KABANATA XXVIII:BAGONG BALITA

Start from the beginning
                                    

Sinugod sila ng mga kawal at nilabanan nila ito gamit ang kanilang angking galing sa pakikipaglaban at sandata maliban kay Lira pagkat ang gamit niya ay ang kanyang natural na kapangyarihan.

CRISELDA:Gamitan mo na sila ng kapangyarihan Hara habang sila ay abala sa pakikipaglaban sa ating mga kawal!(Pabulong niyang sambit)

AGATHA:Hindi muna Mashna pagkat gusto ko pa silang panoorin!

Pagkalipas ng ilang sandali ng kanilang pakikipaglaban ay naubos din nila Pirena ang mga alagad ni Agatha.

YBRAHIM:Ngayon wala ka nang mga alagad na nagbabantay sa iyo tayo naman ang magharap-harap!(Panghahamon ng Rama)

AGATHA:Ang lakas ng loob mo upang ako'y hamunin sapiryan ngunit bago tayo magharap ay may nais akong ipakilala sa inyo!

At lumitaw ang isang enkantado na nakabalot ng itim na kalasag at may hawak itong malaking espada.

AZULAN:Sabi na nga ba magtatawag ka na man ng alagad na lalaban si iyo lalo mo lang pinatuyan sa amin kung gaano ka kahina!(Panunukso ng Rama ng Hathoria)

ANGELO:Huwag mong lapastanganin ang aking Yna Rama baka gusto mong mapaslang!

PAOPAO:Hindi nilapastangan ang iyong Yna nagsasabi lang siya ng katotohanan!

AGATHA:Mabuti pang umpisahan na natin ito!Atayde!

May labanan naman ulit na nagaganap si Agatha laban kay Pirena ay Azulan,si Gurna laban Amihan at Ybrahim,si Criselda laban kay Muros at Hitano,si Angelo naman laban sa kanyang mga kaibigan na si Mira,Lira,at Paopao.

Naunang nag-ivictus ang panig ni Agatha kaya sinundan naman ito ng panig ng mga diwata.

SA DEVAS....

Pagkatapos ng paglalakbay nina Alena,Amihan,Memfes,Aquil,at Wantuk ng ilang oras ay sa wakas narating na rin nila ang Devas batid ni Emre at Cassiopea na pupunta sila doon kaya nang walang pag-alinlangan ay pinapasok sila agad sa tahanan ng Bathala at ang unang sumalubong sa kanila ang ang dating punong Dama na si Ades.

ADES:Avisala mga Mahal na Sanggre,Mashna,Rehav,at Wantuk!

ALL:Avisala Ades!

ADES:Salamat nakarating kayo dito ng ligtas.

ALENA:Oo nga,pagkat kanina ay nakaharap namin ang panig nila Andora.

ADES:Ang mahalaga ngayon ay ligtas kayong lahat siya nga pala naghihintay na sa inyo ang Mahal na Bathala sumunod kayo sa akin!

Tumango naman sila bilang pag-sangayon at sinundan nila ang dating punong Dama pagdating nila sa loob ay nakita nila si Emre na naghihintay sa kanila.

ADES:Nandito na ang iyong mga panauhin,Bathala!

EMRE:Avisala eshma sa paghatid mo sa kanila Ades makakaalis ka na.

ADES:Masusunod Bathalang Emre!(Saka naglakad palayo)

EMRE:Batid ko kung bakit kayo narito pagkat kailangan niyo ang aking tulong upang harangan ang lagusan na nilikha ni Ether.

DANAYA:Tama kayo Bathala pagkat nakapaminsala na ang panig nila Ether sa mundo ng mga tao ayaw namin na madamay ang mga inosente.

EMRE:Tama ka doon Danaya kaya kunin niyo itong susi na ang nilikha nang saganon ay hindi na makalabas ang panig ng kadiliman sa mundo ng mga tao upang makapaminsala.

At inabot niya ito sa Hara ng mga Diwata at kinuha man ito ni Alena.

ALENA:Avisala eshma Mahal na Bathala, tanawin namin itong isang malaking utang na loob.

EMRE:Walang anuman iyon Alena pagkat responsibilidad namin na tulungan kayo.

AQUIL:Matanong ko lang Bathalang Emre katulad din ba ito sa susi ng Asanamon?

EMRE:Oo katulad iyan ng susi ng Asnamon,kung nais niyong isara ang lagusan sabihin niyo lang ang enkantasyon na ito "Susi na ipinagkaloob ng Devas sinasamo kita na isara mo ang lagusan na nilikha ni Ether nang saganon ay wala na kahit sino o ano mang nilalang mula sa kanyang panig na makalabas pa ng encantadia upang makapaminsala!"

DANAYA:Avisala eshma ulit Bathalang Emre!

EMRE:Kaya magtungo na kayo sa Lumang Etheria upang maharangan niyo na ang lagusan.

MEMFES:Masusunod Bathala!

Kaya nag-ivictus na sila pabalik sa kanilang sasakyang panghimpapawid upang makabalik na encantadia at magtungo sa Lumang Etheria.

SA KAHARIAN NG LIREO

SA SILID SAMBAHAN..

Taimtim na nagdarasal si Hara Minea kay Emre para sa kaligtasan at tagumpay ng kanyang pamilya na nagtungo sa Devas at Kaharian ng Niyebe habang ginagawa niya iyan ay may naramdaman niya si Cassiopea na nag-ivictus sa kanyang likuran at binati niya ito.

MINEA:Avisala mata bakit ka naparito?

CASSIOPEA:Naparito ako pagkat may mahalaga akong sasabihin sa iyo.

Bago pa nakapag-usap ang Bathaluman at ang Ynang Reyna ay pina-alis muna ni Minea ang mga kawal at Dama na nasa silid sambahan at umupo sila upuan sa gilid.

MINEA:Mahalagang sasabihin ano iyon Cassiopea?

CASSIOPEA:May magbabago sa propesiya,nakikita ko na may tutulong kay Ether mula sa ibang mundo at magiging kaalyado niya ito at merong mga panibagong kapangyarihan na mas malakas pa kaysa limang brilyante kung magkakaroon ka nito ang lakas mo ay hango sa isang Bathaluman na kayang patumbahin ang kahit na sinong makapangyarihang nilalang.

MINEA:Avisala eshma sa pinaalam mo sa akin ito Bathaluman,bukod diyan may nakikita ka pa ba?

CASSIOPEA:Oo kagaya ng dati ay magpapahinga ang mga kalaban saglit ngunit sa kanilang pagbabalik ay dadanak ang dugo.

MINEA:Konti lang pala ang nagbago ngunit salamat ulit,magpupulong kami lahat mamaya pagbalik nila.

CASSIOPEA:Walang anuman at mauna na ako sa iyo Hara.

Saka nag-ivictus pabalik ng Devas.

ENCANTADIA:BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(UNANG LIBRO)Where stories live. Discover now