
"Saan kayo nagkakilala?"
"Bakit ngayon mo lang sinabi sa amin bro, how long have you been together?"
"Anong work mo Luna? Taga pagmana ka rin ba ng malaking kumpaniya like Benedict?"
Sunod sunod na tanong mula sa iba't ibang kakilala namin.
Naiintindihan ko sila kung bakit excited sila makilala si Luna,
siya ang kaunaunahang babae na pinakilala ni Ben as girlfriend.
Pero pinili kong makinig na lang at wag ng dumagdag pa sa mga tanong nila.
Pakiramdam ko kasi hindi sanay si Luna na tinatanong ng mga personal na bagay tungkol sa buhay niya.
"Take easy guys, just one question at a time." sabi ni Agatha na may bit bit na isang shoe box.
"Sweetheart ano iyang bit bit mo?" tanong ni Warren.
Tinignan muna ako ni Agatha saka ngumiting tinignan si Benedict.
"I think your girlfriend need this. Nakita ko kasing nagdudugo na yung paa niya mas comfty tong sandals ko." sabi ni Agatha saka inabot kay Luna yung shoe box.
"Oh! Kanina pa ba masakit ang paa mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" nagtatakang tanong ni Benedict.
Bakit hindi niya ba napansin na kanin pa iika ika maglakad si Luna.
"Oo, pero ok lang. Ah- miss s-salamat hah , ibabalik ko din bago ako umuwi. Saka Happy birthday nga pala." sabi ni Luna kay Agatha.
"It's ok you can use that sandals as long as you want, anyway I'm no longer using it at kung girlfriend ka ni Benedict ibig sabihin kaibigan na rin kita, by the way I'm Agatha." pakilala ni Agatha saka muli akong tinignan ng makahulugan.
"Salamat." sabi ni Luna saka hinubad ang sandals niya at sinuot ang ibinigay ni Agatha.
"Guys! Guys! I need to hide, my crazy ex is also here!" hinihingal pa na sabi ni Charlie.
Natawa si Warren.
"Teka, sino sa kanila?" tanong niya.
Actually matitino naman talaga ang nagiging girlfriend ni Charlie pero after makipagrelasyon kay Charlie halos lahat sila nagiging psycho.
YOU ARE READING
GHOST LIKE YOU (Guǐ)
FantasyMula ng magising sa comatose si Kaiser ay nabuksan din ang third eye niya dahilan para sundan siya ng napakakulit na babaeng multo na walang balak siyang tantanan kung hindi niya ito tutulungan alamin kung sino siya nung nabubuhay pa siya.
