2

453 29 5
                                    

Alyana•••••

Habang pauwi ng kanilang bahay panay parin ang maktol niya sirang-sira ang araw niya ngayon.Una nagmukha siyang putek sa suot nya pangalawa nakaengkwentro siya ng lalaking sagad sa buto ang kaarugantehan na akala mo kung sino alipin lang pala,pasalamat ang lalaking iyon gwapo ito kung hindi puro kasamaan nalang ang mapipintas dito. At ang higit na ikinaiinis niya eh yung hindi manlang niya nakita ang apo ng Don.Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan niya. At dahil sa abala ang kanyang isip hindi niya namalayan na nasa tapat na pala siya ng kanilang bakuran at malayo palang nakikita na niya ang kanyang mamang na nakatanaw sa kanya sabay wagayway nito ng kamay upang tawagin siya.Naiikot niya ang kanyang mga mata,ano na naman kayang iuutos nito sa kanya.Gusto na niyang mag pahinga para matuloy naman ang naudlot niyang panaginip.

"Mamang..."

"Bilisan mo at dalahin mo itong pananghalian sa Papang mo sa hacienda siguradong nagugutom na ang matandang iyon."Inabot ng kanyang mamang sa kanya ang isang basket na may lamang pananghalian kanyang Papang.Kinuha naman niya iyon mula dito bago siya nagsalita.

"Mamang magpapalit muna ako ng damit.."wika niya.

Sakalang naman napansin ng kanyang mamang ang kanyang puting damit na noon ay nagkulay putim na."Ano bang nangyari diyan sa bestida mo?"

"Hay nako mamang may mayabang na driver na mabilis na nagpatakbo ng kanyang magarbong sasakyan sa kalsada ayon ng dumaan sa lubak tumalsik sakin yung putek!"palatak niya."Nasira tuloy ang ayos ko."

Nangingiti namang nakamata sa kanya ang kanyang Mamang."Hayaan muna sumulong kana at palitan yang suot mo at nang madala muna itong pananghalian ng Papang mo.."

"Opo Mamang.."tugon niya bago nagmadali nang pumasok sa loob ng bahay.

•••••••••

HACIENDA

"Magandang tangahali Mang Igno.."nakangiting bati niya sa isang trabahador sa hacienda buwan ng tag Ani ng mangga kaya naman abala ang mga trabahador sa pagpuputi ng mga bunga hacienda. At bukod sa halos Dalawang Iktaryang manggahan mayroon ding Malawak na taniman ng watermelon na ilang araw lang ay aanihin narin.

Karamihan ng mga trabahador ay Nagsisipag tanghalian na kaya naman nag madali na siyang puntahan ang kanyang Papang. Nakita niya itong nanunungkit  ng bunga kaya naman tinawag niya ito upang makuha niya ang pansin ng kanyang Papang.

"Papang!Dala ko na ang pananghalian mo.."Malakas na wika niya.

Itinigil naman nito ang ginagawa at bumaling sa kanya. Nakita niya ang bulubulutong na pawis nito sa mukha at ang basa niyong jacket ng dahil sa pawis.Matanda na ang kanyang papa Kaya naman naawa siya dito pag nakikita niya itong nahihirapan. Kaya naman gusto niya talagang makapag-asawa ng mayaman para maahon niya sa hirap ang kanyang mga magulang. Pero Dahil nga dise-otso  lamang siya kaya bawal pa boyfriend lang muna. Pero yun na nga  nasa dalawang taon na sya sa kolehiyo sa kursong Agricultural na gusto ng mga magulang niya para sa kanya.Pero sa totoo lang gusto nya talagang maging modelo kasi May ipagyayabang naman talaga siya.

"Alyana..."Pukaw ng tatay niya sa kanya na nagpabalik ng isip niya sa reyalidad."Kung saan-saan na naman nakakarating yang isip mo.."Natatawang sabi nito sa kanya.

"Papang naman,para ka ng si Mamang eh.."nagmamaktol na wika niya.

"Aba'y anak wala akong sinasabing masama,nakatulala ka nanaman kasi,O siya akin na nga iyang basket ng makakain na..."kinuha ng tatay niya ang basket na kanyang hawak saka naglakad patungo sa ilalim ng may kataasang puno ng mangga.Sumunod naman siya dito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CATCH ME I'M FALLEN [THE MONTILLANO SAGA BOOK9]Where stories live. Discover now