Chapter 1 ~ She

50 1 3
                                    

kringggggggg!! kringggggggggg!!

Ano ba yan?! Bakit ang ingay!!

"Arghhh.."

Nakapikit ang mata na hinanap ko ung maingay na yun. Istorbo ng tulog ko! Antok pa ko eh...

Ayun! nakapa ko rin at agad ko tong hinagis kung saan. *booghs*

Yess... Makakatulog na ako uli.

Zzzzzzzzz... Zzzzzzzz.

"RISE AND SHINE! GISING NA CESS!"

Ano ba ba naman yan akala ko peaceful na. Ang sakit talaga sa tenga nito ni kuya. Naramdaman ko nalang na parang lumubog ung parte ng kama ko, sign na umupo si kuya at tama nga ako dahil niyuyugyug na niya ako.

"Cess, wake up! papasok ka pa, bangon na dyan oy."

"Aish.. Kainis ka naman kuya eh! Antok pa ko!"

"Di mo ko madadaan sa pa-cute mo. Bangon na at nakahanda na ung almusal natin. Nandun na si Dad."

Hmm.. sayang di umepekto! Di bale next time nalang. "Okay. Maliligo lang ako saglit."

"Bilisan mo lalamig ung pagkain."

"Opo." Pagsagot ko ay lumabas na rin naman si kuya at pumunta na ako agad ng banyo at naligo. Binilisan ko lang dahil nga sabi ni kuya, at sayang ung foods kung lalamig lang.

Pagkatapos ko mag ayos saglit bumaba na ako agad sa kusina namin at dun nakita ko si dad at kuya na kumakain na. Umupo na ko agad at nag sandok ng rice at ulam. Yum, yum!

"Raine" tawag sakin ni dad kaya napalingon ako sa kanya.

"Po?"

"Ihahatid ka ng kuya mo ngayon sa school" ahh.. wala nama bago dun.

"Ahh.. opo"

Narinig ko ang pag galaw ng upuan sa tapat ko at napatingin ako doon. Nakatayo na si kuya at inaayos ung slevees ng damit niya.

"Kung tapos ka ng kumain cess, halika na para di ka ma-late" at naglakad na si kuya palabas kaya sumunod na rin ako pero nag paalam muna ako kay dad na aalis na kami at tumango lang siya.

Whew! Buti nalang naka-iwas ako agad kay dad. Sa totoo lang di kami close ni dad kaya madalas na-iilang ako sa kanya at alam ni kuya iyon.

Paglabas ng kusina ay kinuha ko na ung bag ko sa sala at dumiretso sa garahe. Nakita ko naman si kuya na nasa loob na ng sasakyan kaya pumasok na ako sa passenger seat at agad nag seat belt.

"Thanks kuya" bulalas ko. Alam na niya un.

"No problem para sa prinsesa ko" at saka niya marahang ginulo ung buhok ko. Kaya tinampal ko to agad.

"Aish.. Kuya naman eh"

Aba, at talagang tinawanan lang ako.

"Hahaha"

After that agad naman ng pinaandar ni kuya ung makina ng sasakyan at dumiretso na kami sa school ko. Habang nasa byahe ako iniisip ko pa rin ung nangyari kanina, para kasing may gustong sabihin si dad. Hayy ewan!

Mabilis naman kaming karating sa school kasi wala masyadong traffic. Nagpaalam na ako kay kuya at pababa na sana ng sasakyan ng nagsalita siya.

"Wag mo na masyadong isipin un. Baka sumakit lang ulo mo haha."

Nagtatakang tumingin lang ako sa kanya. Hala! Baliw na ba kuya ko ? MyGoshhhh.. Di pwede un!

Kahit naguguluhan ay sumagot nalang ako ng okay at umalis na rin agad dun. Minsan talaga ang weird ni kuya, bakit niya kaya nasabi un? Hmmm...

AHA! Siguro dah- "Raineeee!"

Naputol ang pagiisip ko dahil sa sigaw na yun at paglingon ko sa likod ko nakita ko si Cris na tumatakbo palapit sa akin. Pagkalapit naman niya ay agad niya akong pinalo sa braso pero di naman ganun ka lakas.

"Aray Cris!" biro ko.

"OA ah. Ang hina lang kaya nun!"

"Eto naman binibiro lang kita eh haha"

"Yeah, yeah. Whatever!"

Siya nga pala si Cristine Shay Ocampo. My bestfriend since elementary days. At sinasabi ko sa inyo may pagka-sadista talaga yan haha. Madaldal yan sobra at medyo palaban. Ang lakas ng fighting spirit ika nga. Classmates din pala kami this year.

So habang naglalakad ay dada lang siya ng dada tungkol sa kung anu-ano. Kaloka siya, taas ng energy! haha.

Pagkarating namin sa room ay binati kami ng GoodMorning ng iba pa naming classmates at ganun lng din kami sa kanila. Umupo na ako agad sa upuan ko sa may gilid sa bandang likod, ang upuan ko ay katabi ng bintana kaya ramdam ko ung preskong hangin mula sa labas madalas. Umupo na rin muna si Cris sa katabing upuan ko para ituloy ung kwento niya. Haynakoooooo...

Maya-maya dumating na rin ung teacher namin kaya bumalik na sa upuan niya si Cris sa may bandang unahan.

Sa wakas tumahimik din. Daldal kasi nun eh. Pero sanayan lang yan. Haha kahit ganun un mahal ko un noh.

ANYWAY! Hindi pa pala ako nagpapakilala. Shocks! Ano ba naman iyan. Nauna ko pang ipakilala ung iba kesa sarili ko.

I'm Mercy Raine Castro. Madalas na Raine lang ang tawag sakin at minsan un lang din naman ang pakilala ko para madali lang. 17 of age, 1st year college taking up the course of bussiness management. My family is rich, but not that super rich ha.

I have a kuya,  si kuya Stark. Dalawa lang kami kasi sabi nila dad after ako ipanganak kinuha na agad si mom. Ang sabi nahirapan daw siya sa pag luwal sakin kaya medyo ilang ako kay dad at ganun rin siya sakin. Di ko naman siya masisisi eh. Hayyy..

Nag-start na ng lessons si mam pagkatapos kunin ung attendance. Ako naman humalumbaba lang at tumingin sa labas ng bintana.

Ang sarap talaga ng hangin dito. Napapikit nalang ako at dinamdam ung hangin.

Ano kaya mangyayaring exciting ngayong college...

--------------

AN: Heyow! Sensya na medyo sabaw 1st chapter. Sorry na haha xD. Pag tiyagaan nyo nlng po. Thanks.

Way Back in Time (On-Hold/Edit)Where stories live. Discover now