One

330 17 0
                                    

"I love you babe," matamis na sambit ni Keli, ang kaibigan ko.

"I love you too," tugon naman ni Patrick, ang boyfriend niya.

"Tangina, I love you self," pagsabat ko naman sa kanilang dalawa.

Tiningnan naman ako ng dalawa tapos bigla silang tumawa. Hay nako, edi kayo na ang may lovelife. Kung hindi lang kita mahal Keli, baka matagal ko nang inahas 'yang si Patrick eh.

Oo, tama kayo nang pagkakabasa, may gusto ako kay Patrick. Noon pa lang crush ko na siya kaso crush din siya ng kaibigan ko kaya ayun, nagparaya ako. Though walang nakakaalam ng pagtingin ko kay Patrick kundi ako lang.

"Don't worry Macy, mas mahal naman kita eh," sambit ni Keli saka ako niyakap nang mahigpit. Pero may mapaglarong ngiti pa rin ang nakapaskil sa mga labi nila.

"Ano ka ngayon, Patrick? Mas mahal ako ni Keli kaysa sayo," mataray na sabi ko sabay flip pa ng hair. Tumawa na lamang si Patrick sa inasta ko.

Andito kami ngayon sa isang park. Nag-aya kasi silang maggala kaya ayan mukha akong chaperone ng magjowa na 'to. Kung hindi ko lang sila mahal, baka sinumpa ko na silang dalawa.

"Maghanap ka na kasi ng jowa, Macy. Para naman next time double date na ang ganap natin," ani Patrick. Nakahanap naman na ako ng jojowain eh kaso jowa na siya ng bestfriend ko. Ayaw ko namang umepal sa pagmamahalan nila. Ayos lang na masaktan ako basta masaya si Keli.

'Next time na lang ako magjojowa kapag single ka na.' Siyempre hindi ko 'yan sinabi. Baka magkaroon ng world war 3, ayaw ko ng ganoon.

"Aanhin ko naman ang jowa? Makakain ba yan?" tugon ko na lamang. Saka ko na lang narealize na mali pala ang nasabi ko nung humagalpak sila ng tawa.

"Oo, Macy. Pwedeng pwede makain ang jowa," natatawang sambit ni Keli.
"Ikaw Macy, makakain lang pala ang hanap mo eh," dagdag naman ni Patrick.

"Kainis naman kayo eh! Bahala nga kayo diyan."

At hanggang sa paglayo ko, rinig ko pa rin ang tawa nila.

Kinabukasan, maaga akong nakarating sa school. Kaya pumunta muna ako sa silid-aklatan. Habang papunta roon, nakasalubong ko si Patrick.

"Ang aga natin ah," sabi nito.

"Better than late," tugon ko naman. Ngumiti naman ito sa akin na mas lalo pang naging gwapo sa aking paningin. Naku, Patrick please 'wag kang ganyan. Baka hindi ako makapagpigil, agawin na kita. Charot, siyempre hindi ko naman yun gagawin. Mas mahal ko naman si Keli kaysa kay Patrick eh.

"Hahaha you have a point there. Anyways, saan ang punta mo?"

"Sa library muna ako tatambay."

"Sama ako. Para makatulog din ako kahit saglit."

"Uhm sige."

Sabay nga kaming pumunta sa library. Nasa pinakasulok ang pwesto namin kasi nga matutulog daw siya. Ako naman kumuha ng isang libro at nagbasa.

Habang nagbabasa, nagvibrate ang cellphone ko.

"Asan ka?" iyan ang mensahe sa akin ni Keli.

"Nasa library." Tugon ko sa message niya.

"Ah. Napaaga ka ata?"

"Napaaga rin gising ko eh."

"Anyways, nakita mo ba si Patrick?"

Natagalan ako sa pagsagot sa kaniya. Tinitigan ko ang lalakeng natutulog sa harapan ko. Bakit kasi ang guwapo mo? Bakit kasi ang gentleman mo? Bakit kasi ang perpekto mo sa paningin ko? Bakit kasi ikaw pa ang minahal ko?

"Macy? Bakit ka umiiyak?"

Bigla naman akong napatingin kay Patrick na ngayon ay gising na at nakatingin sa akin na may pag-aalala.

"A-ah wala. Naiyak lang ako sa binasa ko. Hinahanap ka nga pala ni Keli," tugon ko na lamang saka pinunasan ang luha kong tumulo nang hindi ko man lang namamalayan.

Sinagot ko na rin ang text message ni Keli at sinabi ko na nasa library si Patrick.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakita ko na ang bulto ng katawan ni Keli na papasok sa library.

"Andito ka lang pala. Kanina pa kita tinetext eh," pambungad na sabi nito kay Patrick.

"Natulog kasi ako," tugon naman nito sabay halik sa pisngi ni Keli.

"Uhm, una na ako Keli, Patrick. Malapit na rin magstart first class ko," paalam ko sa kanila.

"Sige. See you later."

Sa 7.6 billion na tao sa mundo, sa boyfriend pa ng bestfriend ko ako nahulog.

Mahal Ko Ang Boyfriend ni Bes (ONE-SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon