📝"SA BAWAT PATAK NG ULAN"

246 10 0
                                    

"Sa bawat patak ng ulan"


Sa bawat patak ng ulan,
Lungkot ang aking nararamdaman.

Sa bawat patak ng ulan sumasabay ang pag agos ng luha sa aking mata.

Sa bawat patak ng ulan,
alaala nating dalawa ay bumabaliktanaw sa nakaraan.

Sa bawat patak ng ulan kasama ang kulog at kidlat na para bang nakikidalamhati sa aking pagtangis na aking narararamdaman.

At sa bawat papatak na ang ulan , alam ko sa aking sarili ay di ka na babalik kailanman.

.....................

Isinulat ni : Ladyblack1991

Poetry TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon