Chapter 1

73.4K 1.1K 38
                                    

"You know the first moment you look at him/her and you felt that feeling that you've never felt before then you know you just fallen in love with just one look."

Napabuntong-hininga siya ng malalim.

Buhay nga naman sa Pilipinas,pahirapan.Kanina pa siya nag-aaply upang magkaroon ng trabaho.Pawis na pawis na nga siya eh.Ganito na talaga dito sa bansa natin. Kung may kakilala kang nasa puwesto,di mahirap magkaroon ng trabaho.Lalo na kung di ka nakagraduate sa kilalang school,rejected ang mga resume mo. Kailangan niya pa naman ng trabaho sa ngayon kahit waitress o sales lady lang muna. Graduated naman kasi siya ng education pero di pa siya nakakuha ng board exam dahil kapos sila sa pera.

Siya si Catherine Supladico,lumaki siya sa isang mahirap na pamumuhay.Tanging ang nanay Marsha niya lang ang bumuhay sa kanya. Dahil binuntis lang daw ang ina niya ng isang mayamang banyaga.Kahit pa naghihirap sila ng ina niya,pinaaral at itinuring naman siyang prinsesa ng ina niya.At sinikap naman ng kanyang ina na makapagtapos siya. Kahit pa napahinto siya ng pag-aaral ng dalawang taon.Kaya twenty two years old na siya noong makagraduate ng college.Actually fresh graduate pa lang siya.Napahinto siya ng paglalakad ng may mapansin siyang may mga taong nag-iipon ipon sa isang building na yun. Napansin niyang halos mga kababaihan iyon.Kaya naisipan niya ring pumasok sa loob. Ang dami talagang tao.Mga kababaihan pa.May mga dala itong envelopes.Nasa labas sila ng isang silid na sa pagkakaalam niya ay isang opisina.Parang may inaabangan ang mga ito na may lumabas.Kaya naisipan niyang magtanong sa guards na naroon.

"Excuse me po.manong guard,ano pong meron?" nginiti-an niya ang guard. Gumanti din ng ngiti ito sa kanya. Paano ba naman,si kuyang guard,parang ngayon lang nakakita ng tunay na kahulugan ng totoong maganda.

Samantala sa loob ng opisinang yun, ay naroon ang pantasya ng mga kababaihan.Ang actor na si Arthur Romero.

"Ano ba naman yan? Lahat ng ini-interview ko ay bagsak.Wala na akong time pa.Mahirap ba talaga yung nakalagay doon sa flyers na with pleasing personality?Kung meron mang maganda,baliw naman.Takte nama oh!" Halos masabunutan niya na ang buhok niya sa sobrang inis. Kanina pa siya kasi interview ng interview sa mga nag-aaply na maging P.A. niya o yung alalay niya pero wala siyang nagustohan.Lahat na naroon sa office niya ay tahimik lang na tinintingnan ang alaga nila. Make-up artists at manager niya ang naroon. Tanging ang manager na si Jacob Samonte lang ang nakakasagot sa kanya. Magkasing-edad at magkaibigan pa kasi sila eh.

"Paano ba naman kasi yan Art,may pa pleasing personality ka pang nalalaman eh alalay mo lang naman yun. Mamaya niyan,aakitin ka na naman." naiinis na kasi ito sa kaartehan ng alaga.

Naiirita na ngumisi si Arthur.Halatang-halata ang inis.

" Kailangan ko yun Jacob.Gusto ko presentable ang kasa-kasama ko.Dahil alam ko,sa ganoong bagay lang,maari na akong pagpiyestahan ng intriga niyan.At alam mong,ayaw ko yung nadudungisan ang pangalan ko sa showbiz.Matagal kong iningatan ito Jacob.At alam mo yun." Kumamot na lang si Jacob sa ulo niya.Kapag kasi pagdating sa pangalan ng kaibigan niya ay wala na siyang magawa.Naging saksi din kasi siya kung paano iniingatan ang pangalan nito. Ni kaunting intriga,ayaw nito ng kaibigan niya.

" Oh siya, sige.Last na to Art ha.Maghahanap ako sa labas ng office mo ng mas maganda sa lahat na naroon.Kung bakit kasi di ka na lang kumuha sa agency eh." Tumayo na si Jacob para lumabas.

" Alam mong ayoko sa agency Jacob.Kung minsan, fake din ang mga requirements nila. Wala akong tiwala.Lalo na kapag sa NBI clearance." Pahabol pa nito sa kay Jacob bago tuluyang lumabas.

Sa labas ng office.

Ang tagal ni Catherine na nakatayo na doon. Sabi kasi ng guard kanina, may hiring daw. At sinabihan pa siya na siguradong papasa siya kasi ang ganda niya.Ngunit di naman sinabi sa kanya kung anong hiring position ang meron.Basta, nagbaka-sakali lang siya. Kailangan niya kasi ng trabaho eh.One week na siyang nagpapalibre ng tirahan sa pinsan. Nangungupahan lang din kasi ito. Galing pa siya kasi sa probinsiya niya.Ang Iloilo.

Aalis na siya sana kasi nga ang tagal niya ng nakatayo dito ng may biglang nagsalita.

"Oh,isa na lang.Last na to."

Agad namang nagsibigay ng bio data ang mga naroon. Nagsisiksikan pa ang mga ito upang maiabot lang kay Jacob.Halos maipit na siya eh.Ngunit wala siyang tinanggap ni isa man lamang.Bagkus,naghanap lang ang mga mata niya.Baka sakaling may maganda na papasa sa panlasa ni Arthur.Naiinis na rin siya sa mga kababaihan na naroon. Nasasaktan na siya dahil sa pagkakatulak sa kanya.

Si Catherine naman ay urong naman ng urong kasi ba naman,nadadala at naiipit na siya. Nasasaktan na siya. Ano ba naman kasi ang meron? Sobra naman ang mga taong to.

"Aray!" Sigaw ni Catherine.Muntikan na siya kasi matumbahan ng tao na dinagsa ng mga naroon.Napatingin naman ang mama sa kanya. Tinitigan siya nito.

Si Jacob naman ay parang nakakita din ng anghel na bumaba sa langit.

"Perfect!" ito lang ang tanging nabanggit niya.Hinawakan niya ang kamay ni Catherine at mabilis na ipinasok sa silid na iyon.

Hindi naman nakapag-salita si Catherine sa pagka-gulat.

Nasa banyo pa ng mismong office si Arthur ng marinig niya ang sigaw ng kaibigan at manager niya.

"Yohoo! Arthur! Nandito na ang hinahanap mong perfect!"

Si Jacob naman at ang mga naroon halos sinusuri lang si Catherine.

Si Catherine naman,kinakabahan.Di niya kasi alam kung ano ang nangyayari.

"Siguraduhin mo lang Jacob na magand-..." hindi na nagawang dugtungan pa ni Arthur ang sasabihin dahil sa isang anghel na nakita niya.Nasa may pintu-an pa siya ng banyo.Halos di makagalaw.

Si Catherine naman,diretsong tiningnan ang kung sino ang lumabas ng banyo.At laking gulat niya ng makita niya ang ultimate actor crush niya na si Arthur Romero.Hindi siya makapaniwala na kaharap niya na ito in personal.

Nagtama ang mga mata nila. At matagal silang nagtitigan.Halos pareho silang napatulala.

*******************

AN: To Marvelous_King thank you so much sa paggawa ng book cover.

This story is not edited.

My Amazing Alalay (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon