KAT
Tinaas ko ang aking kilay, ng makaenkwentro ko ang mga pamilyar na muhka. Ngumiti sila bilang tugon sakin. Kinuha ko ang cellphone ko, pinindot ko ang unlock upang tignan ang orasan. 6:30 PM. Yung mga lalakeng yun ay siguro papunta pa sa kanya-kanyang klase sa unibersidad mga limang minutong lakad lang mula sa kinatatayuan ko ngayon. Nagsimula ulit akong mga lakad habang tinatanggal ang scarf na nakasabit sa kwelyo ng duty uniform ko.
“Kat-kat!” Tawag niya, nung nakapak ako sa lobby ng dormitory na tinitirhan ko. Nakaupo siya sa front desk ng lobby, kita ko rin ang mga kalalakihan at kababaihan na nakatambay sa receiving area. Nagdesisyon akong hindi na magstop-over sa desk para takasan siya. “Ga-guard!” Balik kong sabi sa kanya. Siya ang gwardya sa dormitory, hindi niya suot suot ang unipormeng pangwardiya, komportable kasi ito sa tshirt at kupas na maong. Kung kaya’t hindi mo agad malalaman kung gwardiya ba ito o tambay lamang.
Sinalubong ako ng sementong hagdan. Hagdan ng kawalan, napakahabang daan patungo sa daan. Hindi mo alam kung kailang at saan ka makakarating o makakarating ka ba talaga. Napakasaklap isipin pero hindi ko maiwas-iwasang isipin ito.
Huling taon ko na sa kolehiyo, at kasalukuyang nagO-OJT sa isang sikat na hotel sa siyudad. Pagkatapos ng pag-aaral ko, ano na? Saan ako magsisimula? Katulad rin ito ng hagdan na’to, iisa lang ang daan pero maaring ito ang magdala sa’yo sa iba’t ibang situation. Maaring ito yung ninanais mo, maaring ito yung pangarap mo o maaring wala sa dalawa. Talagang malabo at mapapakanta ka ng Blurred Lines. “Kat, ang buwanang bayad mo sa renta!” Nagising ang diwa ko mula sa isang pagiging makata’t philosopo sa sigaw na yun.
Nagmamadali kong tinahak ang hagdan. Si guard rin ang landlady ng dormitory, sinibak yung isa sa kadahilanang mali-mali ang pinaglalagay sa ledger at binulsa ang mga bayad sa renta ng mga nakatira rito. Kahit masakit sa paa, tumakbo ako patungog ikalawang palapag kung saan nakalagay ang mga babae. Nakarating na ako sa ikalawang palapag, nadaanan ko rin yung mga bagong maiingay na salta, na nakatambay sa lounge. Ang hahanep kasi may built-in megaphone ang mga bunganga nila. Napukaw ang atensyo ko ang isang nakatitig sa akin. Hinead to foot ako ng gaga! Inismiran ko naman ito.
203, 204, 205, Hindi ako namimigay ng numero pang-taya sa suwertres, sadyang ganito lang talaga ang nakalagay sa mga pinto.
“Hi Ate!” Bati ng isa, matalik naming itong kaibigan at palaging tambay sa kwarto namin. Pero ngayon ay madalang nalang, may mga bagong roommates na kasi ito di kagaya ng dati. “Jhing-jhing!” Tugon ko at sumaludo pa.
206, 207
207. Kumatok ako, paniguradong andito na ang dalawa kong roommates. Alam ko namang hindi nila ito ni-lock, sadyang gusto ko lang silang pagtripan. Ilang minuto pa’y binuksan ni Yanny ang pinto. Nakasalubong ang kilay nito, napangiti ako sa naturang reaksyon niya. “Ate naman e!” Buti nalang at hindi niya naibato sakin ang hawak-hawak niyang libro. Napahalak hak nalang ako at dumiretso sa kama. Dahil narin sa kapaguran, sumalampak ako agad. Pumikit ng mariin at nagbitaw ng buntong hininga.
Pagtingin ko sa direksyon ng kama ni Yanny, makalat na naman. Ito ay dahil sa mga nakalatag na libro, laptop niya’t mga laboratory paper works niya. Hindi na ako magtataka kung ba’t may payak siyang pangangatawan. Subsob masyado sa mga gawain na may kinalaman sa kurso niya, maliban nga lang sa extracurricular activities. Bukod sa pagiging subsob, bookworm, walking dictionary at englishera ito. She also got this nerdy aura in her, kahit hindi nakasalamin. She is also used to wearing t-shirts and pajama kaya ang ganda ng legs ng gaga e. But all in all maganda talaga ang batang to, kulang lang sa pag-aayos at paano ihahandle ang sarili sa harap ng mga tao.
Tumunog ang cellphone nito, agad niyang tinignan. Maya’t maya pa ay sumibol ang isang ngiti mula sa kanyang mga labi. “Bessyloves, babe , babe .. na naman oh!” Base sa reaksyon niya, tama ako. Pinigilan niya ang sarili niyang tuluyang ngumiti, nagpatuloy ito sa ginagawa. Napailing nalang ako, bestfriends nga naman oh! Ang hirap ng sitwasyon niya, kawawang bata. Hashtag in love, pumapag-ibig.
YOU ARE READING
Tatlong Hiling
Short StoryTatlong babae, taltong sulat, tatlong hiling. Originally published : October 2014
