Aatikin ko sana si Gurna ngunit naka-ivictus ito at nasugatan ako sa bandang tagiliran.

AMIHAN:Warka!

GURNA:Handa ka na bang bumalik ulit sa Devas?!

Habang si Ybrahim naman hawak ng isang kawal at tinutok ang espada nito sa kanyang leeg kaya hindi na ako nakatiis inilabas ko na ang aking brilyante.

AMIHAN:Hindi mangyari iyon,Kaya inuutusan ko ang brilyante ng hangin na kunan mo ng hininga ang mga vedalje!

GURNA:Tanakreshna!

Dahil diyan ay nahihirapang huminga ang mga kalaban ang karamihan sa kanila ay nawalan na ng ulirat at naglaho liban kay Gurna pagkat nakalagay ito ng pananggalang para protektahan ang kanyang sarili.

YBRAHIM:Pashnea kailan nagkaroon ng kapangyarihan na ganyang si Gurna?(Pagtatakang tanong ng aking asawa)

AMIHAN:Hindi ko rin batid Mahal,ngunit natitiyak ko na galing iyan kay Ether!

GURNA:HAHAHA!...akala mo ba na maiisahan mo ako Amihan?!(Sabay tanggal niya sa pananggalang na nakabalot sa kanya)

AMIHAN:Nakalusot ka man sa unang  pagkakataon na ito ngunit hindi na ngayon!

GURNA:Tingnan lang natin!

At nagpakawala ito ng kapangyarihan at nilabanan ko na man ito habang si Ybrahim naman ay pinalibutan ng mga bagong kalaban.

YBRAHIM:Heto na na man tayo!

KAWAL:ATAYDE!

Nakipaglaban naman ito sa mga kawal na nakapalibot sa kanyang habang ako na nakikipagtagisan ng kapangyarihan kay Gurna unti-unti akong napaatras dahil sa pwersa na kanyang inilabas.

GURNA:Nasaan na ang iyong lakas Amihan?!

AMIHAN:Ito pa lang ang simula ng ating laban!

At bumwelo ako ng malakas at nawalan ng malay si Gurna pagtingin ko sa gilid ay natalo na ni Ybrahim ang mga kawal kaya nag-ivictus kami upang hanapin ang aming ibang mga kasama.

HITANO'S PROVERBS

Kasalukuyang nakipaglaban kami ngayon sa isa sa mga alagang halimaw nila Ether sa sobrang lakas ng halimaw ay halos hindi namin to matamaan gamit ang aming sandata "Pashnea!" sambit ko sa isipan.

CRISELDA:Huwag mo silang tigilan hangga't hindi mo sila napapaslang!

Utos ng Mashna at inatake naman kami ng halimaw buti nalang na naka-iwas kami agad.

MUROS:Halos nagalusan lang natin ito parang walang nangyari!

HITANO:Oo nga,ngunit may naisip akong paraan!

MUROS:Ano naman iyon?

HITANO:Ang lahat ng halimaw ay may kahinaan,ramdam ko na kung anong parte ng kanyang katawan ang kahinaan nito.

MUROS:Saan nga ba?

HITANO:Sa kanyang batok!

CRISELDA:Ano mga magigiting na Mashna gusto niyo na bang tumigil?!

MUROS:Wala sa amin iyan,manood ka lang kun paano namin.paslangin ang iyong alaga!

CRISELDA:Makakaya niyo kaya?!

Nang walang pagdadalawang isip ay nag-ivictus ako patungo sa batok ng halimaw at agad ko itong sinugatan kaya napatumba namin ito.

CRISELDA:Tanakreshna!(Galit niyang sambit)

HITANO:Kami naman ang iyong labanan!(Panghahamon ko)

Sinugod niya kami ni Muros masabi kong magaling din siya sa pakikipag-espadahan kahit na dalawa kami ay kinaya niya kami ng parang wala lang ngunit hindi kami nagpatinag sa kanyang galing sa pakikipaglaban.

Pagkatapos ng ilang sandali ang nadaig din namin siya at nag-ivictus kami upang hanapin ang aming ibang kasama.

MIRA'S PROVERBS

Nilabanan namin ngayon ang tinatawag na anak ni Agatha kahit tatlo kaming lumalaban sa kanya nakakaya niya pa rin kami at pamilyar sa akin ang kanyang paraan sa pakikipaglaban iyong parang si Angelo lang.

Sinipa niya si Paopao kaya napa-atras ito at aatakehin sana siya ni Lira napigilan niya ito at nasuntok niya ang aking pinsan ngayon ako naman ang aatake gamit ang aking espada.

Ako naman ang nakikipaglaban sa kanya ngayon sinubukan niya akong sugurin ngunit naharangan ko ito tapos sinipa ko siya at sinuntok sa kanyang mukha dahil diyan natanggal ang takip sa kanyang mukha at dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya kaya napayuko ito.

ANGELO:Pashnea!

MIRA:Ano ka ngayon?!masakit ba?!(Pang-aasar ko)

Nang bumangon siya sa pagkakayuko ay nagulat kaming tatlo sa aming nakikita.

MIRA:A-Angelo?!

Nauutal kong sabi

ANGELO:Hindi kita kilala!

Hindi ko alam kung ano ang aking maramdaman na sinabi niya sa akin ang mga salitang iyan at may namumuong luha na sa aking mga mata aatake na sana siya sa akin buti nalang napigilan siya ni Paopao

PAOPAO:Angelo bro,hindi mo talaga kami nakikilala?!

ANGELO:Sinabi ko na di ba na hindi ko kayo kilala!

Sabay sipa niya sa matalik na kaibigan kaya napaupo ito agad naman siyang tinulungan ni Lira na makatayo.

LIRA:Mga kaibigan mo kami subukan mo kaming aalahanin!(Pangungumbinsi ng aking pinsan)

ANGELO:Subukan niyo man bilugin ang aking ulo ngunit hindi niyo ito magawa!

Kaya nilabanan niya kami ulit ngunit umiwas lang kami sa kanyang mga atake.

ANGELO:Ano ba lumaban kayo!

MIRA:Hindi kita magawang saktan pagkat mahalaga ka sa akin alam mo ba iyon?!(Sambit ko habang tumatangis)

Dahil yata sa nasabi ko sa kanya ay tumigil siya sa ginawa niyang pag-atake sa amin at unti-unti siyang lumapit sa akin.

LIRA:Huwag mong subukang lumapit kung ayaw mong masaktan!(Angal ni niya)

MIRA:Ayos lang bessy.

ANGELO:Anong ibig mong sabihin?

Hinawakan ko siya sa kanyang kanang pisngi sa sabay sabing...

MIRA:Pakiusap subukan mong alalahanin ang lahat Angelo ang mga sinabi mo sa akin.

ANGELO:Naalala ko na ang lahat.(Sabi niya habang nakangiti)

MIRA:Talaga?

ANGELO:Naalala ko na kailangan na kitang paslangin!

Sabi niya habang ako'y kanyang sinaksak gamit ang punyal na hawak niya tapos nag-ivictus napasigaw naman si Paopao at Lira ng "MIRA!" tapos ay unti-unting nagdilim ang aking paningin.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now