SPW5- Pag may alak, may pusong wasak

22 2 0
                                    

" Pag May Alak, May Pusong Wasak "

Ngayon ay isang gabing kay dilim,
tanging bote ng alak ang aking kapiling
Tuliro at hindi alam ang gagawin.
Iniisip kung nasan ka ba, ano ang nangyari?
San ako nagkulang, san ako nagkamali?
Bakit kailangan ko maramdaman ang ganitong klase ng pagkasawi?
Walong taon nating pinagsamahan,
ngayon ay maglalaho na parang wala lang.
Iniwan mo 'ko ng walang dahilan,
Wag ka ng umasang meron ka pang babalikan.
Dalawang buwan ang binilang ko,
Dalawang buwan ang hinintay ko.
Pasensya na pero pagod na 'ko.
Pagod na 'kong umasang babalik ka pa,
Pagod na 'kong umasang babalikan mo ko.
Mga panagarap nati'y nilimot ko na,
Mga alaala nati'y isinumpa ko na.
Paglubog ng buwan, pagsikat ng araw, limot na kita...
Susubukang limutin ka...
Sa bawat tagay hanggang mawalan ng malay.
Dahil ngayon ay tatapusin ko na ang lahat,
Upang maghilom na ang pusong iyong winasak.
Isang tagay para sa mga pinagsamahan natin.
Mula sa unang pagkakataon na nasilayan natin ang isat-isa
Hanggang sa araw na tayo'y nagkakilala.
Mula rin noong nagbahaginan tayo ng mga hilig at gusto,
Maging ng mga pananaw sa mundo.
Mula rin sa mga bagay na pareho nating naranasan sa unang pagkakataon,
Na kailanma'y hindi muling mangyayari sa mga darating pang panahon.
Isang tagay rin para sa mga tawang pinagsaluhan natin.
Mga tawang punong puno ng pagmamahal,
Mga tawang saksi sa naging ako at ikaw,
Na imposible nang maulit pa sa mga darating pang mga araw.
Isang tagay ulit para sa mga luhang nagpatatag sa naging relasyon natin.
Mga luhang naging daan upang mailabas ang saloobin ng isat isa,
Mga luhang ngayon ay bahagi ng paglimot sa pag-iibigan nating dalawa.
Isang tagay pa, upang makalimot na.
Damdamin ay tuluyan ng lunurin ng alak at luha.
Kinabukasan ay ipaubaya na kay tadhana.
Baka sakaling pag-ibig ko sayo'y maglaho na,
Baka sakaling bukas ay limot na nga kita.
Subalit ngayon ay huling tagay ko na,
ngunit bakit mahal pa rin kita...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN WORD POETRYWhere stories live. Discover now