Chapter 2: Colder

Start from the beginning
                                    

"Hi!" Walang tao rito. As in wala, masyado pa kasing maaga. Silang dalawa lang nung kaibigan din niyang bakla na nagtatrabaho rin dito.

"Kumusta ka na? Ang tagal na rin ng huli kang nagpa-ayos rito."

"Okay lang naman." Umupo na ako. Tinignan ko ang mukha ko. Medyo nagiging lola na nga ang hitsura ko. Lumalaki na ang eye bags ko at dumarami na rin ang patay kong buhok.

"My gosh, Ashley! This is the worst hair I've ever seen!" Tinaas pa nito ang buhok ko. Sunog na sunog na nga ang buhok ko.

"Ikaw na ang bahala diyan. Basta yung mas gaganda ba ako ha." Biro ko pero ayun naman talaga ang gusto kong mangyari para sa akin.

"Okay! I got yah!"

***

Dali-dali kong pinuntahan yung cellphone ko na nasa dining table. Nasa kusina kasi ako ngayon, nagluluto kahit na alas-sais palang ng hapon. Gumuhit sa labi ko ang ngiti ng makita kong si Frank ang nag text sa akin. Binuksan ko ang text message niya at sinabi niyang uuwi raw siya ng maaga ngayon na mas nagpangiti sa akin. Nireplyan ko naman siya, "Sure, Hon. Love you." Pagkatapos kong ilapag sa may divider yung cellphone ko ay bumalik na ako sa niluluto kong adobo. Adobo kasi ang paborito ni Frank.

Mga ilang minuto lang ang lumipas at naluto na ang adobo. Naghanda na ako ng dalawang plato para sa aming dalawa. Hinanda ko na rin ang kanin. Naka ready na ang lahat, siya na lang ang kulang.

Pumunta muna ako sa itaas para mag-ayos ng kahit kaunti para naman sa pagdating niya ay makita niya akong sa bago kong look.

Mas naging bouncy ang buhok ko. Medyo pinakulot ko yung buhok ko. Nag-ayos ako ng kaunti tapos ipinaligo ko na halos sa katawan ko ang perfume na binigay sa akin ni Frank.

Hindi pa ako tapos maglagay ng hikaw ko at bigla may bumusinang sasakyan sa labas. Siguradong si Frank na iyon kaya naman ay binilisan ko na ang paglagay sa hikaw ko at dali-dali akong bumaba.

Tumambad sa akin ang black toyota vios niya. Bumaba na ang lalaking naka black suit. I opened the gate at sinalubong ko siya ng halik sa pisngi.

"Halika na, Hon. Our dinner is served."

Pagkapasok namin sa loob ay hinubad nito ang kaniyang suit at kaniyang necktie. Tanging white long sleeves nalang ang natirang suot nitong pang itaas.

"Kain na tayo." Umupo na siya at umupo na rin ako.

"Kailan ba matatapos yang project niyong iyan?" Sa auto company kasi siya ng tatay niya nagtatrabaho, sa Pirouette Corporation. Naghahanda kasi sila para sa 10th anniversary ng company nila. Kanina ko pang sinusuklay suklay yung buhok ko para mapansin niyang may nabago sa akin pero walang epekto sa kanya. Hindi man lang ba niya napapansin? Ang manhid

"Next week, next week na rin yung anniversary eh." Sinandukan ko na siya ng kanin at ulam.

"So ang ibig sabihin ba niya ay makakaluwag ka na sa mga schedule mo pagkatapos niyan?" Nagsandok na rin ako ng para sa akin.

"I don't know by now pero baka." Sana naman ay mabakante na ang oras niya para naman makapag bonding kami kahit minsan lang. Actually, nagpapapansin ako dahil next week na rin ang 1st year anniversary namin.

"Ahh... Pagkatapos mo ba niyan, gusto mo mag bakasyon tayo sa ibang bansa? Sa Sentosa, Singapore o kaya naman ay sa Hongkong." Sarap na sarap ito sa pagkain niya. Iba talaga kapag ako ang nagluto ng pagkain, hinding hindi niya mabitawan ang kustara't tinidor. Sa pagtitig ko palang sa kanya habang kumakain ay nabubusog na ako, parang hindi ko na kailangan pang kumain, makita ko lang siya okay na.

"'Wag na, masyadong mahal ang gagastusin. Sayang lang sa pera." Agad naman akong nalungkot. Akala ko pa naman ay papayag siya. Matagal na rin kasi kaming nag out of the country bonding.

"Eh kung mag laguna nalang tayo? Batangas, tagaytay." Sana naman ay pumayag na siya. Hindi naman ganoon kalaki ang gagastusin kapag diyan lang kami pumunta.

"'Wag na nga sabi, sayang lang yung pera." Tumingin ito ng seryoso sa akin pero hindi galit. Bakit para namang masyadong siyang nagtitipid ngayon? Wala man lang ba siyang plano para sa first wedding anniversary namin? Pero mahilig naman itong si Frank sa suprises, baka isu-surprise ako nito sa anniversary namin.

"Ahh, Ok." Iyon na lamang ang nasabi ko. Sinimulan ko na ring kumain. May naisip ako para makalabas naman kami.

"Siya nga pala, Hon. Dumating na yung water bill at electricity bill natin."

"Ito oh, bayaran mo." Dumukot ito ng pera sa wallet at binigay sa akin. Nabuo naman ang kunot sa aking noo.

"Hindi mo man lang ba ako sasamahan bukas? Linggo naman bukas ah? Walang pasok." Wag niyang sasabihing mayroon siyang trabaho. Wala naman talaga siyang pasok tuwing linggo eh.

"May pasok ako bukas. Ikaw nalang ang mag bayad. Hectic lang talaga."

"Sige, ako nalang." Mahina kong sabi at napayuko nalang.

~ To Be Continued ~

Written by Eggboy16

No To Plagiarism

Shattered Wife #Wattys2015Where stories live. Discover now