The Morning After

Start from the beginning
                                    

Halatang di sya sanay magluto.

After namin kumain, Deanna asked if she could go home to change muna and she will come back after. May pupuntahan daw kami. Since it's Saturday naman, pumayag na din ako.

Hhhhhmmm ano na naman kayang lugar ang ma di-discover ko today. Knowing Deanna, for sure maganda na naman to.

Excited na din akong nag prepare para sa panibagong adventure na tatahakin namin.

After an hour, bumalik na si Deanna. Pormang porma ah. She was wearing skinny jeans, a white shirt, a black & grey cap and may sunglasses na naka sabit sa shirt nya.

"Wow parang turista ah! San punta natin? Haha"

"Take my hand and I'll show you" sabay abot sa kamay nya.

Padating namin sa car nya may kinuha sya sa backseat at inabot sa akin ang isang black & grey cap and sunglasses na kapareha nung sa kanya.

Ayiieeee matchy matchy haha couple goals lang?

"We're going outdoors kasi so baka ma initan ka" sabi nya.

Halos isang oras din syang nag drive hanggag sa narating namin and isang gate na napapaligiran ng vines na gumagapang dito. Those were flowering vines at may purple and pink flowers na nakapalibot.

Sa kabilang dako naman ng daan ay may mga stalls na nagtitinda ng kung ano anong mga produkto.

Maraming flowers, sweet corn and sari saring gulay at prutas na tinitinda.

And ganda parang sa fairy tale. Bumaba na kami at nagtungo si Deanna sa may gilid kung saan nagbigay sya ng entrance fee sa isang babaeng naka bantay don.

Pag pasok namin ay bumungad sa akin ang napakagandang garden. Malawak ito at may napakaraming bulaklak na iba't ibang kulay.

Deanna never disappoints. Napakaganda naman talaga ng lugar.

Panay yung pag kukuha namin ng picture don. Sa ganda ng lugar ay tila bawat sulok ata is "instragrammable".

Super supportive naman si Deanna sa pagkukuha ng mga pictures ko. Ang galing nya talaga kumuha.

Halos tatlong oras din naming nilibot yung  buong lawak ng garden. Mag gagabi na nang makabalik kami sa sasakyan nya.

"Teka lang ha. I'll just check yung likod ng sasakyan. Parang nagasgasan ko ata kanina" sabi ni Deanna at nagmadaling bumaba.

Ilang minuto pa ay bumalik na sya at...Wow naman may pa flowers si mayora 👏 Red roses and may dala din syang sweetcorn at maraming fruits. Then sa isang plastic ay mga gulay naman. Pumunta pala sya sa may mga stalls.

"Flowers for you. And please dalhin mo yung veggies para may stock ka sa condo mo. Puro meat and frozen food kasi ang nakita ko don"

"Thank you. I really appreciate this" sabi ko sa kanya.

She took my hand between hers and kissed it.

"Anything for you babe"

"Ayyy wag babe. I don't like. Sabi kasi nila pag babe yung tawagan hindi nagtatagal eh" pagtutol ko dito. (Peace po sa may tawagan na Babe. Gawa gawa ko lang po to)

"Hindi nagtatagal? So tayo na ba?" mas malawak pa kesa sa garden yung ngiti nya eh.

"Huh? Hindi ah wala akong sinabing ganyan" baka akala nito easy to get ako.

"Hhhhmmm okay. How about Langga? Lang for short or Lalang para mas lambing"

"What does it mean?"

"Langga means Mahal in tagalog"

"I'd like that" sabi ko habang naka ngiti sa kanya.

It was already dark outside and I noticed na may parang kumikinang sa labas.

Wow fireflies! Ang dami nila. Palipad lipad sa labas.

Dun na namin kinain yung sweetcorn at ibang fruits. Habang naka park lang sa gilid ng gate surrounded by fireflies.

Again we talked and talked about anything under the sun.

Hanggang sa nagtanong sya.

"If there were 5 things that you wanted to do accomplish next year, adventure-wise, ano yon?" tanong ni Deanna.

"Hhhhhhmmm let me think:

Well for one, gusto kong mag try ng zipline.

Number two, I want to go racing.

Three, I want to experience being a life guard for the day.

Four, I want to go surfing or kahit sa paddle board lang

And Fifth, I want to kiss someone in the rain."

"Mukhang hindi naman impossible yung bucket list mo. I'll try my best para matupad yon. Especially the fifth one kahit di naman ata yun adventure hehe" sabi nya sabay wink pa.

Naubos na namin yung food. Busog na busog na ako so di na kailangan mag dinner.

It was almost 9 PM. Napahaba yata ang usapan namin. We decided to drive back na.

Back to reality na naman.

I still have tomorrow to rest and run some errands before mag start na naman ang training sa Monday.

I'm sure ganon din si Deanna.

Magiging busy na naman kami.

Hinatid nya ako hanggang sa pintuan ng condo ko.

Syempre may kiss muna bago ako pumasok.

"Let me know if you get home safe" I said in between our kisses.

"I will,Lalang"

"You should get going na Lang. It's getting late"

"See you Langga. Pahinga ka ng mabuti ha and eat those veggies please."

One final kiss on my forehead and she headed for the elevator na.

What a weekend. Happy birthday to me indeed. Thank you Lord for bringing this amazing person in my life. I don't what I did to deserve all the blessings You have given me.




Fun Fact: Totoo pong nangyari sa akin ang makasunog ng kanin sa rice cooker haha hindi po matalinong tao si Author
😅

Thanks for reading guys. Please leave a vote or a comment para patuloy lang yung story natin.

Always be kind ❤️

My Silver LiningWhere stories live. Discover now