Mission #18 Carla Cyan Zanders

217K 7.6K 1.1K
                                    

Dedicated to : @Jee_Well

Pinalitan ko po yung title dahil wala pa lang magrereturn haha.

Same rule parin po. Kung sino may pinakamagandang comment, idededicate ko sa kanya next chappy ^^ tsaka sana help niyo kong iplug itong story ko para dumami na yung reads at tumaas ang ranking. :)

It's effort that counts.

www.twitter.com/GFlowerWP

-----------------------------------------------

Flashback.

"J-Jana." Tawag ni Crimson kay Jana after magbukas ang pinto. Kitang-kita ng He Royals ang katawan nitong naliligo sa sarili nitong dugo.

Agad pang napatakbo si Wave at Leif sa damuhan para sumuka.

"Y-Yancey bakit?" Nanginginig na tanong ni Rose kay Yancey na ngayo'y bumalik na sa katinuan at punong-puno na ng dugo ang suot nito.

"I-I don't know." Nanginginig na sagot nito habang umaatras na para bang hindi makapaniwala sa nagawa niya.

"Kristine, hypnotism." Bulong ni Lhorraine kay Kristine na natulala sa nakita.

"H-huh? Sino?" Tanong nito na para bang wala rin sa sarili. Hindi niya alam kung buhay pa ba o hindi na si Jana. Ang nakikita lang niya ngayon ay ang mga nitong tirik at puro dugo.

"Ang mga Royals."

Napatingin si Kristine sa mga Royals. Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa mga ito at bumulong sa bawat isa sa kanila.

Isa ito sa mga kilalang kakayahan ng mga serena. Kaya nilang manghipnotismo gamit ang mga boses nila. Gaya ng inaasahan, napasailalim ang mga ito sa kapangyarihan ni Kristine.

Wala sa sariling naglakad ang mga Royals at nagtabi-tabi sa harap ni Lhorraine.

Naglabas ng isang malakas at itim na aura si Lhorraine na bumalot sa mga He Royals. Ito ang tinatawag niyang, Doom of Memories. Kinukuha niya lahat ng mga alaala ng mga He Royals sa mga nangyari sa araw na ito at pinapalitan niya ng bago.

After niyang i-alter ang mga memories nila. She extended her force hanggang makaabot ito sa mga sasakyan nila. She created a whirlwind mula sa itim na aura niya. Dun nahigop ang mga Royals at ang lahat ng mga gamit ng mga ito and in just a snap, wala na ang mga ito at naiteleport na niya sa mga dapat nilang kalagyan.

She made sure that they will never wake up until their minds were settled.

"Kristine! Lhorraine! Si Jana!" Agad na napalingon ang mga ito at nanlaki ang mga mata ng makita kung anong nangyayari kay Jana.

Jana is vanishing! Nagiging abo na ito at ang mga abo niya'y unti-unting inililipad ng hangin.

"N-no! No!" Hikbi ni Kristine habang pilit sinasalo ang mga abong inililipad ng hangin.

"Lhorraine! Do something!" Iyak ni Kristine. Maging si Lhorraine ay natulala sa nakikita. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib at siya'y takot na takot sa nakikita.

Jana is gone. Unti-unti na siyang nawawala and she can't even do anything about it.

"T-Tama na Kristine!!" Hagulgol ni Rose habang hinihila si Kristine palayo sa abo ni Jana. Napakabigat sa kalooban ang nasaksihan nilang unti-unting pagkaubos ng mga labi ni Jana.

Wala na silang ibang nagawa kundi ang tumayo sa gilid at pagmasdan ang mga abong unti-unting inuubos ng hangin.

"We need to let her go. M-maybe hanggang dito na lang talaga siya." Hirap na sabi ni Lhorraine as a single tear fell from her left eye.

MYSTERIOUS NERDS meets CAMPUS ROYALTIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon