pisngi mo.

Taong 'di magsasawa na pakiligin ka,

magbibigay sa iyo ng mga tula,

gamit ang panulat at kung minsan ay pa-salita.

Lalakasan ang loob upang maipadama sa iyo,

ang buong pusong pagmamahal sa iyo.

Sa iyo! Sa iyo lamang itong mga matatamis na salitang ito.

Maubusan man ng mga salita at manuyo ang aking dila,

kakasalita, kakabigkas ng mga tula

mga tula na inihanda para sa iyo sinta.

3

Masasabi ko nga na ika'y walang katulad na iba,

na para bang lahat ng hinihiling ko, ay siyang nasa harapan ko na.

Nagsimula sa isang panalangin,

Panalangin na ikaw ay maging sakin,

Dinasal ko na ang ama namin at rosaryo,

Paulit ulit na sinasabi sa ating Panginoon

Na sana ikaw ay wag nang mawawala sa tabi ko,

Na sana IKAW AT AKO hanggang sa dulo.

4

Masasabi kong parang kape tayong dalawa,

iba talaga kapag tama ang timpla.

Sakto lang ang tamis na ipinapadama natin sa isa't isa

Ngunit mayroon ding pait sa dulo na malalasahan.

Pait na kung minsan tayo'y nahihirapan.

Nahihirapan na magkaintindihan,

Magkaintindihan sa mga problemang ating pinagtutuunan.

Pinipilit kong ayusin upang ika'y makita nakangiti muli

Kapag ika'y malungkot, ako'y di mapakali

Na para bang isang kiti kiti

Di alam kung ano ang gagawin, upang ang tampuhan ay ayusin

Upang ikaw matuwa na muli sa akin.

5

Maganda, maputi, makinis, matalino at iba pa,

Ilan lang yan sa maiuugnay ko sa iyo na mga salita.

alam kong hindi sapat ito para sayo,

upang maramdaman mo lahat ng pagmamahal na gusto kong ibigay sayo.

Masasabi ko nga na ako'y napaka swerte,

dahil na isang katulad mong binibini na aking sinisinta,

ay siyang nasa harapan ko na,

Na alam kong handa akong tanggapin sa kung sino man ako,

kung ano man ang mga kamaliang nagawa ko,

Hindi naging rason upang magbago ang pagtingin mo

Pagtingin mo na...

Mahal mo din pala ako

6

Akala ko nung una, ako lang ang nagmamahal sayo sinta,

'Di ko pala alam na sa likod ng ating mga pagsasama,

ay may lihim palang nararamdaman sa isang katulad ko,

At nagulat nalang na bigkasin mo ang mga salitang ito.

"Gusto din kita"

Isang magandang himig sa aking mga tenga,

para bang isang kanta na di mawala sa aking isipan.

Masisiraan na ata akong ng bait sa kilig na aking sinapit,

dahil sa tatlong salita ako'y tinamaan na talaga,

na sa sobrang kilig ay pinagpapawisan na sa bawat singit,

Di ko na napigilan at ika'y niyakap ko na,

Na para bang wala ng bukas pa,

Ayaw ko nang bitawan kita,

Na sa sobrang higpit baka hindi ka na makahinga,

At sa sandaling iyon ay napagtanto ko.

Pagmahal mo yung tao, para bang tumitigil ang mundo,

Isang sandal na hindi ko malilimutan

Bawat segundo, minuto at buwan

Ang dating inaasam ng puso,

Ang dating malaking sana

Ay sana huwag na mawala.

7

Dahil IKAW AT AKO,

IKAW na taong mahal ko

AKO na handang makasama ka sa habang buhay.

IKAW na taong susuyuin at pakikiligin ko.

AKO na hindi magsasawa sa iyo

IKAW lang ang nagiisa dito sa puso't isipan ko,

AKO na gagawin ang lahat upang maging masaya ka lang kahit na inuulan kana ng kalungkutan

Ayoko na! Ayoko na!

Ayoko na IKAW AT AKO,

Baka ito na ang pagkakataon na sa sabihin ko sa iyo,

Maging akin ka nalang at ako'y magiging sayo,

Ibahin na natin ang IKAW AT AKO

Dalawang salita na "IKAW" at "AKO"

Pagsamahin na natin ang mga ito,

Oras na para maging TAYO.

Tayong magsasama bawat segundo, minute, oras, buwan at hanggang kailan man.

Kaya sinta, aking minamahal, iniirog, giliw, liyag, hirang at iba pa, kung ano pang pwede kong tawag sayo iyo.

Tayo na't maging tayo.

Hindi na makapag hintay sayo.

Mamahalin,aalagaan at pahahalagahan pa kita.

Tandaan mo ito,

Mga salitang bibitawan ko sa iyo.

Mahal kita, at wala ng magbabago doon.

Ang pagmamahal na para lamang sayo.

IKAW AT AKO? MAY TAYO.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 06, 2019 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Ikaw At AkoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora