CHAPTER # 10: PARTY

Začať od začiatku
                                    

"Ayan lang yung kwarto, kailangan magsigawan?" reklamo ni Ivo na kahit naka headset ay naririnig pa din ang sigawan ng dalawa.

"Let's go" sabi ni Rain. Lumabas sya wearing a red checkered dress, she looks so sexy.

"Brad baka pasukan" sabi ni Ivo saka isinara ang bunganga ni Jhaydee. Pano ba naman literal na nakabukas talaga yung bibig nya.

"Wala ka bang pera? Naghihirap ka na ba?" masungit na tanong ni Jhaydee sa kanya,

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Rain,

"Kapos na kapos ka sa tela, eh" Jhaydee,

"Hoy, mahal to, galing pa to sa Korea, padala kaya to ni mama" sagot naman ni Rain,

"Ano pamahalan na lang tayo ng damit? Di na tayo aalis?" sabat naman ni Ivo,

"Ito kasi, inggit ata sa damit ko, eh" Paninisi pa ni Rain kay Jhaydee,

"Ako pa talaga, ah!" Jhaydee,

"Hay magtatalo pa, Tara na" saway ko na din.

------------

"Rain, I'm glad nakarating kayo" masayang salubong ni Lyra kay Rain.

"Happy birthday, you look gorgeous, ah" sagot naman ni Rain, Aba mahusay mambolo tong si Rain, ah,

"Tara, pakilala kita sa mga friends ko" sabi nya,

"Jhaydee, hiramin ko muna sya huh" paalam nya kay Jhaydee saka kinuha si Rain.

"Best friends na sila ni Lyra?" taning ni Ivo,

"Napaka friendly din kasi ng pinsan mo, eh" Jhaydee

"Pero bro, ang ganda talaga ni Rain today" sabi ko na nakatitig pa rin sa way kung nasan sila Rain,

"Brad, wag ka naman magsalita ng ganyan, daming tao baka madaming makarinig isipin nila may gusto ka kay Rain" saway sakin ni Jhaydee,

"Sorry brad, I really can't help it, but don't worry, sayong sayo lang sya" sabi ko naman na parang nangaasar.

"Tara na nga, puntahan na lang natin sila" Ivo,

Habang papalapit kami kila Rain, halos sya ata ang pinaguusapan.

"Sya yung bagong girlfriend ni Jhaydee diba?" boy 1

"Oo brad, hot chik diba?" boy 2

"Sana pag nagsawa si Jhaydee ibalato nya na lang sakin" boy 3

"Balita ko freshmen pa lang sya" boy 2

"Oo, engineering din brad" boy 1

"Tara bro, shift tayong engineering" boy 3. Mga usapan ng tatlong lalaking magkakasama.

"Grabe, mas maganda nga kay Lyra yung new girlfriend ni Jhaydee" girl 1

"Oo nga, sexy pa, parang model" girl 2

"Nakahanap na nga ata si Jhaydee ng pamalit kay Lyra, ah" girl 3

"Ang amo ng mukha nya, she's so gorgeous" girl 4. Rinig kong sabi ng mga nasa likod naming mga babae.

"Ah, tara brad, may table pa dun" sabi ni Marco samin saka kami sinamahan sa table namin.

"Si Rain ang pinaguusapan nila" Ivo,

"Mabuti kung ganun" Jhaydee.

Habang kumakain kami may pinatugtog yung dj,

"Oh my gosh invinsible" masayang sabi ni Rain,

"You wanna dance?" Jhaydee,

"Seryoso ka brad? Marunong ka sumayaw?" pangaasar ni Ivo,

"Sweet dance lang kaya ko" sagot nya,

"Sure" masayang sagot naman ni Rain at excited na tumayo, silang dalawa pa talaga yung nasa gitna,

Nung mag nanine na, akala namin uwian na, start pa lang pala ng Party, pano ba naman kasi, 6 nagsidatingan halos yung madaming tao, kabilang na kami.

Nung party dance nagulat kami ng may lumapit kay Rain,

"Pwede ka bang isayaw?" tanong nung lalaki, bigla namang tumayo si Jhaydee,

"Ako, baka gusto mo ako makasayaw" sabi nya,

"Ah, sya gusto ko, eh" sabi na naman nung lalaki, aba, di nya ata kilala si Jhaydee,

"Girlfriend ko yan, eh" seryosong sabi ni Jhaydee. Natakot ata si Rain kasi sobrang seryoso ni Jhaydee,

"Ibabalik din naman, eh" biglang sabi naman nung lalaki, napikon ata si Jhaydee kaya tinulak nya ng konti yung lalaki saka humarang kay Rain,

"Dhie, wag" saway ni Rain na nakahawak na sa kamay ni Jhaydee,

"Anong nangyare?" tanong ni Lyra na kasama si Marco. Itong si Marco mukhang buntot kakasunod kay Lyra.

"Ito kasi" sabi ni Jhaydee sabay turo dun sa lalaki.

"Niyayaya ko lang naman sya" sagot naman nung lalaking makulit.

"Brad naman kasi, iba na lang, girlfriend nya yan, eh" saway naman ni Marco kaya umalis na lang yung lalaking makulit,

"Guys sorry for that, Rain sorry, ah" sabi ni Lyra samin,

"Okay lang, thanks Lyra" Rain,

"Insan" tawag ni Ivo kay Rain pero tinignan lang sya nito, "Dahil sa kakulangan mo sa tela, ayan tignan mo yung mga lalaki sa paligid, halos lumuhod kakasilip" dagdag nya.

"Ayan kasi, sabi ko magpalit, eh" Jhaydee

"Hoy, wala kang sinabi, sabi mo lang kinapos ako sa tela" sagot naman ni Rain,

"Oh, takip mo" sabi ni Jhaydee, si Jhaydee lang ang may coat saming tatlo, naka plain white shirt lang kasi sya.

"Thanks" tugon naman ni Rain,

"Summer naman, pero bakit ang lamig tonight?" tanong ni Rain, late na rin kasi, alas onse na ng gabi,

"Lalamigin ka talaga ang iksi kaya ng damit mo" sabi na naman ni Jhaydee.

"Tse!" sabi na lang ni Rain,

"Tara uwi na tayo" pagaaya ko, pagod na din kasi ako kakalamon, eh.

Binalik na ni Rain ang coat kay Jhaydee saka kami tumayo at lumapit kila Lyra para makapagpaalam.

"Guys salamat sa pagpunta, ah, Rain thanks sa gift huh" masayang sabi ni Lyra. Inilagay naman ulit ni Jhaydee yung caot nya kay Rain saka umakbay,

"Welcome, gift namin ni Jhaydee yun" Rain,

"Yung samin next year na lang, ah, walang budget, eh" sabi naman ni Ivo.

"Ano ka ba Ivo, okay lang yun ang mahalaga nakapunta kayo" sabi naman nya.

"Happy birthday ulit Lyra, ah" sabi ni Rain.

Hinatid muna namin si Rain saka na kami nagsi uwian.

Nakakatawa si Jhaydee, kung 'di ko alam yung kasunduan nila ni Rain, iisipin ko talagang inlove na si Jhaydee kay Rain, mag fofour months nadin silang nagpapanggap.

Well I like Rain for Jhaydee. I'm sure magiging masaya pag naging sila. Nung si Jhaydee at Lyra kasi di namin nakakasama si Jhaydee sa paggala, eh, tapos parang ayaw din naman samin ni Lyra.

I Love You My REBOUNDWhere stories live. Discover now