"Yes Sir. Huwag po kayong mag alala, that patient just now, ay siyang magdodonate ng puso para sa pasyente niyo. And the other donator ay mabubuhay pa ng matagal dahil hindi na niya kailangang ibigay ang puso niya mismo sa pasyente niyo."mahabang sagot ng nurse sa amin kaya naman nagkatinginan kami ni Nathaniel dahil doon.

Thanks God! Iyon ang unang nasambit ko dahil sa narinig ko. Kinilabutan ako. Nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Pinakinggan niya ang mga dasal namin. Dahil kahit sa huling segundo ay nakagawa siya ng himala para sa magkapatid. He has a porpose.

At ngayon! Pinatunayan Niya na totoo Siya. Pinatunayan Niya na makapangyarihan Siya. Pinatunayan Niya na lagi Siyang nandyan kung kailangan mo Siya.

Thank you Lord! At ang luha kanina dahil sa lungkot ko ay napalitan ng isang luha ng saya. Kahit si tito Nathaniel ay hindi na din napigilan ng napaluha.

"Kayo ba ang pamilya ng ooperahan?"tanong ng isang lalaki ng makalapit ito sa amin. May dalawang matanda pang nakasunod sa kanya. Marahil ang mag asawa ang mga ito. At umiiyak na nakaakbay ang lalaki sa matandang babae at pinapatahan na ito sa pag iyak.

Halata din sa lalaki na pinipigilan din nito ang mapaiyak.

"Kami nga. Kayo din ba ang pamilya ng pasyenteng ipinasok sa loob?"balik tanong ko dito.

Tumango ito.

"Asawa ko siya."sagot niya saka tumingin sa pintuan ng OR.

"Bakit?"hindi ko mapigilang tanungin iyon sa kanya.

"Maupo na muna tayo. Habang naghihintay sa kanila."aya nito sa amin kaya naman napasunid na lang kami.

Napatingin ako sa mag asawa na nakatingin din sa pintuan ng OR ng makaupo kami.

"My wife had car accident. Three months ago. Grabe ang natamo niya sa ulo at naapiktuhan ng husto ang utak niya. The doctor said, wala na siyang pag-asa pang mabuhay and she only have 1% chance to live. Dead brain. At sa mga tubo na lang na nakakabit sa katawan niya ang dahilan kung bakit pa siya humihinga ngayon. Pero kung wala na ang mga iyon, baka wala pang isang sigundo ay tuluyan na siyang mawawala sa amin."

"But why now?" Si tito Nathaniel.

"We decide to give her up. Gusto na namin siyang pagpahingain. Dahil kung makakapagsalita pa siya siguro at sasabihin niyang isuko na namin siya. Na palayain na namin siya. Kaya mabigat man sa loob namin ay kailangan namin gawin iyon. Kailangan naming magpasya."

"At papaano niyong nalaman na nangangailangan kami ng donor?"

"The doctor asked us lately, kung i gigive up ba namin siya, gusto ba daw namin na i donate ang puso niya dahil match siya sa pasyente niyo. We took to much time to think about it. Kaya nagkasundo kami na i dodonate ang puso niya."

"Thank you."buo sa loob kong sabi sa kanila. Tumingin ako sa mag asawa. "Thank you."

"Basta alagaan mo ang paglalaanan ng puso ng anak namin hijo." Sa wakas sabi ng matandang babae. "At sana payagan mo kaming makita ang anak namin sa katauhan ng pasyente niyo."pakiusap nito.

Tumango ako.

"Opo, makakaasa po kayo. At siguradong magiging masaya din ang asawa ko na malaman na kayo ang pamilya ng nagdonate ng puso niya."

"Asawa?"naguguluhang saad ng lalaki. "Ang pagkakaalam ko lalaki ang pag aalayan ng puso ng asawa ko?"

Ngumiti ako.

"Yes, the one inside now is my husband." Totoong sabi ko sa kanila. "At ang magdodonate sana sa kanya ng puso ay ang mismong kapatid niya. Pero thankfull kami ngayon dahil sa inyo. Maraming salamat."

"Wala iyong anuman hijo. Basta sana malaya kaming mabisita ang asawa mo."

"Oo naman po. Makakaasa po kayo. Kung tuluyan ng gumaling ang asawa ko ay baka kami pa ang dadalaw sa inyo."

"Salamat din hijo. Na kahit man lang sa asawa mo ay makita namin ang anak namin."

Napatango ako sa sinabi nito. Mabuti na lang at may mabuting pamilya ang nagpasyang magdonate ng puso para sa Dylan ko. Napag usapan na din namin na tutulong ako sa mga kakailanganin nila. And about the crimition gaya ng gusto nila ay ako na ang nagsabing balaha doon. Pasasalamat ko na rin sa kanila. At tatanawin ko iyon habang buhay sa kanila. Habang nabubuhay at tumitibok ang bagong puso ng little wifey ko.

End of flashback:

******

"Kung ganun kumusta ang kapatid ko?"tanong nito sa akin ng matapos pakinggan ang kwento ko.

"Nasa ICU na siya. At nandoon si Yaya Nina babantayan daw niya."

"Nandito din si Yaya Nina?"

"Oo, ano kaya mo na bang tumayo?"

"Mabigat pa ang mga paa ko."

"Dala iyan ng gamot na itinurok sayo. Pero sabi naman ng doctor wala iyang magiging masamang epekto sa katawan mo. Magpahinga ka na muna. Bukas mo na pupuntahan ang kapatid mo sa ICU."

Tumango ito at pilit na tumayo paupo kaya naman tinulungan ko siya.

"Gusto mo bang kumain? May natira pa sa dala ni Yaya Nina kanina na pagkain. Gusto mo bang ipaghain kita?"

"Yes please, thank you."

"Sige sandali lang."kinuha at ipinaghanda ko nga siya ng makakain. Sinubuan ko na rin siya dahil mabibigat pa daw ang mga kamay niya at halos hindi pa niya masyadong maigalaw ang mga iyon. Kahit pagnguya ay dahan dahan.

"Gusto kong magpasalamat sa pamilya ng donor ng kapatid ko?"sabi nito ng matapos siyang kumain at mailigpit ko naman ang pinagkainan niya.

"Oo, kung gusto mo, dumalaw kayo bukas sa kanila ni Nathaniel pagkatapos ng Crimition ng donator ng kapatid mo."

"Sige, para personal akong makapagpasalamat sa kanila. Pero bago iyon, gusto ko munang pumunta sa simbahan to Thank Him for His miracle."

"Yeah! Of course Lynn."nakangiti kong sabi sa kanya. Ako man din ay iyon ang gagawin ko kahit na naglagi ako ng chapel ng inooperahan si Dylan ay hindi sapat iyon para sa himalang ginawa niya sa mga buhay namin. Lalo na sa magkapatid. And we really thankful fo what He done to us.

"Sige magpahinga ka na muna. Dahil nasa katawan mo parin ang mga gamot na naiturok sayo. Sabi ng doctor 24 hour bago iyon mawalan ng mga bisa."

"Oo nga eh! Inaantok ako na hindi ko mawari. Ang bigat bigat ng katawan ko at parang may sampong sakong bigas na nakadagan sa akin."pagbibiro naman nito saka sinabayan ng tawa.

"Haha! Hala. Ipahinga mo na lang ulit. Mamaya ay ako naman ang papalit kay yaya Nina doon. Para makapagpahinga narin siya."

"Sige, salamat Frank."

Muli ko itong nilapitan at tinulungang makahiga. Ipinikit agad nito ang mga mata at ni wala pa yatang limang minuto ay nakatulog na ito. Talagang umaapekto parin ang gamot na naiturok sa kanya kanina. Pero kahit ganun man, pasalamat nalang talaga kami dahil hindi natuloy ang pagsasakripisyo nito.

Nag ayos ako ng sarili ko, naligo na rin para mamaya mapuntahan ko ang Dylan ko para masilayan at mahawakan ko man lang kahit papano. Kahit sa maikling oras lang. Sabihin na naming isang linggo lang naman. At sa isang linggong iyon kapag tuluyan na siyang nagising ay pwede na siyang ilipat dito, sa private room na inukupa namin.

Tama ng magpasya akong puntahan siya ay siya namang dumating si yaya Nina kaya naman agad akong nagpaalam dito na tunguhin ang ICU kung nasaan ang Dylan ko.













******

@YuChenXi

✅Falling Inlove With My Wife's Brother (BOYSLOVE)Where stories live. Discover now