5th

92 16 0
                                    

Matinding kainitan ang lumukob sa buong katawan ko. Para akong mapapaso kahit na napaka-lakas na ng aircon sa aking buong silid.

Alas dos na ng madaling araw at natutulog na kaming lahat ng mga kaibigan ko matapos ang napaka-sayang inuman ngunit tila ba may humihila sa akin patayo. The heat that I'm currently feeling is extra ordinary. Hindi ito klase ng init na matatanggal lang sa pamamagitang ng aircon.

Sa pag-aakalang dahil iyon sa nainom kong alak ay agad akong naligo, pero ng matapos na ang lahat ng ritwal na ginawa ko sa banyo ay ganoon parin ang nararamdaman ko. Heat is raging in my entire body at parang ikababaliw ko iyon.

I took a glance at my sleeping friends before heading myself outside my house. Para akong mababaliw sa init kaya naman ay napag-desisyunan kong lumabas.

Agad kong binuksan ang kotse ko at pinaharurot ito. Naka-bukas ang bintana ng sasakyan kaya naman ay damang-dama ko ang presko at sariwang ihip ng hangin na humahaplos sa aking balat. And with that, I felt the contentment I need to ease the heat.

Huminto ako sa 7/11 at bumili ng maiinom. Now, I decided not to drink alcohol. Imbes na alak ay bumili ako ng tatlong medium size fresh milk bago muling lumarga.

Madaling araw na at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Para bang gusto ko lang mag ikot-ikot at libutin ang bawat tahimik na iskinita ng aming bayan. My speed is at it's moderate power kaya naman ay tanaw na tanaw ko ang bawat kabahayan sa siyudad.

I continue driving hanggang sa unti-unti nang lumalamayo ang patakbo ko sa mga kabahayan. Ang daang aking binabaybay ay unti-unti ng nagiging masukal dahil sa mga kapunuan. Wala ni isang ilaw ang makikita sa kalsada bukod sa aking kotse kaya naman ay ibinubuklat ko ng maayos ang aking mata para malinaw na makita ang daan.

And I was in that disposition when I realized something. Para bang napaka-pamilyar ng lugar na iyon. Ang bawat puno ay parang nakita ko na sa kung saan. I fasten my speed until I reach the place that I'm currently thinking.

Nakita kong muli ang tila ba abandonadong baranggay kung saan may tila mga gusali na naka-paligid roon. Ang pasukan nito ay iisa lamang pero sigurado akong ang bawat gusali ay may sari-sariling kanto.

Nagdadalawang-isip man ay sinubukan kong pasukin ito. Ito ang unang beses na lulusubin ko ito ng hindi lasing kaya naman ay medyo iba ang nararamdaman ko.

Nililingon ko ang bawat kanto at halos mabulag sa sobrang kadiliman. Ang mga pailaw ay naka-lagay lamang sa pasilyo kung saan dadaan ang kotse ko kaya naman ay hindi ko makita ang kung ano mang mayroon sa bawat kantong iyon.

“5th, 6th, 7th, 8th..” — pagbibilang ko sa bawat kantong aking nadadaanan.

Kung sakaling taga dito ako ay paniguradong maliligaw ako dito dahil halos ang bawat building sa lugar ay pare-pareho. Para itong isang subdivision o di naman kaya ay mga condo unit.

“11th, 12th, 13th, 14th, 15th--- shit!”

Halos mabilis akong nag preno ng muli ay may kung ano ang tumalon mula sa itaas ng aking kotse.

I closed my eyes as hard as I can because of shock, and when I opened it, halos mangunot ang noo ko ng makita ang kaparehong babaeng ilang beses nang tumalon sa itaas ng kotse ko.

She is currently standing in front of my car while smiling as if she's waiting for me to come out. Mabilis naman akong lumabas sa kotse para sana bulyawan siya ng biglang..

“3:05 am.” — usal niya na hindi ko pa naintindihan.

I immediately check my watch and saw that it is exactly 3:05 am. Nakakapag-takang nalaman niya ang oras eh gayong wala naman siyang relos.

“Do you really wanna die? Bakit trip mo laging tumalon sa taas ng kotse ko?” — malamig kong tanong bago kinuha ang pinamili kong fresh milk. Hindi siya sumagot at ngumiti lang sa akin kaya naman ay napa-iling nalang ako. “Tas naka-pulang bistida ka nanaman. Ano ba 'tong baranggay niyo, araw-araw may party?” — sarkastiko kong tanong pero muli ay hindi siya sumagot.

Nilagpasan ko siya at naupo sa isang case ng alak na nasa gilid. Nag sindi rin ako ng sigarilyo habang paunti-unting iniinom ang gatas na hawak ko.

“Nag-balik ka nanaman Lyndon.” wika niya sabay gawad ng isang kakaibang ngiti. Isa iyong ngiti na hindi mo alam kung ano ang motibo.

“Eh ano naman sayo?” — pabalang na tanong ko.

Imbes na mainsulto ay ngumiti lang siya ng malapad.

“Ang taray mo.” — nanunuya niyang sambit bago umupo sa case na nasa harapan ko. Hindi ko siya sinagot at napa-iling nalang.

I don't really get girls. Pag minamahal mo gagaguhin ka, tas pag hindi mo pansinin lalandiin ka. Just like this girl in front of me. Badtrip! Kapangalan pa naman 'to ng ex ko.

“Alam mo bang nasa plano ko ang paalisin ka dito? Hindi ka nababagay dito Lyndon.. hindi mo lugar 'to.” — biglang usal niya dahilan para ituon ko sa kanya ang aking buong atensiyon. I raised my eyebrows, trying to find sense from what she's currently talking. “Pero dahil sa ginagawa mo parang mas maayos nang andito ka.” Bigla siyang ngumiti at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang umihip ang malamig na hangin.

I stared at her for about 10 seconds until my eyes got thorn into her long black hair. Bagsak na bagsak ito at bumabagay sa kanyang puting balat.

Iniwas ko ang paningin ko at hindi siya pinansin. It's confirmed, she's flirting with me.

“Hulaan ko, broken hearted ka 'no?” — biglang wika niya dahilan para kunot-noo ko siyang nilingon. “Just let her go Lyndon, matagal na siyang nagloloko sayo.” — dugtong niya.

Agad na nag tiim ang aking bagang dahil sa sinabi niyang iyon. I can sense irritation within me.

“Ano bang alam mo?” — maangas kong tanong.

Imbes na matinag ay ngumiti pa siya.

“Suicide is not the key to forget someone, Lyndon. Ingatan mo ang sarili mo.” — maka-hulugang usal niya.

Mas lalong nangunot ang noo ko kasabay ng pag bahid ng pagtataka sa aking sistema. At paano naman niya nalamang suicidal akong tao tuwing nasasaktan? Is this just a mere coincidence? Oo, baka ganun nga.

“You're never hurt that's why you'll never understand.” — umiiling kong usal. Muli siyang ngumiti na para bang ang laking joke ng sinabi ko.

“I'm a love expert Lyndon. I have a full wisdom in dealing with this topic. Try me.” — panghahamon niya.

I just smirked. Part of her flirting ayt?

“Nevermind.”tanging nai-usal ko bago tumayo.

Aalis na ako kaya naman ay deretso akong sumakay sa sasakyan ko ng hindi manlang siya tinitingnan.

“Kung gusto mo na ng makaka-usap, andito lang ako lagi.” — sambit niya habang inaatras ko ang kotse ko palayo sa kinaroroonan niya. I closed all the window hanggang sa wala na akong marinig na kahit ano mula sa hangin.

Naka-tingin lang ako sa kanya habang patuloy paring inaatras ang kotse. With our far distance, I can see how directed her eyes are into mine. Napa-iling ako. Desperate.

“You know where to find me.. I will always just be here.. in the 15th Street.” — usal niya na bigla ko pang ikina-tigil.

Before I could even move ay agad na siyang nag lakad sa madilim na bahagi ng 15th Street.

Kunot kong sinipat ang aming distansiya at nakita kung gaano na ito kalayo. Pero bakit parang ang salitang narinig ko ay tila ba isang bulong na nagmumula sa hangin?

Hindi ako lasing. So, what is this?



to be continued...

The 15th StreetWhere stories live. Discover now