Devansh's P.O.V.
Love..., Love gising na"
Tinapik ko ng mahina ang balikat niya.
"Hmmm...."
Bahagya siyang tumingin sakin habang pikit parin ang mga mata niya. Ngumiti ako.
"Good morning."
Sabi ko tsaka ngumiti.
"Good morning din love."
Nakangiti ding sabi nya.Tsaka niya ko niyakap, niyakap nya ko ng mahigpit.
"Love, last day ko na pala to noh?"
Sabi nya habang yakap parin ako. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang paghikbi ng iyak ko. Pinunasan ko kaagad ito. Humiwalay sya at tumayo papuntang cr.
"Ako muna love ha...."
Binuksan nya ang pinto at tsaka pumasok para maligo. At dun na tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Iniiwasan kong gumawa ng ingay. Iniisip ko na lang na maging masaya at sulitin ang araw na to. Ang huling araw na makita't, mahawakan, mayakap, mahalikan, at makasama ang taong mahal ko. Bakit kasi sa kanya pa to nangyari?? Hindi naman siya masamang tao, pero bakit?! Bakit siya ang nagca- cancer at hindi ang masasamang tao. Hindi nya to deserve!!! Gusto kong magalit sa Diyos pero hindi ko kaya, wala akong karapatan at wala naman akong kapangyarihan para pigilan ang cancer niya. Pero sa araw na to gusto kong sulitin ang huling beses na makasama ko sya.
"Love, tapos nako!"
Lumabas siya habang balot-balot ng tuwalya.
"Ikaw na love, maligo ka na."
Nakangiti sabi nya. Kahit may cancer siya nakakaya niya parin kumilos mag-isa kahit papano.
"Ummh."
Tumango ako sa kanya at tsaka tumungo sa banyo.
YOU ARE READING
24 Hours
Short StoryA girl who seeks happiness and a boy who makes her happy. A couple last for many years, separated by time. Only 24 hours left for him to say goodbye. Would they fullfill the happiness they want? Would she stay? A love story who will only last for 24...
