1

2.9K 133 28
                                    

"Alyana!"

Hindi niya pinansin ang tawag ng kanyang ina.Nasa ilalim siya ng punong mangga nakaupo sa duyan na ginawa ng kanyang papang para sa kanya.Habang nanaginip siya ng gising.

Hawak daw ng isang gwapong lalake ang kanyang kamay,nanamasyal sila sa dalampasigan habang kapwa wala silang suot na tsenelas.Gwapo ang lalaking kahawak kamay niya,matangkad ito na umabot lamang siya sa may balikat nito.Maganda ang katawan ng lalake na alaga sa ihersisyo.At higit sa lahat ubod ito ng yaman.

Kilig na kilig siya ng mga sandaling yun,dahil naabot narin niya ang kanyang matagal ng pinapangarap ang magkaroon ng mayaman at gwapong nobyo.Maiiahon na niya sa hirap ang kanyang mamang at papang,titira sila sa isang napakalaking bahay at makukuha niya ang kasal na gustong gusto niya.

"Hanz kilan tayo magpapakasal?"nakangiting tanong niya sa nobyo.

Nakangiti namang humarap ito kaya lalo niyang nabistahan ang napakagwapo nitong mukha.

"Alyana.."anas nito sa kanyang pangalan.

"Hanz.."anas niya na nagpa-puppy eyes dito.

"Alyana...Will you marry--"

"Alyana!"malakas na tinig ng knayang ina kasabay ng pagtama ng tsenelas sa kanyang balikat.

"ARAY!!"bulalas niya kasabay ng biglang pagtayo niya mula sa pagkakaupo sa duyan.Nagising siya sa kanyang ilusyon at bumalik ang kanyang isip sa tunay na realidad ng kanyang buhay.

"Tigil-tigilan muna ang pananaginip ng gising para ka nang baliw,nagsasakita ka mag-isa!"galit na bulyaw sa kanya ng kanyang mamang.

"Mamang naman,kilangan talaga batuhin pa ako.."aniya habang hinahaplos ang nasakatang parte ng kanyang balikat na tinamaan ng tsenelas.

"Papaanong di kita babatuhin,nakasampung tawag na ako sayo pero hindi ka naman naiingli.Hala pumasok kana sa loob at dalahin mo yung isang bilao ng puto sa mansion."

"Bakit po ano namang meron sa mansion?"

"Dadating ngayong araw ang apo ni Don Alejandro kaya may kunting salo-salo sa masion.Kaya kumilos kana bago pa tumanghali..."

"Lalake po ba ang apo ni Don Alejandro na dadating?"tanong niya habang nangingislap ang kanyang mga mata.

Gumuhit naman lalo ang gatla sa noo ng kanyang mamang.Alam niyang may naglalaro sa isipan nito tungkol sa kanyang katanungan.

"Kung ano man yang naglalaro sa isipan mo,burahin muna bilisan muna Alayana makukurot na kita sa singit.."

"Mamang naman tinatanong lang naman kung lalake ang apong darating ng Don..."

"Tama na ang tanong bilisan muna diyan.."sagot ng kanyang mama bago ito tumalikod at humakbang na muli papasok sa loob ng kanilang bahay.

Napakamot naman siya sa kanyang ulo.Kahit kilan talaga killjoy ang mamang niya.

"Lalake ang apo ni Don Alijandro na darating..."

Narinig niyang turan ng kanyang mama na hindi nag aksaya ng panahon na lingunin siya.

Nabuhay ang kanyang dugo sa sinabi nito.Kasabay ng pagguhit ng isang makahulugang ngiti sa kanyang labi.

______

Suot ang isang puting bestida kasalukuyang nilalakad niya ang patungo sa mansion.Ingat na ingat siya sa paglalakad dahil maputik ang kalsadang tinatahak niya.Umulan ng nakaraang gabi kaya naman nagdulot iyon ng hindi kaaya-ayang daan.May mga ilang tubig na naipon sa lubak na kalasada kaya naman siguradong pag may siraulong driver na walang ingat sa pag mamaneho matatalsikan ng tubig sa lubak ang madadaanan nito.

CATCH ME I'M FALLEN [THE MONTILLANO SAGA BOOK9]Where stories live. Discover now