"Alyana!"

Tawang ng pamilyar na tinig sa kanyang pangalan.Nilingon naman niya ang pinagmulan ng tinig at nakita nga niya ang kanyang kaibigan na walang iba kundi si Niña may dala rin itong basket na kikip sa mga braso nito.Sa hacienda rin kasi nag tatrabaho ang mga magulang nito kaya hula niyang nagdala rin ito ng pagkain para sa mga magulang nito.Mabilis namang nakalapit ang dalaga sa kaniya habang malawak parin ang pagkakangiti.

"Kanina kapa ba?"tanong nito sa kanya.

"Hindi kakarating ko lang din ,Ikaw ba?

"Kanina pa ako dito,pauwi na nga sana ako kaso nakita kita,kumusta ho mang Jose.."bati ni Niña sa kanyang papang.

"Ayos naman Ineng.."tugon ng matanda habang inilalabasa ng pagkain sa basket.

"Alyana halika dali may chika ako sayo.."Turan ni Niña na halatang kinikilig hinila pa siya nito palayo sa kanyang papang.

"Ano yun..?nakakunot ang noong tanong niya pero na e-excite narin sa ibabalita nito.

"Nakita mo na ba yung bagong trabahador dito sa hacienda?Grabe Alyana makalaglag panty..."Kinikilig na wika nito.

Bigla namang nawala ang excitement na nararamdaman niya,Kala pa naman niya may maganda itong ibabalita."Oh bakit mukhang disappointed ka?"nagtatakang tanong nito.

"Eh kasi naman  kala ko mayamang gwapong lalaki ang ikukwento mo sakin trabahador lang pala..."Aniya na pinaikot ang kanyang eyeballs.

"Ay grabe ka naman,pag nakita mo sya sigurado ako bubuka yang bibig mo tulo pa laway mo.."Wika nito sa kanya.Tumaas naman ang kanyang kilay sa sinabi nito saka siya namaywang sa harap ng kaibigan.

"Well well,for your information walang kadating dating sakin yang mga ganyang-----.."hindi na niya naituloy ang sasabihin ng mahagip ng kanyang mga mata ang isang pamilyar na lalaking naglalakad palapit sa kinaroroonan nila.Wala itong damit na pang itaas kaya naman tambad na tambad sa hubad niyang mga mata nakapaka-ganda nitong katawan.Parang kakakain lamang nito ng anim na pandesal na hindi natunaw kaya nakaumbok sa tiyan nito.Tumutulo ang mga pawis mula sa itaas ng katawan nito patungo sa nakakatakam nitong tiyan pababa sa loob ng suot nitong kupasing maong na pantalon.Hindi naman niya mapigilang mapalunok ng mapadako ang tingin sa umbok na nasaloob ng pantalon nito.

she feel that her ovaries wants to explode!

"Good lord!wala daw kadating-dating pero tumutulo na laway..Saluhin mo bhe tumutulo!"bulalas ni Niña.Dahil sa pagkagulat umakto nga siyang sasaluhin ang kaniyang laway.Malakas namang napahagalpak ng tawa si Niña sa kanya.

"Bwesit!"wika niya saka ito inundayan ng hampas.

"Mukhang nagkakasayahan kayong dalawa.."

Halos sabay naman silang napatingin sa nagsalita na walang iba kundi si Don Alejandro. Katabi nito ang Anghel na kanina lamang ay pinagnanasaan niya sa kanyang isip.Pero kaagad din niyang binura ang paghangang nararamdaman dahil naalala niya ang kagaspangan ng ugali nito ng una niya itong makita sa mansion.Nagtama ang kanilang paningin pero kaagad niya itong tinaasan ng kilay.Sa lubong naman ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya na halata ang disgusto sa akto niya.

"Magandang tanghali ho Don Alejandro.."bati ni Niña.

"Magandang tanghali rin Ija..."Ganting bati ng Don."Alyana nasaan ang Papang mo?"tanong ng Don sa kanya.

"Naroon ho kumakain.."turo niya sa Papang niya na noon ay papalapit na sa Kanila.

"Don Alejandro.."wika ng tatay niya.

"Jose,Ito nga pala si Duke bago nyong makakasama dito sa hacienda at saiyo ko siya ihahabilin,Ikaw na bahala magturo sa kanya ng mga dapat nyang matutunan dito sa Hacienda."wika ng Don.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CATCH ME I'M FALLEN [THE MONTILLANO SAGA BOOK9]Where stories live. Discover now