The Cozy Cabin

25.8K 391 50
                                    

DEANNA'S POV

Narating namin ang isang munting kainan. Medyo elevated ang lugar na to so tamang tama lang na makikita mo yung city lights. This is my "go to" place whenever I want to escape the hectic city life. A place where I can take a breather and enjoy a nice warm home cooked meal by manang Tonying. Sya ang may ari ng lugar na to.

Napatingin sa taas si Jema at binasa yung sign.

"The Cozy Cabin"

Maliit lang ang place with 4 low level tables surrounded by pillows so sa sahig kayo uupo with the pillows. Nakadagdag din sa ambiance ang orange lights na hindi masakit sa mata and makes the place more cozy.

Kami lang ang customer ngayon. Medyo late na din kasi. We picked a table near the window. Sinadya din nila ipa low level yung window para makita pa rin yung city lights sa labas kahit naka upo ka sa sahig.

Nakatingin pa rin si Jema sa labas ng bintana. I can't blame her. The first time I came here, I was also looking out the window most of the time. Napakaganda naman talaga tignan yung City sprawled just below us. With all its lights twinkling like glitter being spread through the air.

Habang busy sya, I took this opportunity to really take in her features. Mas maganda pala sya sa personal kesa sa panaginip ko. Pinagmasdan ko lahat. From her hair, to her forehead, eyes, nose and finally my eyes settled on her lips. Mamula mula ito at mukhang malambot. Without realizing it, I found myself daydreaming about what it would be like to finally kiss her. Even in my dreams it seemed very elusive kasi nga nagigising ako bago pa man yun mangyari.

"Gwapaha nimo ui" (Ang ganda mo naman)

I suddenly blurted out. Nagulat naman ako why I said that out loud. Buti nalang Bisaya kaya di nya maiintindihan.

"Huh?" sabi nya na tila naguguluhan.

"Ah eh w-wala. Sabi ko ang tagal nang pagkain. Nagugutom na kasi ako eh"

Timing din naman na nakita na namin yung waiter na papalapit dala ang food namin.

Yes! Saved by manong waiter hahaha di na ako makukulit ng isang to kung ano ba talaga yung sinabi ko.

Nagsimula na kaming kumain. Tuwang tuwa naman ako at kasing takaw ko lang din pala tong kasama ko. Wala talagang arte kahit sa pagsubo. Di gaya ng ibang babae na halos di na bubuka yung bibig sa takot na masira yung lipstick nila. Si Jema naman ay walang pake kahit mawala yung lipstick nya basta gutom po sya at kakain po sya hahaha

"Hhhmmm ang sarap naman. Parang lutong bahay talaga. Nakakamiss tuloy umuwi sa amin" sabi nya habang naka bitbit ng chicken wing sa isang kamay nya.

"So nag rent ka lang din dito? San pala sa inyo?" tanong ko.

"Sa Laguna. Andon yung mama at papa ko kasama yung isa kong ate. Ikaw ba?"

"Sa Cebu ako. I came hear sa Manila to study and play vball for Ateneo."

"Wow mas malayo pala sa inyo eh. Siguro nakaka homesick kasi minsan ka lang makakauwi"

"Oo nakakamiss don. Kaya nga thankful ako at na discover ko ang lugar na to. Para na rin akong dinala sa Cebu bawat kagat ko sa luto ni manang hehe"

"Thank you for bringing me here Deanns. Ang ganda ng place and the food is to die for"

"You're welcome Jema. I'm glad you like it here"

Nang matapos kami kumain, nagtungo kami sa likod para mag hugas ng kamay. Ang dumi ng kamay nya sa sauce. Isa lang yung lababo kaya kinuha ko yung mga kamay nya at ako na ang nag hugas nito. Nakatingin lang sya sakin habang sinasabon ko yung mga kamay nya.

"Thank you" sabi nya sabay smile.

Buti nalang may tricycle pa na dumaan at wala nang pasahero kaya na upo na kami sa harap. Pina una ko si Jema at pagka upo ko ay pinatong nya naman yung kamay nya sa tuhod ko.

Di ko alam pero parang nanlambot bigla yung tuhod ko at hindi na talaga sa gutom to kasi kumain naman na ako pero I'm starting to feel those butterflies building up in my stomach again. Hayyyy Jema ano bah! Papatayin mo ata ako sa kilig.

Pinatong ko na din yung kamay ko sa kamay nya. Mukhang okay lang naman kasi di nya iniwas yung kamay nya sa tuhod ko. Hanggag maka balik na kami sa kanto kung saan naka park yung car ko.

Pinag buksan ko ulit sya ng pinto at pumasok na din ako sa driver's seat.

Hinatid ko sya sa condo nya. At nang makarating kami ay nagmadali na naman akong lumabas para pagbuksan sya ng pinto.

"Thank you for your time tonight" sabi ko sa kanya.

"No, I should be the one thanking you. I had a wonderful time. Thanks for taking me to your secret place"

"Okay it's now or never Deanna. Say it. Just say it. Don't be a wimp or you'll never get this chance again." isip ko.

"I had a great time too and I uhm I w-was thinking maybe you'd uuhhm wanna do it again soon? I mean I understand if you're busy or if you have other plans. I bet you have a lot of other friends but I just thought you might wa—"

Hindi na ako nakatapos ng bigla nya akong hinalikan sa pisngi.

It was just a quick peck on the cheek pero bakit feeling ko parang gusto kong tumalon at magsisisigaw sa kilig. I could feel the heat rising from my neck up to my cheeks. Senyales na namumula ako kaya agad akong napayuko.

She proceeded to hold my chin up para nakatingin ako sa kanya.

"I would love to do it again. Just keep in touch, okay?" sabi nya.

"Of course! Yeah sure!" masyado yatang excited yung pagkakasabi ko kasi napatawa sya.

"I'll go ahead. See you around. Text me if you get home safe, yeah?" she smiled at pumasok na din sa building.

Para naman akong tangang hindi maka galaw sa kinatayuan ko. Did that just happen? I placed my hand on my cheek where she kissed it and napangiti ako na parang nasisiraan ng bait.

Pumasok na rin ako sa sasakyan. Sa condo na ako uuwi ngayon kasi Friday naman.

Abot tenga pa rin yung ngiti ko hanggag nakarating ako sa condo. My head swimming with the prospect of a getting a second date with the Queen Falcon.

My Silver LiningOn viuen les histories. Descobreix ara