one

17 3 0
                                        

nakayuko akong pumasok sa loob ng bahay namin. dirediretso ang lakad paakyan hanggang sa marating ko na rin ang destinasyon ko. ang pinaka ligtas kong mundo, ang kwarto ko. bawat yabag ko ay naririnig ko ang pagtunog ng sahig naming gawa sa kahoy, marahil dahil sa pagka-luma nito sa pag daan ng panahon. nakakaramdam ako ng unti-unting pagkaginhawa sa kalooban ng matanaw ko na ang paraiso ko. naglakad ako ng mas mabilis pa hanggang sa katapat ko na ang saradong pintuan ng kwarto ko at nanginginig ang aking kamay na kinuha ang susi na nakahalo sa i.d ko at ipinasok na sa door-knob at nanginginig ko pa ring ipinihit pabukas. marahil siguro dahil sa pagpipigil ko ng pagbagsak unti-unti ng mga luha ko ng tuluyan na hindi ko gustong mangyari hangga't hindi ko naikukulong ang sarili ko sa apat na sulok ng kwartong tanging may karapatang makarinig ng mga pagtangis ko. tumunog na ang knob, sinyales na bukas na ito at itinulak ko ito para makapasok na. awtomatikong nabalot nanaman ako ng pamilyar na kalinga ng kwarto ko at naaamoy ko nanaman ulit ang amoy nitong gustong-gusto ko at nagsisimula nang tumaas-baba ang mga balikat ko kung kaya't nakakailang hakbang lang ako matapos mailock ang pinto ay hindi ko napigilang mapaupo at masalo ng malamig na sahig at doon ko na itinuloy ang pagiyak ko, mga emosyong kanina ko pa itinatago, lungkot na bumabalot sa puso ko. lahat. hindi ko na nahubad pa ang uniporme kong suot o kahit bag na gamit ko pamasok. bumigay na agad ako sa paglalabas ng kalungkutan ko.

bakit ganito?…

bakit palagi nalang akong natatabunan sa ilalim?

bakit palagi sila ang nanalo?

bakit hindi ba pwedeng……

…ako naman?

dinala ako ng mga pulis sa isang kwartong silyado at may isang palahabang bintana sa hallway. pagkadala nila sakin dito ay umalis na sila at binilinan ako na antayin ko nalang daw si Dr. Kathrina Cruz. mukang busy pa sila sa kung anong ginagawa nila. iniisip kong siguro, tungkol sa akin iyon, o baka ibang tao namang nagkasala sa batas.

…pero kahit anong gawin nila, wala akong pake.

malamig sa loob ng kwarto na siyang nagustuhan ko dito. kung pwepwede na lamang na sana dito nalang muna ako tumira, ang tahimik kasi at malamig pa, magandang magbasa ng aklat dito kung tutuusin, kung sana lang ay payagan nila akong magbasa muna ng libro habang hinihintay ang Doktor na sinasabi nila, baka kasi matagalan pa ang lilipas bago pako makahawak ng libro mula sa paborito kong author. nakaupo lang ako dito at tanging pagpikit lang ng mata ang nagagawa kong aksyon ngayon dito nang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng mas bata pa sa iniisip kong magiging itsura niya. akala ko kasi ay isa itong may edad na babaeng mataba, kayumanggi, medyo mababa at nakapusod ang kulot nitong buhok. ganon kasi ang usual na nakikita kong psychologist sa mga pelikula at mga naiimagine ko tuwing nagbabasa ako ng libro. wala naman kasi silang masyadong description sa mga taong hindi naman konektado sa bida sa istorya. o kaya naman ay matangkad at mapayat, pahaba ang muka, maikling straight ang buhok na may bangs ang itsura niya. at may edad na rin. ngunit kabaligtaran pala ng iniisip ko ang naglalakad papalapit sa aking Doktora para maupo sa harapan ko. may katamtaman siyang tangkad, pero hindi naman sobrang taas. hindi naman ganoon kaliit, sa tingin ko ay mga bente-anyos lang ito at batang-bata pa ang itsura,  medyo maputi ito, nakalugay ang mahaba nitong buhok at nakaipit ang ilang buhok nito sa magkabilang tenga nito. maganda rin siya, katunayan nga ay may kahawigan siya sa isang volleyball player na sinusubaybayan ko dati noong highschool palang ako na si Denden Lazaro. at magkasing-katawan din sila na balingkitan lang.

hinila nito ang nagiisang upuan sa kabilang gilid ng lamesang naghahati sa aming dalawa at tahimik na naupo. nakayuko lamang ito at pinagmamasdan ko siya habang iniaayos niya sa lamesa ang mga gamit na dala niya kanina. isang laptop na nakapasok sa laptop case, isang mamahaling ballpen, notepad, at cellphone nito. pustrang-pustura siya kung titignan, kahit suot niya ang doctor's coat niya, ay umaangat parin ito at mapapalingon ka talaga kapag dumaan siya. hindi ko tuloy maiwasang maalala ang teacher ko dati, si Mam Anna, sa lahat ng teachers na meron ang school namin at nakapagturo sa amin doon ay siya ang pinaka mas nagagandahan ako. may kaliitan ito, maikli ang kanyang buhok na may kulay at dati ay may highlights pa. maganda ang kaniyang muka lalo na ang kaniyang kilay. para kasing nakahulma na talaga itong perpekto at hindi na kailangang bawasan pa at ahitan. siya ang pinaka bata sa lahat ng mga nagtuturo doon pero isa siya sa natatanging mabait doon at sobrang kulit. hindi mo tuloy namamalayang tapos na pala ang oras mo sakaniya at madali din siya pakisamahan. isa siya sa mga iniidolo kong guro sa school namin at parang ate ang turing ko sakaniya. ten years lang kasi mahigit ang agwat namin sa isat isa at naaalala ko pa noon na hindi ko kayang humindi sa mga pakiusap niya. walang araw na humindi ako sa utos niya. at sobrang bait niya sa akin, lahat ata ng mga bilin niya dati ay sinusunod ko. pero lumipat siya ng ibang school bago pa man kami matapos sa emersion namin, nakakailang buwan na din ang lumipas.

DEMONSStories to obsess over. Discover now