Chapter 1

276 7 2
                                        

2002

Nagpapatulog ng bata sa duyan si Elise ng dumating ang kapitbahay niyang si Sita sa kanilang bahay. Nagtataka si Elise kung bakit pumasok eto sa bahay nila ng walang pasabi. Ngunit dahil matagal na etong kakilala at kapitbahay kaya naisip nya na baka nagugutom eto at manghihingi ng pagkain.

 "O Sita naparito ka?" tanong nya rito ngunit parang tuliro eto at wala sa sarili. 

"Wala, naisip ko lang tingnan si Mary Rose napa cute kasi na bata!" 

"Ayan kalalagay ko lang sa duyan pinapatulog ko. Andito ka na rin paki tingnan lang muna at iihi ako." Dali daling pumasok sa cr sa Elise pero patuloy parin eto sa pagsasalita. 

Pagpasok ni Elise sa cr dali dali namang kinuha ni Sita ang bata sa duyan at umalis.

"Ano't andito ka Sita nagugutom ka ba? May ulam pa jan nabili ko kanina, kainin mo na at mamaya pang hapon uuwi si Balong baka di rin makain yan - " Natigilan sa pagsasalita si Elise ng paglabas nya ng cr at wala na si Sita. Habang inaayos nya ang kanyang shorts napansin nyang wala rin ang anak nya sa duyan. Dali daling lumabas ng bahay si Elise para hanapin si Sita. Nagsisigaw at umiiyak si Elise habang hinahanap si Sita. Tumulong na rin ang baranggay sa paghahanap kay Sita pero hindi na nila makita ito. 

Samantala agad na sumakay ng jeep si Sita habang tangay tangay ang bata. Hingal na hingal ito sa pagtakbo. Huminto ang sasakyan sa isang magarang bahay. Balak nitong ibenta ang bata sa mga chinese syndicate. 

"Ser, baka pwede pong makausap si Mr. Chen pakisabi si Sita po!" pakiusap ni Sita sa gwardya ng bahay. Bumulong eto sa kasama netong gwardya at pumasok ito sa bahay. Maya maya lumabas at sumenyas eto na pwede ng pumasok. Pinagbuksan naman ng gate si Sita. Pumasok eto sa receiving area at naghintay kay Mr. Chen. 

Lumabas ang isang lalaki na naka polo ng green na may sukbit na baril sa bewang nito. 

"Anong kailangan mo kay Mr. Chen?" 

"Sya mismo ang gusto kong makausap? Pwede bang pakitawag sya para makausap ko sya ng maayos?" 

"Kung ano man ang kailangan mong sabihin pwede mo ng sabihin sakin. Wag mong aksayahin ang oras nya kung wala rin namang kabuluhan yan!"

"Etong bata kapalit ng utang ko at 200,000 pesos." Walang kagatol gatol na sabi ni Sita.

"Saan mo naman nakuha ang batang yan? At talagang may gana ka pang humingi ng pera pagkatapos ng ginawa mo samin?" 

"Di na mahalaga basta iparating mo kay Mr. Chen ang gusto kong sabihin. Kaya nga personal akong pumunta dito para makausap sya mismo!"

Pumasok ang lalaki sa loob mismo ng bahay at sinabi kay Mr. Chen ang sadya ni Sita. Samantalang kabadong kabado naman si Sita. Tinititigan nito ang bata. 

"Pasensya na Mary Rose alam kung sagad ang magiging kasalanan ko sayo at sa magulang mo pero kailangan ko talagang gawin to. Wala nakong ibang maisip na paraan para malusutan ang gusot na to. Sana mapatawad mo ako at ng magulang mo!" Napaluhang bulong ni Sita habang tinititigan ang bata. Tulog na tulog parin ito. 

Lumabas si Mr. Chen kasama ang iba pang lalaki para harapin si Sita. 

"Sinabi ko na yung pinapasabi mo!" wika ng lalaking naka polo na green. 

"So where did you get that kid?" tanong ni Mr. Chen kay Sita. 

"Mr. Chen it doesn't matter just take the kid give me 200,000 pesos and I will disappear!"

"You have the guts to show your face after what you did to me?!" galit na sabi ni Mr. Chen 

"Please Mr. Chen I want to have a new life please accept my offer!"

Sininyasan naman  ni Mr. Chen ang mga tauhan neto. Kinuha nila ang bata kay Sita. Tuwang tuwa naman si Sita at pumayag si Mr. Chen sa alok neto ngunit pagkakuha sa bata biglang hinawakan si Sita ng mga tauhan ni Mr. Chen.

"Mr. Chen I thought we agreed?" Umiiyak si Sita habang sinusubukang pumiglas sa pagkakahawak ng mga tauhan ni Mr. Chen.

"Sita, Sita I told you never double crossed me or I will kill you!" sabay buga neto ng usok.

"Please Mr. Chen or just take the baby I will not take the money!" Pagmamakaawa parin ni Sita kay Mr. Chen

"Sita nobody double crossed me. Now you know what to do Bong!" utos neto sa naka green na polo na lalaki. 

Sumenyas naman si Bong sa mga kasama neto. 

"Mr. Chen Please Please!!!!!" nagmamakaawa parin si Sita habang kinakaldkad eto ng mga tauhan ni Mr. Chen palabas ng bahay. 

"Mr. Chen what are we going to do with this baby? tanong ni Bong kay Mr. Chen habang karga nito ang bata. 

Napasulyap naman si Mr. Chen sa bata. Hindi rin nya alam ang gagawin ngunit di rin nya maatim na pabayaan ang bata. Biglang umiiyak si Mary Rose at tinatahan ito ni Bong ngunit di parin eto tumitigil sa pag iyak.

"Give me that baby" Ibinigay ni Bong ang bata kay Mr. Chen. Bigla naman etong tumigil sa pag iyak. 

"Go and buy this baby what she needs. From now on she will be my daughter!" 

Umalis naman kagad si Bong para bumili ng gamit para sa bata. 





























































'

My girlfriend is a gangsterDes histoires addictives. Découvrez maintenant