"Kapag pangit wala nang karapatang lumandi at mag-feeling Cinderella!"
Siya si Elle ang babaeng hindi naman pretty. Tumanda na't lahat-lahat ngunit wala pa rin ang kanyang Prince Charming. Dahil na rin sa kanyang paniniwala dulot ng bedtime stories ng kaniyang Ama ay naniniwala siyang darating ang kanyang Prince Chraming na tulad sa mga Fairytale Stories. Na-delay lang talaga.
Pinalaki siyang matinong babae (nagkulang nga lang talaga sa ganda pati na ang pag-ayos sa sarili) na kung titingnan mo ay puwede na itong makipagsabayan sa mga nanlilimos sa lansangan. Daig niya pa ang mga taong ay tamad maligo o kahit man lang ay mag wisik ng tubig sa katawan
Ibahin mo siya sa lahat, siya ang pinaka matindi pagdating sa pagtatrabaho. Batak ito na kahit buong araw ay kakayanin niyang magtrabaho ng walang reklamo. Modern Cinderella na walang inaatrasan na laban.
Sa araw-araw na pagdarasal niya para sa taong kanyang hinihiling na dumating ay mag katotoo kaya?
Darating kaya ang Prince Charming na kanyang matagal nang hinihintay?
![](https://img.wattpad.com/cover/194279183-288-k296859.jpg)
YOU ARE READING
Why Why Love
Teen FictionNaniniwala si Elle na kahit hindi siya pretty ay mayroong Prince Charming na darating 'tulad sa mga fairytale stories na kaniyang narinig sa kaniyang Tatay. Ang tanong darating nga ba?