CRUSH <3

230 8 0
                                    

" hoy?! kanina pa kita tinatawag.." si anne na inalis pa ang headset sa kanang tenga ko.

" maka hoy ka naman. bakit ba?!" medyo mataray na sagot ko sakanya. sanay naman na sya sakin, she's my bff since elementary.

" yung crush mo, pinagkakaguluhan nanaman dun sa labas !" anne.

ABA >_< AT SINO NAMAN KAYA ANG NANGAHAS NA GULUHIN SI CRUSH?! HUMAMDA SILA !

inalis ko yung headset ko na nakasalpak sa tenga ko tapos ay ipinahawak ko yung cellphone ko kay anne.

lumabas ako ng classroom at nagtungo sa hallway kung nasan nandun si vice at yung mga anak ng timawang mga babae na gumugulo sakanya.

" HOY ?!!" pasigaw kong tawag pansin sakanila. halos sabay-sabay pa silang nagsilingunan sakin.

lumapit ako then i crossed my arms tsaka ko inarko ang isang kilay ko. "..and what do you think you're doing ?! you're harassing him !" englishera ang lola nyo :D para mas may dating ang pagmamaldita ko.

" at ano naman ang pakelam mo?!" mataray din na balik tanong ni karylle sakin.

aba.. sinusubukan neto ang kamalditahan ko ah ! >_<

" may pakelam ako.." hinawakan ko ang wrist ni vice then hinila ko sya sa tabi ko. "..from now on, no one touches vice--cause he's my CRUSH !!" lakas loob kong ipingalandakan iyon.

palihim akong napangiti ng makita kong parang nag-blush pa si vice.

alam kong crush din nya ako dati pa, natotorpe lang syang aminin 'yun sakin. actually--pareho kaming nagkakahiyaan.

" tch. ang tanong.. crush ka din ba ni vice ?!" karylle.

" gwapo mo talaga tol. pinag-aawayan ka ng mga babae.." rinig ko namang kantsaw ni vhong kay vice.

" oo nga, magbigay ka naman !" singit naman ni jhong tapos nag apir sila ni vhong.

"..feeler ! akala mo naman crush din sya !" pairap na singit naman ni stephanie.

" manahimik nga kayo ! balatan ko kayo ng buhay eh.. putak kayo ng putak !" si anne.

" wala, aminin mo na lang jackie na hindi ka crush ng crush mo !" karylle. aba, namumuro na sila ah >_<

" BOOM ! BASAG !"

" HOOOO ! SAKIT NUN !"

" HINDI CRUSH NG CRUSH NYA ! ARAAY !"

rinig kong sigaw slash pang-aasar ng mga iba pang estudyanteng nakapalibot sa amin.

WELL LET'S SEE !

humarap ako kay vice tsaka ko sya tinignan ng diretso sa mata. "..mananahimik ka lang ba dyan?! sabihin mo sakanila, crush mo din ba ako ? hmn ?!" napapahiya na ako eh.

ilang segundo din akong tinitigan ni vice sa mata. "..sorry jackie, h-hindi kita crush !"

ANO DAW ?

HINDI NYA AKO CRUSH ?!

HINDI
AKO
CRUSH
NG
CRUSH
KO ?! </3

hindi ko na nagawang pakinggan pa ang mga sinasabi ng taong nakapaligid sa amin.

i turned my back on them at humakbang ako palayo sakanila.

" jackie?!!" narinig kong sigaw ni vice sa pangalan ko. tuloy tuloy lang ako sa paglalakad palayo sakanila na tila wala akong narinig.

" jackie ?! hindi kita crush !!"
ipinagsigawan at inulit pa talaga nya >_<

" HINDI KITA CRUSH, KASI MAHAL NA KITA !! I LOVE YOU MS. JACKIE GONZAGA !!"

AT TUMIGIL ANG MUNDO KO ! :O

ANO DAW?! M-MAHAL NYA AKO ?!

halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko paharap kay vice dahil sa pagkabigla.

and when i turn my back again on him, nasa harap ko na sya.

a sweet smile was plastered on his face. "..mahal mo din ba ako?"

nakangiting tumango ako tapos ay mabilis ko syang dinamba ng yakap.

SHT! YUNG CRUSH KO NA MAHAL KO, MAHAL DIN AKO. HEAVEN ANG FEELING ! <3

ViCEJACk ONE-SHOTS COMPiLATiONWhere stories live. Discover now