Extra Chapter

7.3K 182 39
                                    

Extra Chapter

-----

"Let's go to Batangas."

Napatigil ako sa ginagawa kong pagbubungkal ng buhangin nang bigla na lang nagsalita si Kamahalan sa likod ko. Taas kilay na nilingon ko si Kal.

"Ano?" Tanong ko habang nakaharang sa mga mata ko iyong isa kong kamay para hindi maarawan iyong mga mata ko. May mga nalaglag na buhangin sa kaliwang mata ko na ikinapikit ko rin agad. "Ouch."

"Tsk." I heard Kal clicked his tongue in his mouth. "Clumsy little woman."

Yumukod si Kal sa harap ko. He cupped my face with his both hands. Pinilit kong ibukas iyong kanang mata ko na hindi naman nalagyan ng buhangin at nakita ko si Kal na kunot na kunot ang noo habang nag-iisip. Iniisip siguro kung paano aalisin iyong buhangin sa mata ko.

Hipan mo lang, Toy!

"Open your left eye." Parang hari na utos niya sa akin. Kung hindi lang siguro masakit ang isa kong mata ay baka nairapan ko na si Kal.

Kahit hirap ay pinilit kong buksan iyong kaliwang mata ko. Mabilis na hinipan iyon ni Kal nang ilang ulit. Lalo akong naluha.

"Yuck! Talsik naman laway mo!" Kunyari ay naiinis na sabi ko sabay tulak kay Kal. Napaupo siya sa buhangin paharap sa akin.

"Ang arte mo!" Dumakot si Kal ng buhangin at akmang ibabato sa akin ang mga iyon. Napairit ako bago ako umilag. "Gaya mo pa ako sa 'yo na talipandas."

Ibinaba rin naman ni Kal iyong kamao niya na may buhangin sa loob kaya umayos na rin ako ng pagkakaupo sa buhangin.

"Ano nga ulit sabi mo?" Kunot noo na tanong ko ulit. "Gusto mong pumunta sa Batangas?"

"Narinig mo naman pala, itatanong mo pa ulit." Inirapan ako ni Kal. Dinamba ko siya at sinakal nang kaunti. I ended up between his legs. Mabilis din lang naman na naalis ni Kal iyong pagkakasakal ko sa kanya. Lakas nitong tao na 'to, eh. He chuckled before he laid down the sand, taking me with him. Ang ending, nakahiga kaming dalawa sa buhangin.

The two of us settled on the sand. Makayakap lang kami habang pinapanood iyong dagat. Mainint, pero okay na rin. Instant sun bathing. Lugi lang ako kasi hindi naman umiitim si Kal. Namumula lang iyong balat niya kapag matagal na nainitan pero hindi naman umiitim.

Confirmed ko kasi napag-experimentuhan ko na. Ibinilad ko siya sa arawan kahapon for two hours, ayun namula siya. Both dahil sa init at sa galit.

But he couldn't refuse me, he said he just couldn't afford to not do what I asked of him.

Kasi ganoon niya raw ako kamahal. Mahal niya sarili niya pero mahal niya rin ako and he wanted to show me that there was a balance. Na ngayong fiancée niya na ako, hindi na pwede na uunahin niya iyong sarili niyang kaartehan kaysa sa gusto ko.

He said I would always comes first.

I gave him three kisses for that.

"So what do you say? Tara sa Batangas?" Tanong ni Kal matapos ang ilang minuto na katahimikan. Hinahaplos niya iyong buhok ko and it made me so comfortable na feeling ko kahit nakabilad kami sa araw makakatulog ako.

"Bakit ba gusto mo pumunta dun?" Mahinang tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa paghaplos ng buhok ko na ikinainis ko nang kaunti. Nag-angat ako ng tingin para makita ko iyong mukha ni Kal.

Shet, ang gwapo.

Kal shrugged.

"May gusto lang akong puntahan. Dalawin na rin nating ang tita mo para malaman niya na Mrs. Verano ka na." Mapang-asar na sabi ni Kal. Kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray!"

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon