My Total Facebook Views.. Activated!

437 18 20
                                    

*My Total Facebook Views.. Activated!

"New application?"

"Baka naman spam lang yan."

"ACTIVATED!"

--

Sabi nila pag may crush ka daw sa isang tao, kahit yung maliliit na details about sa kanya inaalam mo. Hindi yon pagiging stalker no, ganda ko naming stalker. Normal lang naman pati siguro yon, kasi aminin mo, pag nagkakacrush ka, may mga bagay kang inaalam sa kanya para naman masabing updated ka!

Naranasan nyo na ba yung pag may nakita kang pogi sa mall, sa sakayan ng jeep, sa labas ng school, at kung saan pa, inaalam nyo yung pangalan tapos search nyo agad sa FACEBOOK? Swertihan na lang talaga if di sya nakaprivate, simulant ang pagsstalk este pag-alam ng mga maliit na bagay tungkol sa kanya.

Parang sa crush lang din yan, kunwari may crush tayong schoolmate natin, diba search agad natin sa facebook, at nagbabakasakaling SANA FRIEND KO SIYA! or SANA DI SYA NAKAPRIVATE! o kung makapal naman ang mukha mo, IAADD MO SIYA!

Speaking of crush, I'd like you to meet DYLAN TORRES. Ang lalaking kahit Makita ko palang, napapangiti nako, nawawala ang badtrip ko. *u* He's handsome, no doubt. Basketball player din sya, kaya mas lalong sikat sa kababaihan. And matalino din naman sya. Basta, dream boy. *O*

Kaso may problema, dahil nga sa sikat sya sa school namin, di nya ko kilala at worst siguro di man lang nya ko napapansin. Kahit siguro, magpadaan-daan ako sa harap nya, di sya mapapatingin sakin. Pano ba naman kasi, di lang naman ako ang nagpapansin sa kanya, daming girls ba naman na laging nakadikit sa kanya, sarap ngang hilahin ng buhok minsan.

Kahit di ko sya natititigan sa school ng malapitan, sa picture na lang nya sa facebook ko sya tinititigan. Hihihi. Gwapo talaga nya! *q* Saklap lang kasi, di ko sya friend, pero atleast di sya nakaprivate. Ayoko naman i-add kasi nahihiya ako. Tama nako sa pagchecheck ng profile nya everyday, pero sana di nya maisipang magprivate. Parehas kaming di nakaprivate, DESTINY!

--

"Ayyy. Online sya!" Nagstatus kasi sya.

"Soulmates <3" Yan ang status nya. What is the meaning of this?

"HAHAHA. Nababading ka na ba, pre? Naniniwala ka sa mga ganyan." Comment ng team mate nya sa basketball. Ofcourse, kilala ko sya.

"Dy, I miss you. :*" Comment pa nung isa, di ko kilala. Bago ko lang makita yung account nya sa profile ni Dylan. GIRL sya, may pamiss you miss you pa. Lande! Di na nahiya, sya pa talaga ang unang nagsabi non?

"Hey Mi, I miss you too. So, how are you?" =_______= DY? Then MI? Sila ba? Bakit di ko ata alam to? Araw araw ko naman inoopen account nya ah? Comment yan ni Dylan. Baka naman kaya Mi kasi MIA ang name nung girl? Ewan.

Yan ang isang ayaw ko sa pagchecheck ng facebook ng crush ko, may nababasa akong mga ganyang comments. May mga pictures pa. Kaya sa huli, ang lagi ko lang nasasabi, "Sana di ko na lang inopen account nya."

Wala nako sa mood mag-fb, niclose ko na yung account nya. Bago ako maglog-out, ginala ko muna ang mga mata ko sa news feed, may nakita akong bagong application, MY TOTAL FACEBOOK VIEWS.

Sa my total facebook views, makikita mo yung taong may pinakamaraming view sa profile mo. Kaso baka spam lang to, nako! Pero wala naming masama sa pagtatry diba? Hhmmm.. Check ko lang kung sino ang mga stalker ko. HAHAHAHA

My Total Facebook Views..........

ACTIVATED!!!!

When I check my profile,

DYLAN TORRES - 36,500 views.

My Total Facebook Views.. Activated!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon