Arrow One

1.1K 9 0
                                    

"Diyos ko! Hanggang ngayon ba, Ylia, hindi ka pa rin nakakamove-on sa nangyari kina Tam at Jessy? Sila nga, nakalimutan na yun tapos ikaw, hindi? Loka-loka ka?"

Hindi pinansin ni Ylia ang sinabi ng kanyang pinsang si Jan. She continued her contemplation about what happened six months ago while staring on the outside of the wet and blurry glass of the window. It is a rainy Saturday and she thinks it is the best day to meditate about her stupidity which ruined a relationship months ago.

"Sino ba namang hindi makakamove-on sa ganoong klase pangyayari?" nakangusong sabi niya habang nagte-trace ng pangalan niya sa nagmo-moist na glass ng bintana gamit ang kanyang daliri.

"Ako. Kung ako kasi ikaw, kakalimutan ko nalang yun. Masaya na naman yung dalawa eh. Hindi nga lang piling ng isa't isa pero at least, masaya na sila," sabi pa ng kanyang pinsan na kanina pa nilalantakan ang dala nitong pizza.

Wala kasi ito naka-duty ngayon kaya naisipan nitong dalawin siya. May dala-dala pa itong dalawang box ng pizza na ito rin naman ang kumain. Siya naman ay mamayang gabi pa ang pasok sa bar bilang isang disk jockey.

"Wala ka kasing konsensyang tomboy ka," himutok niya.

Inaasahan na niya ang pagbato ni Jan sa kanya ng kung anumang madampot nito mula sa kama niya kaya naman hindi na siya nagulat pa nang tamaan siya ng notebook sa ulo. Sa sobrang lakas niyon, tila naalog ang utak niya. Sinamaan lang niya ito ng tingin.

Ang pinsan niyang si Superintendent Janessa Amor Fajardo a.k.a. Jan ay isang tomboy na nagagalit kapag tinatawag niya itong ganoon. Sa kilos, pananalita at pananamit pa lamang nito ay hindi na maitatagong tomboy talaga ito. Minsan na rin itong nagkagusto sa isa niyang kaklaseng babae noong high school. Ayon dito, crush lang naman daw iyon. Walang masama.

"Hindi ako tomboy. Boyish lang," paliwanag nito na gasgas na gasgas na sa kanyang pandinig.

She just grimaced. Wala siyang makipagbalagtasan ngayon dito. Kasalukuyan siyang nagse-senti at nagse-self-pity sa kagagahan niyang nagawa noon.

"Alam mo kasi, Ylia, itigil mo na yang pagpapaka-matchmaker mo. Wala riyan ang future mo. Magpatugtog ka nalang at mag-remix ng music nang dumami ang pera mo."

Siya naman ang dumampot sa notebook at ibinato iyon sa pinsan. Sapul ito sa noo. Napahiyaw ito sa sakit. Nagbingi-bingihan na lamang siya sa sunod-sunod na malulutong na murang ibinato nito sa kanya. Ganoon talaga silang magpinsan. Sakitan, murahan, barahan, laitan... Hindi naman kasi katulad si Jan ng ibang mga babae. Hindi ito mahilig sa mga pambabaeng bagay at ayaw na ayaw din nito ng mga sweet. Nasusuka ito kapag niyayakap niya ito o hinahalikan o pinupuri o nilalambing.

"Matchmaker ako. Wag kang epal," mahinang sabi niya habang dino-drawing naman ang isang puso sa bintana.

Jan snorted. "Iyan ngang pusong idino-drawing mo, hindi mo ma-perfect. Tapos nangangarap ka pang maging matchmaker? Lelang mo!" Sinundan pa nito iyon ng mala-demonyong tawa.

"Lumayas ka na nga sa kwarto ko! Pumunta ka lang dito para manggulo eh. Padala-dala ka pa ng pizza, eh ikaw din naman ang kumain. Binu-bwisit mo lang ako rito," singhal niya rito.

Para itong walang narinig at nagkibit-balikat lang. Humiga pa ito sa kama niya. Hindi na lamang niya ito pinansin. Bata pa lang sila ay sakit na talaga sa ulo niya ang pinsan niya. Gayunpaman, ito lang sa lahat ng mga pinsan niya ang pinaka-kaclose niya. Komportable kasi siya kapag kasama ito. Walang arte.

Muli siyang dumungaw sa labas ng bintana. Anim na taon na simula nang mangyari ang dahilan ng pagse-senti niya. Bata pa lang kasi siya ay hilig na niya ang pagtambalin ang mga taong nasa paligid niya. Napakamalisyosa niya sa simpleng mga bagay. She is in love with the idea of love and the idea of pairing strangers to become lovers since she was still a kid. Madalas naman ay tumatama ang mga pinagtatambal niya. Nagkakagustuhan ang mga ito. Pero kapag tumatagal ay biglang napuputol ang taling nagbuhol sa dalawang taong iyon. Kadalasan ay kasalanan pa niya.

Messed Up CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon