prologue

15 0 0
                                    

(updated)

"alex! ready ka na ba?" tanong sakin ni jamie habang naghahanda kami para sa praise and worship.
"oo naman ang tagal tagal na nating ginagawa to eh, tsaka si Lord ang paglilingkuran at gumagabay sa atin" sagot ko ika-23 na anniversaryo ng simbahan namin kaya madaming tao ang dadalo ngayong araw ng linggo.

"balita ko may na-invite si Pastor luke na may possibility daw na maging sponsor ng church sa pag papaayos ng building " kinakabahan na sabi niya, i just shrugged off and pray silently, kung sino man yun, wala akong pakialam basta ako ay aawit para sa Panginoon hindi para sa kung sinong tao. Ang talento ko sa pag-awit ay biyaya ng Diyos kaya sakaniya ko lamang ito gagamitin.

Nagsimula na ang programa ng sunday service kaya kaya umupo na kami sa mga upuan na nakalaan sa amin, nasa unahan kami para malapit lang sa may stage.

Nag simula na mag prelude si kuya jim siya yung head ng music team, habang tumutugtog ang prelude nanalangin ako, while thinking about the past 3 years of my life, it was great but painful, kamusta na kaya siya? balita ko ay isa na siyang successful na businessman, masaya ako para sakaniya ganun din para sa akin, my tears fell i am happy and thankful kasi hindi ako pinabayaan ng Panginoon, nakatagpo ako ng mga tao na itinuring akong kaibigan at pamilya.

"lex, lika na tinatawag na tayo ni kuya jim" tawag sakin ni jaimie, susunod na kasi kami, tumayo nako at naglakad papalapit sa mga kasamahan ko. Nilead muna kami ni kuya jim sa isang short prayer bago pumunta sa stage.

Sa pag harap ko sa mga tao nagkaroon ako ng konting kaba dahil mas dumami ang tao ngayon, pero alam ko sa sarili ko na ang Panginoon ang maglilead sa akin, " magandang araw po sa ating lahat! napakabuting tunay ng ating panginoon!" panimula ko "dahil patuloy niya tayong pinagpapala at pinagiingatan sa mga nagdaang taon magpahanggang ngayon, kaya naman inaaniyayahan ko kayonh tumayo at samahan kaming umawit sa ating Panginoon!" dagdag ko bago tumugtog ang mga instrumento.

Naging masaya ang praise and worship kaya ang puso ko'y puno ng kagalakan at pagpapasalamat, ng magtapos ako sa isang panalangin bumaba na kami sa stage at umupo na sa kaniya kaniya naming upuan.

"ang pagsubok ay isang aralin na dapat nating matutunan kung paano ito lutasin, sa tulong ng Panginoon nalalagpasan natin ang pagsubok sa ating buhay" sabi ng aming guest Pastor. "Maging matatag tayo at patuloy na magtiwala sa ating Panginoon, dahil hindi niya tayo pababayaan". dagdag pa niya na ikinatango ko dahil totoo na hindi nagpapabaya ang Diyos, ako mismo ay nakaranas ng problema pero heto ako't umaawit para sakaniya.

Mabilis na natapos ang programa, tinatawag ulit kami sa stage para sa isang awitin, habang kami ay umaawit inanunsyo ng mc na magkamayan ang bawat isa kaya't madami ang umalis sa kanilang pwesto para makipagkamay, may mga lumalapit din sa amin at ganun din ako since wireless naman ang hawak kong mic ay pwede akong umalis sa aking pwesto.

Lumapit ako sa isang lalaki na nakatalikod ng mapansing walang nakikipagkamay sakanya, inabot ko ang akin kamay at ganun din siya, ngunit ako'y nagulat ng makilala kung sino ang lalaking ito, agad akong napabitaw at tumalikod, dahil tinatawag na din ako nila jamie para sa group picture.

walang tigil ang pagkabog ng ang puso, sa aking nakita pilit hinihiling na sana ay hindi siya iyon, ang lalaking iniwan ko 3 taon ang nakalipas, dahil sa isang dahilan na ako lang ang nakakaalam..

adam caleb samaniego...


kristyanong inloveWhere stories live. Discover now