Stage One

5K 88 17
                                    

Guys since short story to. Hindi siya lalagpas sa 15 chapters kaya asahan ang mabilis na shift sa emosyon. Pangalawa, tatapusin ko muna to bago ko simulan ung AAG.

Hashtag MutualUnderstanding (#MutualUnderstanding) for twitter comments! ETO NAAAAAAA! :>

P.S. Dedicated to you. For you never fail to support me. Lam ko naman na inaabangan mo to eh. XD

 

Stage One: Meeting The New Guy

 

Sabi nila Senior Year daw ng highschool ang pinakamasaya. Dun ko sisimulan ang kwento ko.

---

"Chin!"

Ako nga pala si Chandria  Medrano, 17 yrs old, senior student sa isang private school sa manila.

Nilingon ko kung sino ung tumatawag sakin, si Anika pala. Binaba ko ung librong binabasa ko at nilingon siya. "Oh bakit?"

Nagmamadali siyang umupo sa tabi ko. "Pakopya nang assignment." with matching puppy eyes pa. Hahaha.

They know me as 'Chin'. Ewan ko kung bat ayun ang nickname ko, kinalakihan ko na eh, kaya nakasanayan na.

Kinuha ko ung assignment sa bag at inabot sa kanya. recess kasi ngayon at math ang susunod. Eh about sa subject na yun ung kinokopya niya. "Bilisan mong kumopya! Magtitime na!" pangprepressure ko sa kanya.

Kabilang ako sa ilang tao na nerdy yet sikat. Actually mas sikat ang pagiging morena ko kesa sa katalinuhan.

"Have you heard the latest news?" tanong sakin ni Anika habang kumukopya. Si ate! Multitasking!

"Hindi eh. Bakit? Ano bang balita?" Di kasi ako lumabas ngayong recess. Nagbabasa lang ako ng librong kabibili ko lang kahapon.

"Hay nako Chin! Busy ka nanaman ng libro no? Tsk! Nakikita mo yon?" tinigil niya ang pagsusulat at tinuro ang mga kaklase kong lalaki na pumapasok sa room, tsaka muling nagsulat.

Hmm. Parang wala namang iba sa kanila eh.

"Oh anong meron sa kanila?" balik tanong ko sa kanya.

"Puro busangot oh!" kung titignan maigi, puro nga sila nakabusangot. "Dahil yan sa new guy."

Very very light akong nagulat. "May transferee?!"

Muli siyang tumigil sa pagsusulat at tinignan ako. "OA makareact te?" tanong niya.

"Eh kasi naman magsesecond quarterly exam na po tayo. Napaka-over late enrolle naman niya." puna ko.

Psh. Sinong baliw na school ang tatanggap ng student in the middle of school yr? Unless kung..

"Gaga teh! Hindi siya late enrollee! Umabsent lang talaga siya ng ilang buwan. Excuse naman siya eh." paliwanag ni Anika.

Ay akala ko exchange student.

Pero pinayagan siyang magabsent ng lampas dalawang buwan? Ano namang valid reason ang meron siya? Pano ung past lessons?

"Luuuh! Paano siya makakasunod sa lessons?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam pero diskarte nayan ng school." sagot ni Anika habang binabalik ang notebook ko. "'Salamat sa sagot! Talino mo talaga!" tumayo na siya at umalis sa tabi ko.

Di rin nagtagal ay nagring na ang school bell na hudyat na tapos na ang recess. Ilang minuto ang nakalipas nang pumasok si Cher (Teacher) na nagtuturo samin ng Calculus. May kasunod siyang isang lalaki na nakauniform din. Siguro siya ung new student.

Infairness ah. Sa unang tingin gwapo siya. Pero pagtinitigan, mas gumwapo! Kaso nga lang ang badboy ng itsura. Dami na sigurong napaiyak nito na chikabebs!

"Goodmorning class, this is Mr. Dale Ocampo your new classmate. Pansin niyo naman na kailangan niya nang tulong niyo para makahabol siya sa lessons diba? So I expect your full cooperation. Understood?"

Tumango ang ibang estudyante habang ung iba (mostly girls), halos itili na ung 'yes' nila. Feeling naman nila 'I do' ung sinasabi nila.

"Dale dun ka nalang umupo." pahabol ni Cher sabay turo sa upuan sa tabi ko.

 ASDFGHJKL...!! Sakin itatabi yun?

Cool na naglakad si Dale papunta sa dulo. Nasa last row kasi ang upuan ko eh. Tapos ung ibang babaeng dadaanan niya nagpapanggap na nahihimatay. Potcha! LAKAS NG APPEAL! Ang gwapo!!

Isinabit niya ang bag niya sa upuan na nasa harap niya tsaka siya umupo sa tabi ko.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

"You're staring." maghinang sabi niya sabay lingon.

Alam mo ung sa mga pelikula. Ung sudden turn ng isang tao tapos ang sobrang gwapo niya sa angle na yun? GANUN NA GANUN UNG NANGYARI. Ang gwapo niya.

Nahiya naman ako. Turn off. "Sorry." nahihiya kong sabi.

Imbis na magalit siya ay nginitian niya ako. "It's ok."

Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo bago sabay na tumingin sa harap.

"Dale." narinig kong bulong niya.

Napangiti ako.

"Chin." bulong ko rin.

Alam kong narinig niya ako kaya lumingon ako sa kanya. Only to find out na nakatingin din pala siya sakin. Nagpalitan kami ng matamis na ngiti.

---

At dun nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Dale.

Mutual Understanding.Where stories live. Discover now