ANG LABANAN SA LIREO

Start from the beginning
                                    

AGATHA:Pashnea!

Galit na sambit ng Hara at nagpakawala siya ng kapangyarihan kay Berto buti nalang na nakaiwas ito

AGATHA:Ikaw taga-lupa kanina pa ako nagtitimpi sa iyo at sa susunod na magsalita ka laban sa akin ay papaslangin na talaga kita!

BERTO:Patawad mahal na Reyna hindi na mauulit!

AGATHA:Dapat lang kung sa susunod na uulitin mo iyon ay hindi lang iyan ang matitikman mo!

ETHER:Itutuloy pa rin natin ang paglusob sa Lireo kahit na anong mangyari!

FAST FORWARD

SA KAHARIAN NG LIREO

Pagsapit ng dilim ay inilikas na ng ilang kawal ang mamamayan ng Lireo pagkatapos ay inutusan na ng Hara ng Hathoria ang kanyang brilyante upang tanggalin ang liwanag na nakapaligid nito at bigyan sila ng paningin sa kabila ng kadiliman.

PIRENA:Brilyante ng apoy inuutusan kita na tanggalan mo ng liwanag ang kaharian na ito nang saganon sa oras na lulusob ang mga vedalje ay malilito sila kung saan sila magtungo at bigyan mo ng sumpa ang panig nila Agatha na tanggalan mo sila ng paningin sa kadiliman gawin mo sila na tila mga bulag na mangangapa habang kami ay bigyan mo ng basbas na makakita sa kadiliman at ikaw ay maging gabay at tanglaw sa amin habang kami ay nakikipaglaban.

Lumiwanag naman ang brilyante at sinunod ang nais ng Hara pagkatapos ay inilabas na rin ng mga magkakapatid Sanggre ang kanilang dragon na si Draco,Saphira,Aqua,at Yasha habang kina Mira at Lira naman ay phoenix na sina Phyra at Crystal pagkalipas ng ilang segundo ay nagdilim na ang paligid ng Lireo na tila walang buhay.

Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsimula ng mag martsa ang sila Agatha at mga mashna kasama ang isang batalyong kawal at kanilang mg halimaw patungo sa tahanan ng mga diwata pagdating nila ay tila natutuwa si Andora na walang kaalam-alam na pinaghandaan ng mga diwata ang kanilang pagdating.

ANDORA:Mukhang sumasang-ayon nga natin ang kapalaran Hara pagkat ito ay nakikiramay sa atin tinanggalan ng liwanag ang kanilang kaharian!

AGATHA:Huwag muna tayong magdiwang Mashna pagkat hindi natin alam na baka isa ito sa mga taktika nila laban sa atin!

ETHER:Mabuti pang maghiwahiwalay na tayo nang saganon ay malaman natin!

Mga Mashna at Agatha:Masusunod Bathaluman!

SA UNANG BAHAGI NG LIREO

Pagkat may pananggalang ang kaharian ay hindi sila makakapasok patungo pa sana si Berto at kanyang mga kawal sa unang bahagi ng palasyo ngunit hindi nila alam na naka-abang na si Lira,Mira,Pao-pao,at Angelo tumalab nga ang sumpa ni Hara Pirena pagkat tila ay nangangapa ang mga kalaban na parang mga bulag dahil nawala ang kanilang pangingin sa kadiliman.

Kaya nalilito sila Berto kung saan sila patutungo.

BERTO:Buwisit ano na naman ang ginawa ng mga demonyong iyon!

Pagsapit ng ilang segundo ay may narinig siyang boses na tila pamilyar sa kanya.

LIRA:Tsong tila nalilito yata kayo na tila bulag na hindi alam kung saan patutungo!(Pang-aasar niya sa pekeng tiyuhin)

BERTO:Hoy!Mila magpakita ka para mapatay na kitang bata ka!

MIRA:Hindi mo ba kami nakikita ang lapit-lapit na nga sa amin sa iyo hinihintay ka lang namin umatake!

ANGELO:Bakit natunganga ka lang diyan?lalaban ka ba o ano?(Dagdag pa ng Rehav)

BERTO: Sa oras na mahuli ko kayo ay titiyakin ko na pagbayaran niyo ang ginawang pang-iinsulto niyo sa akin!

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now