Ugly 22

145 3 0
                                    

Liann's PoV

I was in the middle of scanning my twitter when I saw the photos of Anghelo and Megan uploaded by Cuttie that night in barrio fiesta held in school. They look cute together though, kahit na ganun si Megan kay Anghelo.

Nakonsensiya nga ako nong inutusan ko si Megan bumili ng food namin kaya pinasundo ko siya kay tarzan, buti nalang may sasakyan siya non. Pero isa rin yung tarzan na yun, ang kulit sabi ko sa kanya kahit 4 wheels nalang bilhin niya ayaw niya. Hmp.

*knock knock

"Pasok..."

"Anak nandiyan sa baba si Drake."  Hm.. nandito na naman yang taong yan. Parang araw-araw nalang nandito. -_-

Inayos ko ang sarili ko saka ako bumaba, naabutan kong nag-uusap si dad at si Drake. Nagtatawanan pa yung dalawa, pagkalapit ko sa kanila nakita kong nagtitingin pala sila ng mga pictures ko simula nong bata pa ko.

"Sino po itong baby na kasama ni Yura sa picture?" tanong ni Drake kay Daddy, umupo naman ako sa tabi ni Daddy para makita yung picture na tinatanong ni Drake... 

"Oh that's Rara, Liann's bestfriend simula palang nong ipanganak sila. Ang cute nga nilang dalawa oh..."  nakangiting sabi ni Daddy. *sigh  Naalala ko na naman si Rara. Nasan na kaya yun ngayon?  "Sayang nga at kinailangang lumipat nina Rara noon papunta dito sa manila kaya naghiwalay silang dalawa... Siya nga pala anak, may contact ka ba sa kanila?"  tanong ni Dad. Napairap tuloy ako ng wala sa oras saka siya sinagot.

"Dad naman, as if naman na may communication ako sa kanila, dapat nga sa'yo ko tanungin yan dahil kaibigan niyo parents ni Rara e." 

"ahh yes. But we don't know how we'll contact them. Bali-balita din kasi noon na nangibang-bansa sila..."

Hindi ko na sinagot si Daddy dahil hindi na naman kami matatapos sa usapan na yan kaya imbis na sagutin siya, kinausap ko nalang si Drake...  "Anong ginagawa mo dito?"  I asked him.

"Yayayain sana kitang mamasyal kaso tinamad na ako dito nalang muna ako, nagluluto daw kasi si tita ng masarap na pagkain e."  Palusot pa. baka naman pumunta lang siya dito para sa luto ni Mommy? Mga palusot nitong Drake na 'to eh... Pang-epicfail lang ang dating. tss. -_-

Iniwan ko muna sina Daddy at Drake na nag-uusap sa sala, ako naman pumunta ng kusina para tulungan si Mommy sa pagluluto...

"Oh nak bat nandito ka?"

"Tutulungan nalang kita Mom tutal nandoon naman si daddy e."  Tumango si mommy sa akin. Omelet lang naman pala niluluto ni mommy, hay naku si Drake talaga. Ang aga pumunta dito para lang magbreakfast. Wala ba siyang bahay? *sigh

"Oh nak anyare sayo, may problema ba?"

"Wala naman po mommy. iniisip ko lang si Drake kasi ang aga-aga nandito na sa bahay..."  napatawa si mommy sa sinabi ko.

"Ano ka ba Yura, hayaan mo na tutal masaya naman na nandito si Drake. Atsaka alam mo namang gustong-gusto ng Daddy mo na magkaroon ng anak na lalake di ba?"

"Ayos lang sa akin kahit na mag-ampon kayo ng lalaki na magiging kapatid ko basta wag lang yang Drake na yan noh."

"Haha. Baby wala namang masama kung si Drake duhba?" 

Malabakla na sabi ni mommy. Ok fine. -_- siya na.

******

Kinabukasan

"Salamat tarzan."

"Your welcome mi-lady."

"Hahaha. Baliw ka talaga."  Sabay palo ko sa braso niya pagkababa ko ng bigbike niya.

My Ugly SuitorWhere stories live. Discover now