"San punta n'yo?"tanong ni Lyra sa mga ito, wala si Xedrick lumabas ito kanina e.

"Kakain kanina pa kami gutom na gutom e."nakangusong sabi ni Xavier na parang bata at hinihimas pa ang tiyan n'ya.

"Tamang tama! Kakain rin kami,"ngiting ngiting sabi ni Lyra.

Sabay sabay kaming nagpunta sa napili naming Hotel's all-day dinning restaurant, since umaga pa lang naman ay sa mga pang breakfast ang napili naming kainan.

"Nasaan ka'ya si Bakulaw?-I mean Xedrick, apat na oras na iyong hindi pumapasok ng suit. Baka naligo na ang loko, excited much huh?"si Brent na nakapamulsa ang mga palad sa denim n'ya.

Walang gaanong tao ka'ya mabilis kaming naka-order ng mga pagkain, sa dami pa nga namin ay dalawang table ang kinailangan.

"Kasama n'ya siguro si Christine."napatingin ako kay Xander.

"Nasa suit si Christine ang himbing ng tulog n'ya, so imposibleng magkasama sila."seryosong gatong ko ka'ya tumahimik. Napatingin ako sa kanila na kaninang nakatingin saakin, mabilis kasi silang nagsilihis ng tingin.

"Ang crunchy naman ng bacon! D-diba babe?"pagputol ni Lyra sa awkward atmosphere, napairap na lang ako sa inaasta nila, tama naman ako di'ba? anong mali sa nasabi ko at ganto sila, kanina lang ang iingay nila.

Sabay namang dumating si Xedrick at Drew, parehas silang sa lamesa namin pumunta, may bakanteng upuan sa left side ko sa right side naman ay katabi ko si Nancy.

Pansin ko ang pagtingin ng dalawa sa katabing upuan ko, hindi alam kung magpapaubaya ba ng upuan para sa isa sa kanila o hindi.

"San ka galing Xed?"

"Port bar, lang."parang wala sa mood na sagot nito kay Jei.

"Aga aga nag-iinom ka, nagbreakfast ka manlang muna sana."Hindi na lang sumagot si Xedrick seryosong nakatingin sa upuan sa tabi ko sunod saakin kaya naglihis na lang ako ng tingin.

Sa peripheral vision ko ay pansin ko ang pagbulong ni Nancy kay Jei.

"I heard na maganda raw ang rooftop 11 dito, right Drew?"si Nancy sabay baling kay Drew na nakatayo parin sa harap namin, sa likod nila Lyra.

"Tara Jei, I wanna go there now!"mabilis tumayo si Nancy ka'ya ang left at right side table ko ay bakante na ngayon, mabilis na umalis ang dalawa kaya inukupahan na ng dalawa ang upuan.

Unti unti kong naramdaman ang discomfort sa pagitan nilang dalawa na seryoso ang mga kilos, malayo sa hyper na ugali nilang dalawa na nakasanayan ko tuwing kasama ang isa sa kanila.

Anong nangyare? Dahil ba ito saakin? Ayokong mag-assume pero tingin ko yun nga.

Ang hinihiling kong pagbilis ng oras ay hindi ako napagbigyan, pakiramdam ko ay ang tagal tagal ng oras ng mga sandaling 'yon.

Laking pasalamat ko ng natapos ang breakfast namin at nagtungo na kami sa kanya kanya naming suit, naabutan pa namin ang mga naka yellow na tingin ko'y empleyado sa resort na ito ay naglapag ng mga swimwears sa kanya kanya naming kama.

Halter tank top high waist swimwear ang napunta saakin revealing too much skin, pero okay na ito saakin mukhang bagay naman.

Pinaalalahanan kami ng isa sa kanila na nine pm ang start ng celebration so we still have time to relax and enjoy the beach if we want to. Itong si Lyra nga ay nagyayaya na sa beach, hindi pa n'ya suot ang susuutin mamayang gabi ang sinuot n'ya ay ang dala dala n'ya. Ako naman ay ang hinanda ko pagkalabas ko ay nagulat si Lyra at sumimangot sa suot ko.

"Seryoso ka ba na 'yan na ang susuutin mo?"

"Oo, anong problema? okay naman."pinasadahan ko ng tingin ang suot ko.

Still YoursWhere stories live. Discover now