Prologue

3.9K 122 33
                                    

MARAHAN na inalis ni Rafael ang braso ni Vance na naka yakap sa baywang niya at maingat siyang umalis sa tabi nito.

Pumasok siya sa banyo pagkakuway ay mabilis na naligo at nagbihis. Nang matapos ay maingat na muli siyang naupo sa gilid ni Vance at masuyong hinaplos ang pisngi nito. Habang ginagawa niya yun ay hind niya mapigilan ang sarili na maluha.

Mamimiss niya ang gwapo nitong mukha, ang mga ngiti nito, ang pagtawag nitong cariño sa kanya, ang mga pag-aalaga nito at higit sa lahat ang pagmamahal nito sa kanya na hindi man lang niya mapantayan.

Rafael decided to leave. He needs to find himself without anyone help. Gusto niyang ayusin ang sarili niya at magsimula na siya lang mag-isa, ayaw niyang madamay pa ang iba lalo na ang asawa niya sa kalungkutan niya.

Kailangan niyang gawin ito, hindi lang para sa kanya kundi para na rin kay Vance, he don't want to be a burden anymore. Hindi man niya naririnig na nagrereklamo si Vance sa palaging pag-intindi nito sa kanya, pero nakikita niya na napapagod na ito kahit hindi nito sabihin. Ayaw na niya ng ganun. Siya ng napapagod para rito.

Gusto na niya itong palayain sa paghihirap. Gusto na niyang lumaya sa sakit. Ayaw na niya itong makulong sa relasyong ito lang ang may gustong ipagpatuloy. Ayaw na niyang ikulong ang sarili niya sa kasinungalingan na may kakahantungan pa ang relasyon nila. Tama na ang isang taon na paghihirap nito. Tama na ang isang taon sa pagpapanggap na masaya pa siya, dahil ang totoo hindi na.

This is the right time to end this.

Masakit para sa kanya ang iwan ito pero mas masakit kung patuloy pa siyang mananatili sa piling nito.

Mahal na mahal niya si Vance kaya gusto na niya itong palayain at ito ang sa tingin niya ang dapat at tamang gawin.

Ipinaramdam na niya buong gabi ang pagmamahal niya. Isinuko niya ang lahat rito at hinayaan niya itong gawin kung ano ang gusto nito sa kanya. They made love as if there is no tomorrow.

And this is his the last goodbye.

Pigil ang paghikbi na marahang hinalikan ni Rafael ang asawa sa noo nito bago siya tumayo. Bitbit ang malaking bag na lumabas siya ng kwarto.

Natigilan siya nang mabungaran si Ven na nakatayo sa labas ng kwarto nila. Walang emosyon na nag-angat ito ng tingin sa kanya.

"You're leaving?" tanong nito.

Tiim ng bagang na hindi niya ito sinagot, ni tingnan man lang nga ito ay hindi niya magawa. He hate this child so much. Naalala niya ang mga magulang nito ang dahilan ng pagkawala ng anak nila. Dahil sa mga magulang nito nasira ang relasyon nilang mag-asawa. Alam niya na wala itong kasalanan, pero hindi niya ito magawang hindi pagbuntungan ng galit.

Walang salitang nilagpasan niya ito, wala siya dapat na ipaliwanag dito.

"Are you happy for leaving someone who truly loves you?" muling tanong nito na ikinahinto niya.

"Daddyto loves you so much. Are you not saying goodbye? He will hurt for sure" sabi pa nito.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa bag niya. Syempre hindi siya masaya na iwan ang taong alam niyang mahal siya ng sobra. Mahal din niya ito pero habang buhay lang niya itong masasaktan kapag nanatili pa siya rito.

Bakit pa siya mananatili kung alam niya sa sarili niya na hindi na siya tama para sa asawa niya? Na alam niyang puro sakit at pabigat lang ang kanyang naibibigay? At alam niyang pagod na pagod na ito.

And Rafael know there will come a time, Vance will surrender. And to be honest, that's what he want. Not because he didn't loved him, he just know that he'll hurted him so much and he's not good enough for him. Vance is too good and his not.

Inalis muna niya ang hangin na nasa baga niya bago siya nagsalita. "Love doesn't always end well. Love is not all about holding on. Sometimes you need to give up and learn to let go. You will know if you arenold enough, Kiddo."

Muli siya nagpakawala ng hangin bago ito nilingon.

"For now, I ask you a favor. Take care of him." iyon lang at tuluyan na siyang lumabas ng mansion.

Bago siya pumasok sa sasakyan niya, binigyan muna niya ng huling sulyap ang mansion kung saan mayroon siyang masayang ala-ala kasama si Vance.

"I'm sorry, Vance... Hasta que nos encontremos de nuevo mi Alfa." (Untill we meet again mi Alfa.)

Willingly Yours (Great Pretender Series II)[Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon