The Morning After

25.6K 465 77
                                    

JEMA'S POV

I woke up to the smell of something burning. What the hell?!

Agad akong bumangon at halos tumakbo na palabas ng room.

I saw Deanna in the kitchen. Naka upo ito sa dining table. Naka patong yung siko nya sa lamesa, both hands covering her face at nakayuko ito na para bang ang laki laki ng problema nya.

"Uhm good morning. You mind telling what's that smell?" pigil tawa kong sinabi.

"Sorry huhuhu yung rice kasi"

Hindi pa rin sya gumagalaw at nakatakip pa rin sa mukha ang mga kamay.

Tinungo ko ang rice cooker at tinanggal ang takip. Bumungad naman sa akin ang amoy ng parang nasunog na popcorn.

Parang matatawa na talaga ako. How did she manage to still burn the rice if she's already using a rice cooker? Hahaha

"I tried to cook you breakfast kasi. But after a little over 15 minutes nag click na yung rice cooker. I didn't know mabilis lang pala maluto ang rice. Akala ko sira lang yung rice cooker so I folded a piece of paper and inserted it sa may clicker so it will stay on "Cook" mode. Ayaw ko naman kasi kumain ka ng hilaw na rice. I set a timer for another 30 mins but maya maya may naamoy na akong parang nasusunog" mahabang paliwanag nya.

I walked up to her and hugged her sa likod.

"Hey don't worry about it okay" habang pigil pa rin sa pagtawa. Di pala marunong mag saing ng bigas 😂

Pilit kong tinanggal ang kamay nya para masilayan kong muli ang mukha ng babaeng nagbigay  ng saya sakin.

Halos di naman sya maka tingin sa mata ko sa sobrang hiya kaya napatawa na talaga ako.

"It's not funny!" sabi nya ng naka pout.

Those lips. Mygod I can't wait to taste them again.

"I was trying to impress you but looks like i failed. I failed miserably" dagdag ni Deanna.

"No you didn't. Actually I'm quite impressed. Akala ko impossible na maka sunog ng rice gamit ang rice cooker eh. Looks like you did the impossible hahaha"

Tumayo naman sya at akmang pupunta na sa door kaya pinigilan ko na.

"Wui haha joke lang kasi yon. Wag na po tayong pikon. Nagbabanggaan na yung mga kilay mo oh" lambing ko sa kanya.

"Ikaw kasi eh. Hiyang hiya na nga ako huhuhu. Pa deliver nalang tayo ng food"

I hugged her.

"It's fine okay. I'll just cook rice nalang para di masayang yung ulam na niluto mo" sabi ko.

I gave her a quick peck on the cheek at binalikan yung rice cooker.

I took a plate at binaliktad dito ang lalagyan ng rice. Halos matawa na naman ako nang buong buo pang natanggal yung sunog na kanin. Parang chocolate cake haha

Natawa na rin sya at kinuha yung extra candle na galing sa cake ko from yesterday. Tinusok nya sa ibabaw ng sunog na rice.

"Belated Happy birthday hahaha" natatawang sabi ni Deanna.

I took the stove lighter and lit up the candle. She took a photo of me while naka pose ako na para bang e-blow ko na yung maliit na kandila.

I posted it on my IG: "Best birthday cake ever 😅"

Nagluto ulit ako ng rice at kumain na kami. Hotdog at egg ang niluto ni Deanna. The hotdog was burnt on the other side at di ko alam kung sunny side up or scrambled ba tong itlog na niluto nya haha

My Silver LiningNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ