"There's time for that sis, just please let her rest for a while, will you?"hindi parin nawawala ang pout ni Demi. Hindi naman nakapagsalita si Demi sa tabi ko kaya nagsalita na ulit si Drew, hindi rin naman ako makapagsalita.

"Ah! I forgot to tell you, your friends waiting for you at reception hall, baka gusto mong puntahan?"nanlaki ang mga singkit na mata ng kapati sa tuwa, talagang inaasahan ang pagdating ng mga kaibigan.

"OMG! are you serious?!"Drew Laughed.

"Yup! Go see them, they need you there, bisita mo 'yon e."nakangiti ng sabi ni Drew. Saakin na nakabaling si Demi na sobrang laki ng ngiti, mabilisan n'ya lang akong niyakap.

"This is a pleasure to meet you, this is such a pleasure!"paulit n'yang sinabi at naglakad na paalis pero binalingan pa ulit kaming dalawa ni Drew.

"By the way, you two looked good together! For sure magiging maganda at gwapo ang mga offsprings n'yo! I mean my mga pamangkins!"Kinindatan n'ya ang kapatid at tumalikod na.

Napakamot si Drew sa ulo at napatungo ang ulo malaki pa ang ngiti n'ya, napangiti na lang rin ako, ang cute naman neto kiligin pero totoo ba 'yan? Haha, well whatever.

Saglit namayani ang katahimikan ng s'ya na ang naunang magsalita."Mamaya lang may pupuntang taga assist rito to give you the swimwears."

Yun siguro ang susuutin para sa debut celebration, nakakahiya naman wala akong regalo para sa kay Demi, hindi ko napaghandaan masyado kasing mabilis.

He send me off to my suit to rest daw, medyo nahihiya pa s'yang magpaalam ibang iba sa dating s'ya na ang daldal pa magpapaalam na lang, hindi ngayong ngingiti ngiti lang at kakamot kamot sa ulo, I find him cute.

"Botong boto sa'yo si Demi huh?"ngiting ngiti namang sabi ni Lyra na nakaupo sa dulo ng malambot na kama habang ang dalawang palad ay nakapirmi sa likuran n'ya, ginagalaw galaw n'ya ang mga paa na nasa sahig.

Si Lila naman ay hawak ang phone n'ya na naka indian sit, si Nancy ay busy rin sa pagkakalikot sa phone n'ya na nakasandal sa Headrest ng kama na malaki ang ngisi. Si Sel nakaupo sa kama nakatanaw sa bintana mukhang malalim ang iniisip. At si Christine natutulog na naka eye mask.

Tinanggal nito ang eye mask saglit at nakahalf closed ang mga mata.

"Please keep your voices down, I wanna rest, and uh- wake me up, if needed, thank you!"mabilis n'yang ibinalik ang eye mask. As usual nakasimangot nanaman tong si Lyra, mainit ang dugo sa huli.

"Kapal huh? tsk bala ka d'yan, hope you'll never wake up!"medyo mahina ang boses n'ya pero mukhang maririnig naman 'yon ni Christine ka'ya tinignan ko s'ya warning para patigilin s'ya, she just rolled her eyes on me.

"I can hear you..."medyo inaantok ng sinabi ni Christine at tumagilid. Bumelat si Lyra silently mimicking what christine said, at hindi na nagsalita pa, hindi parin nawawala
ang sama ng tingin.

Umupo ako sa aking kama katapat ng kay Lyra. Napakalambot ng kama inantok tuloy ako, inaakit ako nitong tulugan ko raw s'ya.

"I can't wait to wear my swimsuit!"excited na sabi ni Lyra at medyo mahina ang boses.

"May ibibigay na swimsuit saatin, So hindi mo masusuot 'yan, theme iyon ng debut celebration."nakangusong tumango na lamang s'ya.

Saglit lamang kaming nagpahinga at nakaramdam na ng gutom kaya nagsilabas na kami para maghanap ng makakainan. Hindi na namin isinama si Christine dahil masarap pa ang tulog nito, si Sel naman ay wala daw gana at hindi na namin pinilit pinaalalahanan ko na lang itong kumain pag nagutom na.

Isa isa rin ang paglabas ng mga lalaki sa katapat ng magarang suit, they were all in their swimwears. Ang iba sakanila ay may mga hats pa at shades na bagay naman sakanila.

Still YoursWhere stories live. Discover now