"Sagutin mo ko."

"Wala naman. Pagod lang ako. Alam mo namang nagkakaproblema ako sa kumpanya."

"Parang may iba sayo today. Gusto mong dito matulog ngayon gabi?"

Umiling sya. "Sorry hindi ako pwedeng magtagal. Naguwi ako ng ilang paperworks. Kailangan kong magtrabaho tonight." Kasinungalingan iyon. Ayaw lang nyang magspend ng oras kasama ng nobya. Isang babae lang ang gusto nyang makasama sa mga oras na iyon at ang babaeng iyon ay nasa ospital. Gusto nya itong yakapin, halikan, and make love to her hanggang mapagod sila.

"Okay." Disappointed na sabi ni Jasmine.

Bumalik na si Daniel sa kotse nya at nagdrive pabalik sa bahay. Naabutan nya ang Mama nya sa balkonahe at umiinom ng tea. Hinalikan nya ito sa pisngi. Nakita nyang nagtitingin ang Mama nya ng mga lumang photo albums.

Natigilan sya nang makitang mga pictures iyon noong bata pa sya.

"Ang bilis ng panahon. Ikakasal ka na. Parang kahapon lang ay isa lang paslit na mahilig maglaro. Ngayon, bubuo ka na ng sarili mong pamilya."

Napakunot ang noo nya nang makita ang mga picture sa susunod na page. Hindi sya magisa sa mga pictures doon. May kasama syang isang baby girl. Nakahiga sila sa kama at magkatabi. Sobrang cute at ganda ng baby habang sya naman ay malapad ang ngiti. Halatang gustong gusto nya ang baby na iyon kung ibabase sa pictures. May mga pictures din kung saan karga nya ang baby.

"Si Kathryn yan." Sabi ng Mama nya habang nakangiti. "Naaalala mo pa ba kung gaano ka natutuwa sa kanya noon? You love her to bits. Minsan pinapakain mo pa sya. Nung lumalaki sya ay mahilig syang maglaro at puro kalokohan. Madalas ay nagagalit ka sa kanya pero yayakapin ka lang nya at nawawala na lang galit mo. Sinabi mo pa noon sa Tito Teddy mo na papakasalan mo sya one day. Hindi mo lang alam kung paano pinigilan ng Tito Teddy mo ang sarili nyang sakalin ka dahil don. Bata ka pa at di mo pa alam ang mga sinasabi mo. Nakakatawang mga memories ano?"

Walang sabi sabi'y iniwan nya ang Mama nya doon. Tumutulo na ang luha sa mga mata nya. Hindi sya makahinga ng maayos. Sa wakas ay naamin na nya sa sarili nyang in love sya kay Kathryn. Hindi nya alam kung paano iyon nangyari pero sigurado syang mahal nya ito. Mahal na mahal.

Alam nyang malaking problema ang napasukan nya. Hindi nya alam kung anong gagawin nya. Hindi nya alam pano ito reresolbahin.

Lumabas uli sya ng bahay at nagdrive paikot ikot sa city. Gusto nyang makita si Kathryn. Pakiramdam nya ay mababaliw sya pag hindi nya ito nakita ngayong gabi. Tumigil sya sa isang restaurant na nagtitinda ng pizza at bumili sya ng isang box at mga inumin bago sya nagpuntang ospital.

As usual, ayaw na naman syang papasukin ng mga guard.

"Wala ho dito si Sir Dominic, Sir." Sabi ng isang guard.

"Gusto ko lang makita si Kathryn."

"Pasensya na ho, Sir. Hindi namin kayo pwedeng papasukin ng hindi inuutos ni Sir Dominic. Ayaw naming mawalan ng trabaho."

Makikipagpilitan pa sana sya pero biglang bumukas ang pintuan at niluwa noon si Kathryn. She saw longing fleetingly crossed her eyes. Pero agad din itong nawala kaya akala nya ay imagination lang nya iyon. Nakita nyang tumingin si Kathryn sa box ng pizza na hawak nya.

"Para sa kin ba yan?" Tanong nito sa kanya.

Tumango sya.

"Pasok ka." Yaya nito at binuksan ang pintuan.

If You Don't Know Me By NowWhere stories live. Discover now