HAPPINESS…..
5 SIMPLE RULES FOR HAPPINESS:
1. Free your heart from hatred.
2. Free your mind from worries.
3. Live simply.
4. Give more.
5. Expect less.
NOTHING
IS WORTH IT …
IF YOU AREN’T
HAPPY
Ang bigat na word na happiness ano? Para bang ang hirap maging Masaya kapag madami kang problema. Kapag may taong malungkot o isang taong isinusumpa ka na. Gagawin niya ang lahat para mahigitan ka. Yun bang naghahanap siya ng mangbabarang para lang mabura ka sa paningin niya.
Ang hirap ding maging Masaya kapag may mga masasakit na bagay kang narinig mula sa iba. Na ang mahal mo, may mahal nang iba. Kapag may crush ka pero crush din pala ng kaibigan mo at close sila. Yung nag-away kayo ng bestfriend mo kasi hindi mo siya nilibre sa canteen niyong parang lata ng sardinas sa dami ng tao kapag recess o di kaya dahil may isang bagay ka daw na nagawa sa kanya pero di mo naman alam kung anong connect.
Gusto mong maging Masaya pero hindi ka maka-move on sa nangyari sa’yo kahapon. Kapag alam mong bagsak ka na sa summative test niyo dahil sa lecheng algebra na wala nang ibang ginawa kundi hanapin ang X niya. Pati letters pinatulan na nga niya. Paano pa ako magiging Masaya kung pati ang Future ko wasak na.
Happinesswill never come to those who don’t appreciate what they already have
Pero na-realize ko, yun palang mga bagay na magpapasaya sayo, nasa harapan
mo lang buong buhay mo. Yung mga
maliit na bagay na paglipas ng taon, malaki pala
ang nagging epekto sa buhay mo.
Yung ang dami palang taong sumusuporta
at nagtitiwala sa’yo at handa silang ibigay ang
panyo nila para lang may maipahid sa mga luha sa
mga mata mo.
Kapag nawala ang ballpen mo at mukha ka nang tanga sa kakahanap dito, andyan yung mga taong handang ipa-alala sa iyo na ang ballpen mo ay nakaipit lang sa buhok mo.
Yung nanay at tatay mong talak nang talak, parang manok na putak nang putak o di kaya parang armalite na fully loaded kasi nga gabi ka nanaman naka-uwi. Pero kahit anong katangahan ang nagawa mo.. andyan parin ang mga magulang mo, open arms pa, at handang tanggapin at tawanan na lang lahat ng nagawa mo.
The happiest people don't have the best of everything; they just make the best o everything
Dapat tawanan nalang natin ang problema wag nga lang sobrang lakas, baka mapasok ka sa mental ospital agad. Hayaan mona lang ang mga impaktang ingetera and go and let your star shine.
Makinig ka na lang sa happy music kaysa sa mga taong wala namang ibang
ginawa kundi mandemonyo sa Good Moral and Right
Conduct mo . Maniwala ka, mas madaming
nagmamahal sa’yo at isa na ako doon.
P.S.
We love you like a pig who loves not to become
bacon…
![THE PRINCIPLE OF A BABOY <(^(OO)^)> [must read..]](https://img.wattpad.com/cover/24775283-64-k260059.jpg)