Chapter 28

7.1K 153 10
                                    

Chapter 28

“Honeybee, I miss your kiss.” Bulong nya.

Bumuntong-hininga ako at sumagot:

“I miss your kiss, too.”

Inilahad nya ang braso nya sa akin. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako gumalaw pero agad syang lumapit sa akin at agad akong niyakap. Naramdaman ko kaagad ang mainit na pagpulupot nang braso nya sa katawan ko. Pumikit ako nang madiin. I miss being in his arms.

“I’m sorry for hurting you.” Bulong nya sa tenga ko.

Hindi ako nagsalita. Ayoko. Dahil pakiramdam ko sa oras na hiyaan kong mya lumabas sa bibig ko ay pipiyok lang ako.

“At kahit habang buhay, hihingi ako nang tawad sayo, Mapatawad mo lang ako.” Aniya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumungo-tungo. Hindi ko makayanang magsalita dahil sa tuloy-tuloy na pagagas nang luha galing sa mga mata ko. Para bang ito ang mga luhang naipon ko sa nakaraang apat na taon. Nothing’s changed, si Brian lang talaga ang kayang makapagpaiyak sa akin nang ganito.

Idinikit nya ang noo nya sa noo ko maingat na pinunasan ang pisnge ko gamit ang nanginginig nyang kamay.

“Let’s start again, okey?” Nanginig ang kanyang boses. “Let’s start again. Sa simula. Panibagong buhay and I promise, this time magiging maayos na. No more heartaches anymore Chris. I promise.” Tumulo ang luha saking mata.

“I’ll talk to them. Magmamakaawa ako. Makikipagayos ako sa kanila. Sa B4 sa mga kaibigan natin sa Pilipinas. Kay Mommy sa lahat.. Kay Travis.” Bulong nya.

Yumuko ako.

“Si- si Kuya Travis, Paanu kong-“

“Shh.” Hinawakan nya ang labi ko. “We’ll fight.” Bulong nya.

Hindi ako sumagot at tinitigan lang ang gwapo nyang mukha sa ilalim nang kakarampot na ilaw na mayroon dito sa kanyang kwarto. Bumuntong-hininga ako at pumikit. Lumapit sya sa akin at agad kong naramdaman ang mainit nyang hininga saking labi. Nang idilat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ko syang nakapikit din at tila pinipigilan ang kanyang sarili na halikan ako.

“Brian..” bulong ko.

“I really want to kiss you right now.” Aniya.

Napapikit sya at panay ang paglunok habang ako at halos maduling na sa lapit naming dalawa. Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko lang sya at sa oras na halikan nya ako at hindi ako papalag. Mahal na Mahal ko sya at sabik na sabik ako sa kanya.

Nang idilat nya ang mga mata nya at agad na nagtagpo ang tingin namin. Nagpabalik-balik ang tingin nya sa akin mata at labi, Panay ang kanyang pagbuntong-hininga at umaabot sa akin ang mabango nyang hininga.

“Can I?” tanung nya. Nakita ko sa mga mata nya ang pagaalinlangan at takot. Para bang natatakot na syang may magawa para masaktan ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at tumungo-tungo. Nakita ko kung paanu kumislap ang mga mata nya nang dahil doon. Hinawakan nya ang pisnge ko at agad na lumapit sa akin. Pumikit ako at naramdaman ko kaagad ang mainit nyang labi sa labi ko.

In a Relationship with a DEVIL Book III - Fall into PlaceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin