chapter 1

1 0 0
                                    

(kriing)!!
napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang alarm clock sa tabi ng kama, gosh it's already 7:30 am late nako 8:00 am ang call time namin, wala namang pasok ngayon dahil sunday kaya lang may gawain ako sa church dahil isa ako sa mga napiling magministry tuwing linggo ng umaga bago magsimula ang program.

nagmadali akong maligo at nagayos, nag paalam na din ako sa parents ko bago umalis ng bahay, nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko sila kasama, busy kasi sila sa trabaho kaya magisa lang ako ang kuya ko naman may sarili ding mundo.

naglakad lang ako papunta sa simbahan since malapit lapit ito samin dahil nasa kabilang street lang ito.

pagdating ko sa loob napansin kong may mga bagong mukha pero diko pinansin dahil masesermonan na naman ako neto at late ako kaya kinuha ko na ang mga card na ipapamigay at sumunod na sa mga kasamahan ko sa labas para mag share ng word of God.

madami dami din akong nasheran ngayon, masaya ako dahil sa ganung
bagay, may natutulungan ako at nagagamit din ako para sa kalhuwalhatian ng Diyos.

pagkatapos naming magshare ng salita ng Diyos, pumasok na kami dahil magsisimula na ang sunday service program, umupo ako sa bandang likuran para mabigyan ng upuan ang mga bagong dumadating.

habang nakaupo nakita kong tumayo ang mga leaders para sa ngayong sunday service, magmula sa emcee, praise and worship team hanggang sa magbibigay ng mensahe, nag form sila ng bilog at nanalangin.

nagsimula na ang programa at masiglang bumati ang emcee, "mapagpalang araw po sa ating lahat! batiin po natin ang ang katabi ng mapagpalang araw kapatid" sabi ni ate gina na siyang emcee ngayon, "batiin din po natin ang mga bisita na inimbita ng ating kapatid na si jon, maari po ba kayong tumayo para makita kayo ng ating mga kapatiran?" dagdag pa niya, doon ko lang napansin ang mga bagong mukha kanina, tatlong lalaki at dalawang babae, marahil ay mga kaklase ito ni kuya jon sa kolehiyo dahil narinig kong magiimbita daw siya ng mga kaklase niya.

tiningnan ko isa isa ang mga ito, maganda ang dalawang babae nilang kasama parehong mahaba ang buhok, matangkad at maputi, magkaiba lang dila ng suot dahil naka nude puffed shoulder top ang isa at nakafloral sunday dress naman ang katabi niya, napansin ko din na may resemblance silang dalawa marahil ay kambal ang mga ito, i just shrugged and look at the three guys, pareparehong matatangkad at guwapo, nagulat ako ng napansing nakatingin banda sakin ang isa sa kanila kaya tiningnan ko ang aking likuran kung may tao, sa pagiisip na baka yung nasa likod ko ang tinitingnan niya, nakita ko naman na andun si miranda na nakatingin din sakaniya, hinayaan ko nalang sila at ibinalik na ang pansin sa emcee.

Pagkatapos ng program inanunsyo ng emcee na magsama sama daw ang mga kabataan na edad 16 hanggang 21 at dahil 17 nako tumayo nako at naglakad papunta kila kuya jon since sa kanila daw sumama ang mga tinawag.

umupo ako sa tabi ni kim kaklase ko siya sa st.Dominic kaya magkakilala kami, mabait din siya sakin kaya medyo close kami.

ng makumpleto na ang lahat nagsalita na si kuya jon "hi guys! bago tayo magsimula sa aking iaanunsyo nais ko munang magpakilala ang mga bago nating makakasama sa ating church" sabi niya, kaya naman nagsimula ng magpakilala ang lima, "hello! my name is claire louise berdan just call me by my first name" the girl with the floral dress, "hi! my name is clea lhyre berdan, you can call me clea and we are twins by the way" sabi naman ng babaeng naka nude puffed shoulder top, tama nga ang naisip ko kanina dahil kambal sila.

sumunod naman ang tatlong lalaki na kasama nila,"hey! my name is charles dwayne cruz, just call me charles" nakangiting sabi niya, "hello I'm adam  caleb samaniego" sabi naman ng isa, yun na yon? sabi ko sa sarili ko, bigla namang natawa ang isa bago magpakilala, "magandang araw sainyo! I'm jairus adler abueva, hope we get along" sabi niya.

pinagpakilala din kami ni kuya jon para makilala din daw kami ng mga bago, kaya naman nagpakilala ang ilan sa mga kasama ko, at dahil nasa dulo ako ang huli, "hi! im alexa just call me alex" magalang kong sabi.

napansin ko na namang nakatingin sakin ang isa sa kanila si adam, i shrugged baka guni guni ko lang iyon.

nagsimula na si kuya jon sa kaniyang anunsyo, "kaya ko kayo pinapunta dito dahil, simula sa susunod na linggo tayo na ang maglelead ng praise and worship, sapagkat ang music team ay magreretire na kaya tayo na ang papalit sa kanila" paliwanag ni kuya jon.

medyo kinabahan naman ako ng konti sa anunsyo na iyon, magpipilian kasi kung sino ang magpapaawit at ang mga intsrumentalist, isa ako sa mga napili nila dahil wala daw akong absent at maganda din daw ang boses ko, tintingnan kasi nila kung sino yung magiging committed sa ministry, napili din si ate claire at mga kasama niya bilang instrumentalist pero itetest daw muna sila dahil bago pa lamang sila, gusto kasi ng mga head na committed ang isang tao sa kaniyang gagampanan na ministry dahil Diyos daw ang pinaglilingkuran namin at hindi tao.

ang iba naman ay binigyan ng kani-kanilang gagampanan na gawain sa church, tulad ng pageemcee at ang pagaayos ng mga upuan tuwung umaga at pagkatapos ng service.

sa huli inanunsyo na magpapalitan daw kami ni kim sa pagpapaawit since hindi pa pwede sila ate claire ang instrumentalist naman ay sila kuya jon kasama ng iba pang kabataan na datihan na dito sa church.

pagkatapos ng paguusap na iyon, nag closing prayer muna kami bago magpaalam sa isa't isa para umuwi.

paguwi ko wala sila mama at papa ganun din ang kuya ko kaya naman umakyat nako sa kwarto ko at nagbihis, kumain na din ako ng tanghalian bago magpahinga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

kristyanong inloveWhere stories live. Discover now