"WALANG TAYO"
Tanging apat na letra para lang mabuo,
Ano nga ba tayo?
Teka wala nga palang tayo ang meron lang ay ikaw at ako
Di ko alam kung ano ang dahilan,
Ang tanging nais ko lang ay malaman,
Kung ikaw ba'y sa akin ay may pagtingin o nararamdaman.
Ang tanging ko lang ay mahalin ka,
Ang tanging nais ko lang lumigaya ka,
Ngunit yun ay sa piling ko hindi sa piling niya.
At sabay silay sumasabay sa awit ng musika,
Na parabang walang ako! Oo nga pala ""
Pasensya kana kung masyado akong feeling,
Feeling na halos malapit na sa pagka assuming,
Bakit ka ba kasi nagpakita ng motibo gayong ayaw mo naman
Pala makasakit ng tao?
Siguro kasalanan ko masyado akong umaasa sa matatamis na salita
Tuwing binibitawan mo ay kinikilig na ako.
May naka pagsabi sa akin na kailangan mong humingi ng tawad
Sa taong nasaktan o nagawan mo ng kasalanan,
Ngayon nais kong humingi ng kapatawaran
Dahil ang tanging nais ko lang naman ay masuklian,
Ang pagmamahal ko sayo na kahit kalian wala kang pagkakakilanlan.
Patawarin mo ako sa aking pagluha kahit ,
Patawarin mo ako sa pananatili sa tabi mo kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa pagpili ko sayo kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko kahit WALANG TAYO,
Patawarin mo ako sa aking pagmamahal sa iyo kahit WALANG TAYO.
Patawarin mo ako nang matapos na ang tulang ito,
Dahil pagod na pagod at durog na durog na ako,
Sa bawat pag sambit ng katagang "".
![](https://img.wattpad.com/cover/194132168-288-k203108.jpg)
YOU ARE READING
SPOKEN WORD POETRY
PoetryInaalay ang Spoken Words Poetry na ito para sa mga taong pinagpalit sa iba. Yung tipong minahal mo na nga ng sobra nagawa ka pa ring palitan, at dahil sabi nga nila kapag nakikita mong masaya ang taong mahal mo, masaya ka na rin, kahit nandun ang ma...