“Ang kapatid mo Louis, kumain na ba?” His Mom asked.

“Breakfast lang ang kinain niya, Mom. Only milk and cereals.”

Nasa dining room sila ngayon, kumakain ng dinner. Katahimikan ang bumabalot sa buong bahay nila ngayon. Hanggang ngayon, ramdam na ramdam sa bawat sulok ng tahanan na may tension sa kanila.

Yumuko lang si Trinity at nagpatuloy ng kumain. Halata naman sa kanya na nag-aalala siya para kay Crystal. 

“Your Dad found out already about Crystal’s pregnancy.”

Nag-angat bigla ng ulo si Louis at tinignan ang ina niya. Nakita niya na nakatulala nalang ito sa pagkain sa harapan niya. Mukhang nawalan na rin ito ng gana.

“Your Dad wants Crystal to marry the guy who got her pregnant.”

Napalunok nalang si Louis sa narinig niya. Mas dumoble ang tension na nararamdaman niya dahil sa gustong mangyari ng ama nila. Kakasabi lang ni Crystal noong isang araw na ayaw niyang pakasalan ang ama ng anak niya, dahil ayaw sa kanya nito. Tapos ngayon, papakasalan niya?

He’s now beyond confused.

Posible sigurong ikansela na ang pagpapakasal ng pinsan nilang si Kaye Anne kay Kurt kapag sinabi ni Crystal na siya ang ama ng anak niya. Pero ayaw ni Crystal dahil ayaw niyang mapilitan si Kurt na pakasalan siya dahil sa ang alam niya ay hindi na siya nito mahal kaya siya nito iniwan, sa isip-isip niya.

Napailing nalang si Louis sa namumuo sa isip niya. No, he wants what’s best for her younger sister.

“Mom, do you want me to tell you who the guy is?”

GAIL’S POV

Dalawang araw na akong nagkukulong sa kwarto ko. Hindi na rin ako pumapasok sa school dahil pakiramdam ko ay wala na akong mukha na maihaharap sa mga tao dun.

Galit sa akin si Mommy.

Na-gi-guilty ako dahil na-disappoint ko ang parents ko. I tried my best to study hard and accomplished in whatever I do just to excel. Pero anong nangyari? Nagpabuntis ako sa lalaking tinakbuhan lang ako pagkatapos ng gabing yun.

 Nakaupo lang ako ngayon sa sahig sa gilid ng kama. Nakasandal ang likod ko sa kama habang nakatingin sa veranda.

Napahawak ako sa tiyan ko.

 Sorry, baby. Sorry kung naaapektuhan ka na sa ginagawa ni mommy. Nahihirapan na kasi ako. Alam kong nahihirapan ka na rin dyan sa loob. Hindi pa kita nailalabas, pero nagkaroon na agad ako ng kasalanan sayo. Sorry kasi hindi natin kasama ang daddy mo ngayon. Wag kang magagalit sa kanya ha? Wala siyang kasalanan. Ipagdarasal ko nalang na maging happy tayo kahit wala si Daddy mo. Sana rin ay maging happy ang daddy mo kung nasaan man siya ngayon. Ipagdarasal ko rin na sana ay may dumating na lalaki sa buhay natin someday na tatanggap sa akin pati na rin sayo at ituturing kang tunay na anak at lalong lalo na ay mamahalin tayo ng tapat. I love you baby. Stay strong ha? Ikaw nalang ang dahilan ko para maging malakas.

Hindi ko na namalayan na tuloy-tuloy na naman ang pag-agos ng luha sa pisngi ko kaya naman pinunasan ko ito gamit ng palad ko. Sa nagdaang dalawang araw, siguro dalawang balde na ang naiyak ko. Sana naman ‘wag akong ma-dehydrate.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon