📝"PANAGINIP LAMANG"

20 3 0
                                    

"Panaginip lamang"

Ala una nang madaling araw
ako ay nananatili  pang-gising...
Nagsusulat ng mga tula malapit sa lawa..

Kawalan ng init ng kapaligiran ang yumakap sa akin,
Bulong ng hangin at hagupit ng kalangitan..
Tanglaw ng mga bituwin ang tangi kong ilaw..

At biglang nagpakita ka!

Ginawa mo akong masaya..
pinalawak mo ang iyong braso upang yakapin ako ng mahigpit na may tunay na ngiti sa iyong mga mata..
Ito ang paborito kong oras sa buhay ko.

Hanggang sa magising ako
na may lapis at papel sa aking mga kamay at nandito pa rin ako sa tabi ng lawa...


Ngunit wala ka na sa tabi ko.



..................

Isinulat ni : Ladyblack1991



Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon