#43: Dylan

9.3K 384 91
                                    

Labing limang araw na ang lumilipas mula ng magising ako pagkatapos ng operasyon. At ngayon ay pinayagan na ako ng doctor na lumabas ng hospital.

Naninibago ako sa bagong puso ko ngayon. Siguro naninibago sa katawang nakakabitan nito ngayon. Pero pasasaan bat masasanay din ako.

"Are you ready little Wife?"tanong sa akin ni Frank ng lumapit sa akin saka ako hinalikan sa labi.

Ito ang isa sa naninibago ako. Hindi siya kilala ng puso ko pero ang init na nagmumula sa kanya ay kilala ng katawan ko. Kaya naman nag aalala ako dahil parang aalsa ang puso ko palabas sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin.

Minsan natanong ko sa doctor kong natural lang ba ang pagtibok ng puso ko baka kasi bigla na naman akong atakihin dahil sa pagbilis ng tibok nito kapag nasa malapit lang ang asawa ko. Pero pinagtawanan lang ako ng doctor sa tanong kong iyon. Natural lang daw iyon dahil kinikilala na siya ng puso ko.

"Inaalala mo pa rin ba ang puso mo? Bago na ang puso mo little wifey, pero agad ka na namang naiinlove sa akin."biro nito saka ako niyakap. Tinugon ko ang yakap niya dahil namiss ko din talaga ito. Ang maramdaman ang init ng katawan niya sa katawan ko. Ang maramdaman ang labi niya sa labi ko. Pero hanggang doon na lang muna daw kami. Dahil hindi pwedeng mas higit pa don daw ang gawin namin sabi ng doctor. Kabilin bilinan ng doctor kay Frank na hindi dapat niya akong pagurin sa ngayon. After three to six months daw ay pwede na.

Gusto man magreklamo ni Frank sa sinabi ng doctor ay wala naman siyang magagawa. Dibali sinabi ko naman sa kanya na kahit hindi namin gawin iyon ay tutulungan ko na lang siya kapag kailangan niya.

Damn! Kung saan saan na napunta ang iniisip ko at kapag naiisip ko ang mga iyon ay bumibilis anh tibok ng puso ko. Kaya tama nga siguro. Iisipin ko lang ang mga masasayang alaala namin ni Frank ay muli siyang iibigin ng puso ko na nagsisimula na ng magising ako.

Pero may isa pa akong problema sa ngayon. Iyon ay ang asawa ng may ari ng puso ko ngayon. Si Franco. Nagkataon lang ba na halos magkapangalan sila. Yeah! At sa tuwing nakikita ko ang Franco na asawa ng may ari ng puso ko ay kusa ding tumitibok ang puso ko para dito na nagsasabing gusto ko siyang hawakan kapag nakikita ko ang lungkot sa mga mata nito sa tuwing tititig sa akin. Pero kapag magkakadaiti naman ang mga balat namin ay bigla akong nangingilag. Hindi gaya ni Frank na asawa ko na gustong gusto ng katawan ko ang init na nagmumula sa katawan nito.

Siguro nga, may natitira pa talaga na pagmamahal ang pusong mayroon ako sa asawa nito pero pipilitin kung baguhin ang bagay na iyon. Si Frank na asawa ko lang dapat ang iibigin ng puso ko. Kahit puso pa ito ng iba. Si Frank lang at wala ng iba pa.

At ngayon nandito din sila bumisita sa amin. Ang mga magulang ni Jesica. Ang pangalan ng babaeng dating may-ari ng puso ko ngayon. Dito talaga magaan ang loob ko. Sa mag asawa.  At ramdam ko ang pagmamahal nila sa yumaong anak. Na ngayon ay sa akin na daw nila nakikita.

"Kumusta ka na hijo, anak."nakangiting tanong ng ginang sa akin na tawagin ko daw Inay.

"Ok lang po Inay. Kayo po ni Itay. Kumusta kayo."nakangiting sagot ko.

"Maayos na maayos lang kami anak. At ngayon masasabi kong mas maayos na ang pakiramdam namin dahil nakikita na namin ang bunga ng pagpapasya namin. Dahil nakikita namin na nasa puso mo parin kami bilang mga magulang mo."

"Salamat po ina." Bahagyang lumayo sa akin si Frank para bigyang daan na makalapit sa akin ang mg asawa at yumakap nga ang mga ito sa akin. "Aalagaan ko po ang puso ng anak niya Inay, Itay. Kaya huwag po kayong mag alala."sabi ko sa mga ito.

"Salamat din anak. Sana hayaan mo lang kami na dalaw dalawain ka at hindi ka magbabago sa pakikitungo sa amin."

"Oo naman po. Welcome na welcome po kayo sa bahay. Kung magaling na magaling na ako, ay ako mismo ang dadalaw sa inyo."sabi ko sa mga ito. "Pangako ko po iyan inay."

✅Falling Inlove With My Wife's Brother (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now