Into The Other Side

169 48 55
                                    

Pilipinas, 2016

"How are you today, Drex?" tanong ko sa treinta y dos anyos na lalaki sa aking harapan.

Huminga siya ng malalim bago ako binigyan ng nag aalangang ngiti. "Nothings change, Kristel."

Tumango ako.

Alam ko ang kalagayan niya ngayon. Alam ko ang pakiramdam na ginugulo ng isang eksena na hindi mo sigurado kung ito ba ay panaginip lang talaga o sadyang nangyari na noon pa man. Mga panaginip na naging rason kung bakit takot na akong matulog, mga katanungan sa nakaraan kaya hindi ko magawang makausad sa kasalukuyan at mga nakaraan na nagbibigay takot sa akin para harapin ko ang hinaharap.

Alam kong may kakaiba akong kakayahan noon pa man. Bata pa lang ako ay may nakakausap na akong mga kaluluwa at kasama na doon ang mga magulang ko. Gusto ko silang kausapin ngunit mailap sila sa akin at tila palaging nagtatago sa dilim. Takot na may makakita at makahuli sa kanila. Alam kong may gusto silang sabihin ngunit mas natatakot silang malaman ko kung ano man iyon.

Dahil sa mga katanungang ito ay inaral ko at pinaghusayan ang aking abilidad.

I am practicing my psychic ability for 45 years now and everyday, there are new things that keeps on surprising me.

Zandrex Aragon is my client for 6 months now. He was one of those clients who are in search of his past life to re-direct his path now.

The past three months of session with him, we always end up in an old library during Spanish colonial era. And what really amazed me is the fact that I was also there, travelling with him in the past.

"Do you still dream about the dark abyss, Drex?" tanong ko nang maubos ang aking kape.

There was his heavy and deep breath again.

"Yes," He pause then look me directly in the eye. "But this time, Kris, I feel that I was really there. I can feel the blood, their screams, the knife..." He pause again then let his trembling hands calm.

"Breath, Drex." I smiled at him before I handed the green tea he liked for six months now.

"Let's go deeper this time, Kristel, please. Napapagod na akong matulog na puno ng takot."

I nodded. Yes, I exactly know that feeling. Kahit ako ay napapagod na ring matulog na natatakot.

I pursue this career to help people like me to change our future by seeking answers in the past. Mga taong hindi pinatatahimik ng nakaraan kaya hindi makausad sa kasalukuyan.

"Please don't stop me this time, Kristel. Kahit na mahirapan ako. Gusto kong malaman kung anong nangyari pagkatapos kong masagi ang lampara sa loob ng library na iyon," sabi niya.

Tumayo siya at kinuha ang pendulum hypnosis clock na nasa kabinet sa tabi lang niya. Nilagay niya ito sa lamesa at umupo nang tuwid..

"Let's do this, Kris."

Siya na mismo ang gumalaw sa pendulum at tinitigan ito.

Desidido na talaga siyang madiskobre ang lihim na nakatago sa loob ng silid aklatan na iyon.

Tumikhim ako bago nagsalita.

"Follow my voice, Drex."

Tumango siya. He does not leave this dimension yet.

Mag sasalita na sana ako ngunit bigla na lang akong nilamon ng dilim. Tila isang black hole na sa isang iglap ay hinigop ang lahat- ang aking lamesa, mga libro, si Drex at maging ako.

"Kristel!"

Boses iyon ni Drex ngunit hindi ko alam kung saan iyon nagmumula. Pakiramdam ko ay isang malaking speaker ang boses niya na nagmumula sa isang saradong kwarto kung nasaan ako.

Into the Other SideWhere stories live. Discover now