Mundo ko'y nagbago simula nang makilala kita
Sa malulungkot kong araw, ikaw sa 'kin ay nagpapasaya
Lahat ay gagawin ko para sa 'yo
Pinagsamahan natin ay 'wag lang magbago
Handa akong ibigay lahat ng kinakailangan mo
Bigyan mo lang ako ng puwang sa iyong puso
Alam kong imposibleng magkaroon ng tayo
Alam ko rin na ginagamit mo lang ako
Pero handa akong magpagamit sayo kesa naman sa gamitin mo ang ibang tao
Alam kong hindi dapat, alam kong mali
Gusto ko lang naman na makasama ka kahit sandali
Ngunit 'di ko rin inaasahan na aabot tayo sa ganito
'Di ko inakalang kaya mo akong saktan ng husto
Alam kong ito ay aking ginusto
Pero masakit pala kapag ipinamukha sa'yo
Ipinamukha sa 'yong wala kang kwentang tao
Handa sana akong isuko lahat para sa 'yo
Pero nakahanap ka na pala ng mas magaling gumawa ng iyong proyekto
(Plagiarism is a crime)
(All Rights Reserved)
YOU ARE READING
BROKEN - Spoken Word Poetry Collection (English and Tagalog )
PoetryHere's my collection of my spoken word poetry! Message me if you wanna use it for a school presentation or a post.