Chapter 8

5.5K 212 69
                                    

Chapter 8

-----

"Starr, ito ang isuot mo!"

"No Starr! This one!"

"Ate I think this one looks better!"

"Hayaan niyo si Starr mag-desisyon kung alin ang isusuot niya!"

"Sino ako?! Sino kayo? Hindi ako makahinga!" Tili ko na ikinatigil nilang apat. Naka-taas pa rin ang kamay nina Demi at Ivana habang pinagtatalunan kung alin ba sa mga hawak nilang pares ng bikini ang dapat kong isuot. Sumuko na si Winter pagkasigaw ni Miggy na tumigil na sila pero itong dalawa may mga pinapatunayan, eh. Parehas kasing kikay! Napanguso si Demi bago siya tuluyang napasimangot.

"I just want to dress you up." Mahinang sabi nito. Napayuko na at parang iiyak na bata. "Since I can't wear this one. Papayag si T sa simpleng two-piece but not this one with a hole between the chest."

Nanlambot ang ekspresyon ni Ivana. Binitawan niya na ang hawak niyang swimsuit, nagpaubaya na kay Demi.

"Yeah, Starr." Pilit ang ngiti na sabi ni Ivana. "You should wear this one. Maganda naman ang taste ni Demi so I'm sure it'll fit you the best."

Napa-angat ng tingin si Demi at napangiti nang malawak. Niyakap nito si Ivana nang mabilis na ikinatawa nilang dalawa.

"Thanks Ivana! You're the best!" Tili ni Demi bago halos isaksak na sa akin iyong pares ng bikini. "Wear this one! Now!"

Napatawa ako dahil ang saya ni Demi. Parang baliw. Kanina ay grabe makipag-sagutan tapos parang maiiyak pa ngayon naman ay tuwang tuwa na.

Pumasok ako sa banyo nitong kwarto ni Miggy bago ako naghubad nong mga suot ko. Pati undies ay hinubad ko rin dahil ganoon daw ito isuot sabi ni Ivana. Parang ito na rin daw ang mismong undies mo. Basically, ibabalandra ko itong katawan ko sa labas nang naka-bra at panty lang ako. Dati ay naisip ko kung ano kaya iyong pakiramdam kapag naglakad ako sa eskinita namin nang naka bra at panty lang para maipakita ko sa mga kapitbahay namin na hindi naman ako sobrang mabait talaga. Hindi ko naman akalaing darating itong araw na mangyayari iyon. Ang kaibahan lang ay hindi naman ako sa eskinita namin rarampa kung hindi dito sa pang-mayamang isla na 'to. Tintigan ko pa nang ilang minuto iyong sarili ko sa salamin habang suot ko itong two-piece. Pinagmasdan ko ang katawan ko, hindi sobrang payat katulad ni Miggy at hindi rin naman ako mataba. Sakto lang. Hindi rin masasabing flat iyong t'yan ko dahil may kaunti akong bilbil.

"Wala talaga kahit isa sa inyo ang magra-rash guard?" Nakasimangot na sabi ni Miggy. Ngisi at iling ang naging sagot namin sa tanong niya. Isa pa 'tong ayaw mag two-piece, eh. Wala rin naman siyang choice kung hindi magsuot ng katulad sa amin.

Pagkatapos namin magbihis ay dumiretso na kami sa pool area. Pinagtitinginan ng mga guest itong mga kasama ko pero parang hindi naman nila napapansin. Sanay na siguro sila. Sa may mga upuan muna kami dumiretso. Naglandian pa saglit iyong mga mag-asawa kaya hindi na ako masyadong nagtagal doon at lumusong na rin kaagad sa pool.

"Uy, sirena!" Sigaw ni Caspian pagkalapit ko sa kanila. Natatawa ko siyang hinampas. "Hala! Chansing!"

"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Jareth. Naka-kunot ang noo nito at para bang may ikina-kainis. "Mas magiging target ka ng mga bastos niyan."

EZH #3: Kal Verano [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon