Taeyong can't stop giggling magmula nang makapitan nya ang cellphone nya. After ng date nila ni Jaehyun kahapon, wala syang ibang ginawa kundi ang itext ito. Well basically magkatext sila at si Jaehyun na ang naglakas ng loob na kunin ang number nya.

Today is Saturday at nakatambay lang sya sa dorm nila. Wala ang parents ni Taeyong sa bahay nila kaya hindi na din nya plinanong umuwi.

"Oy tara." Kinalabit sya ni Yuta.

"Saan?" Nakangiti nyang sagot dito.

"Pota kinikilabutan ako sa ngiti mo doi. Kinikilig itlog mo no?"

"Gago ka ha. Shut up."

Tinawanan naman sya ni Yuta, ang cute kasi ni Taeyong maasar.

"Eto na, sama ka samin ni Hansol. Pupunta kami sa bahay nila kesa dito lang tayo ng 2 days no."

"Sure ka? Isasama mo ko? Quality time nyo kaya yun." Balik asar ni Taeyong sa kanya.

"Hindi ah. Gusto kita kasama. Malay mo sumama din si Jaehyun don. Ayieee."

"Boset ka Nakamoto. Pereng tenge teh!"

Yuta chuckled and ruffles the older's hair. "Ano, tara na kasi."

"Eto na wait lang ho mahal na prinsipe ng Japan na naligaw sa Korea. Magbibihis lang ako at mag eempake ng kaunti."

Habang nag-aayos, natigilan sila pareho nang may kumatok sa pinto. Si Yuta na ang tumayo para magbukas nun at iniluwa nito si Doyoung.

"Bagal. Ano sasama ka pa?" Bungad nito sa kanya. He's just wearing something na simple like white shirt and black pants tapos naka soot ng specs.

Wow, what a concept.

Ang simple pero malakas ang dating.

"Sandali naman Dons. Isasama ko din kasi si Taeyong."

Napalingon naman si Doyoung kay Taeyong na kakatapos lang mag-ayos ng gamit at ready to go na.

"Nice."

Hindi naman maitatanggi ni Taeyong na ang gwapo-gwapo ni Doyoung dahil sa style nya. Wow lang, kung naandito si Taeil hyung baka naglaway na yun.

Secret lang, crush kasi nya si Doyoung.

Sabay sabay na silang bumaba at nasalubong si Hansol na naghihintay sa labas with his fancy car na kabibigay lang sa kanya ng daddy nya.

Yaman naman.

"Yo!" Tawag ni Doyoung sa kanya pero si Yuta ang pinansin nito.

"Hi."

"Aba, ako yung bumati iba ang pinansin?" He mumbles. Natawa naman ng mahina si Taeyong doon. "Tara na nga lang Taeyong."

--

Jae♥
Wait, kakain lang ako.

Yong♡
Sure, take your time.

Ikaw kumain na din.

Mamaya pa kapag
nakarating na kami kina
Hansol.

Hansol? Anong gagawin
mo dun?

Uhh, doon kami magsstay
ng 2 days.

After that, hindi na nagreply si Jaehyun. Baka kumain na kaya ibinaling nya ang pansin kay Doyoung na nakahiga ang ulo sa lap nya. Inaantok daw sya dahil overtime ang practice ng band nila kagabi kaya napuyat.

"Send mo kay Jaehyun." Bulong ni Yuta kay Hansol para hindi marinig ni Taeyong.

Hiniram kasi ni Yuta ang phone ng jowa-este ni Hansol para magpasa load, wala syang pang internet kaya lang naagaw pansin nya yung dalawa sa likod kaya pinicture-an nya.

"Naku, baka sumugod sa bahay. Wag na."

"Eh ano naman?"

"Niyayaya ko sya kahapon ayaw nya. Bahala sya jan."

"Ako na magsesend para masaya hahaha. Ay shet, speaking of the devil. Nagtext sya." Sabi ni Yuta at inopen ang inbox galing kay Jaehyun. "Saan ka daw nakatira."

"Hah? Sure ka si Jaehyun yan?"

"Oo. Wait may isa pang text. San daw mismo sa Busan." Napangisi pareho ang dalawa at nagkatinginan sila.

"Tae, katext mo si Jaehyun." Yuta asked. Tumango naman si Taeyong.

"Kaya pala." Napatango-tango nalang ang dalawa. "Ge, send mo na yung pic."

---

TAEYONG

Pagkadating namin ng Busan, namangha ako sa ganda ng bahay ni Hansol. Hindi gaanong malaki pero ang ganda naman mula sa labas. Yung garden pati ang unang mapapansin.

Hala ang sarap tumambay dito.

"Mama mo?" Tanong ni Doyoung na ngayon ay nasa sopa na.

Feel at home sila ni Yuta. Wow.

"Hakdog?"

"Gago. Kakatawa yon?"

"Hahaha! Wala sila. May honeymoon sila ni erpats ulit. Sana all may kayakap sa gabi." Natatawang sagot ni Hansol.

"Pwede naman magstay si Yuta dito." Taeyong said at hindi nya ata narealize yon because he's texting someone on his phone kaya napatingin yung tatlo sa kanya.

"Sinasabi mo Taeyong?" Si Yuta.

"Wala daw sya kayakap sa gabi. Pwede ka don diba?"

Napasimangot ngunit namumula ng kaunti si Yuta doon, saka lang narealize ni Taeyong kung anong sinabi nya.

"Ay, I mean hindi kasi makatulog minsan si Nakamoto kaya minsan sa gabi tumatabi sakin at nagpapayakap."

Natawa naman si Doyoung sa sinabi ni Taeyong. Well, hindi sya slow para hindi magets kung anong ibig nyang sabihin don kaya tumayo sya at tinapik ng marahan si Yuta.

"Ang pabebe nyo. Alam nyo yun?"

"Sinasabi mo? Tabi nga. Wag kang pokpok jan Doyoung." Inirapan naman sya ni Yuta na ngayon katatayo lang para kumuha ng tubig.

Samantala, napasimangot naman si Doyoung nang tingnan nito ang kanyang phone na kakavibrate lang. Feeling ko may dark aura na nakapaligid sa phone nya.

"Hoy hilaw na Hapon!"

"Ano nanaman!"

"Ano tong sinend mo kay Jaehyun ha? Bwisit ka!"

Kinuha naman ni Yuta yung phone nya saka ngumisi ng parang shungang may masamang ginawa.

Nacurious tuloy ako.

"Bakit? Cute naman ah. Diba Sol?"

"Tangina mo pre!" Binawi ni Doyoung yung phone nya kay Yuta na mukhang gustong gusto nyang isupalpal yon sa mukha ni Yuta.

Ano nanaman kayang katarantaduhan ang ginawa non?

"Pag ako talaga Yuta pinatay nito, kingina mo babawian talaga kita! Ang pokpok grabe." Ngumiwi si Doyoung kay Yuta bago umalis at dumirecho ng kusina ni Hansol.

Maya-maya pa may narinig kaming nag doorbell sa labas.

•Be Mine• (JAEYONG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن