Naglalakad ako papunta sa classroom ko ng may biglang bumangga sakin.
"Ano ba? Can you shupi? Coz' you're so paharang-harang yah know?"
Sabi niya with matching slung accent.
Sinunod ko nalang siya at tumabi ako sa gilid. Bago siya maglakad paalis tinarayan niya ako.
Pagkarating ko sa room hinanap ko yung best friend kong si Lucy at nandon nga siya.
"Hi Shane, (Shane= short for Shanen)
Antagal mo kanina pa kita inaantay," Tumaray siya sakin pero ngumiti ulit siya. Pero parang fake smile lang yun.
"Ay sorry. Tanghali na ako nagising eh!" Sabi ko sakanya at umupo ako sa tabi niya.
"Whatever!"
"Ano?" Tanong ko. Parang kasing may sinabi siya pero di ko naintindihan.
"Wala, Sabi ko magsisimula na yung klase kaya mamaya na tayo mag-usap." Hindi na niya ako pinansin dahil magsisimula na nga yung class.
Dumating na si ma'am Silva. Nagbigay siya ng mga test questions at sagutan daw namin yun sa papel.
Kahit di ako nag-review alam ko na yung mga sagot. Nerd nga diba?
Pagkatapos namin magsagot nagsalita si ma'am Silva.
"Class, wala yung next teacher niyo. May sakit kaya hindi makakapasok, So it means na free time niyo. Okay, Class i got to go." Pagkasabi ni maam nun umalis na siya sa room.
Napatingin ako kay Lucy at ang lawak ng ngiti niya. Anong meron?
"Tara! Samahan mo ako sa cr," Hinila niya ako palabas kahit hindi pa ako sumasang-ayon sakanya.
Pagkarating namin ng cr naghugas muna ako ng kamay ko dahil inaantay ko si Lucy.
Nagulat ako dahil bigla niyang tinapik yung likod ko.
"Akala ko kung sino, Phew! Ikaw lang pala,"
"Hahaha! Tara sa canteen naman tayo! Libre mo ako," Naka-ngisi siya at nauna na siyang lumabas sa cr.
Bumili lang kami ng burger, ice cream, and shake. Sabi ko kay lucy yung maliit nalang pero nagpupumilit kaya yung malaki nalang yung binili ko.
Hindi naman sa pagmamayabang pero ok lang sakin kahit ilibre ko siya, mayaman naman kami eh. Kaso malabo lang na mata ang problema ko. Galing ako sa magaganda't gwapong pamilya. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ganito ang itsura ko, Minsan nga iniisip ko ampon lang ako! Ako lang ang naiiba sakanila eh.
Pagkatapos namin kumain tumayo nako at maglalakad na sana ako pero may biglang pumatid sakin.
Hindi ko na nakita kung kaninong paa yun dahil napasubsob na yung mukha ko sa sahig.
"Oh my gosh! Shanen! Anong ginagawa mo dyan? At bakit mo hinahalikan yung sahig?"
Pagkasabi ni Lucy nun nagtawanan yung mga tao sa loob ng canteen.
Sabi ko na nga ba eh, Pagtatawanan nanaman nila ako. Siya, Sanay na naman ako. Sa mga pang-aasar nila saakin.
Tinulungan ako makatayo ni lucy, Pagtingin ko sakanya naka-ngiti siya. Yung ngiting parang nagtagumpay sa plano. Ganun yung ngiti niya.
"Bakit ka nakangiti bes?" Nakakunot noong sabi ko sakanya.
"Ah wala, May naalala lang ako. Tara na nga!" Medyo tumaas yung boses nya at nauna ng maglakad sakin.
Anong nangyari dun?
"Uy bes, Wait lang. Antayin mo ko!" Sabi ko sakanya. Tuloy-tuloy parin siyang maglakad. Natanggal kasi sintas ng sapatos ko eh.
"Wag ka kasing babagal-bagal! Malelate na tayo oh!"
Tumigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nililingon.
Tumingin ako sa relo ko. Wala pa namang 8:00 ah? Kaya di pa kami late.
Binilisan ko na yung pagsintas ko at tumakbo ako papunta Kay Lucy. Hindi niya talaga ako inantay. :(
Umupo nalang ako sa upuan ko. Wala pa naman yung teacher namin sa science kaya free time pa.
"Bes!" Tawag ko sakanya.
Hindi niya ako pinapansin.
~Oh jusko, ano ba naman ito diba pusang-gala~
Kinuha ko yung phone ko dahil may tumatawag pala, Si ate.
("Hello ate! Napatawag ka?")
["Panda! Kailangan mong pumunta dito sa bahay. Umuwi na si Umma!"]
("Ahhhh! Sige sige ate!") Napatingin sakin yung mga kaklase ko dahil tumili ako. Excited lang?
"Ay sorry," Nag-peace sign ako sakanila.
("Pero ate pano yan. May klase pa ako. Bawa-") Hindi ako pinatapos magsalita ni ate dahil sumigaw siya.
["Ako na ang magsasabi kay tita Floe! Siya naman ang may ari sa school na yan kaya okay na yan. Bilisan mo na at pumunta ka na dito."]
("Hello ate!") Ay bastos! Binabaan ako.
Aalis na sana ako pero may biglang humawak sa braso ko.
"Bes sorry na! Pwede ba ako sumama? Please? Sige na. Gusto ko makikain sa inyo kasi may handaan ata kayo eh," Sabi ni Lucy. Waa! Narinig niya yung pinag-usapan namin ni ate.
"Ha? A-ah oo, S-sige!" Nauna na siyang maglakad sakin palabas. May biglang humawak sa likod ko at sinitsitan ako.
Pagtingin ko si Kaye pala. Unfairness, Maganda siya. May binibigay siyang papel.
Kinuha ko 'yon at binasa.
*MADADAPA AKO!*
Yun yung nakalagay.
"May nagdikit niyan sa likod mo. At siya ay si-" Hindi ko na narinig yung sinabi ni kaye dahil hinila na ako ni Lucy palabas.
"Tara na! Antagal mo naman!" Sabi niya sakin. Ansama ng tingin niya kay Kaye.
CZYTASZ
Revenge ni Ms. Nerd
HumorIto ang storya ng nerd na nagmahal, niloko ng sarili nyang kaibigan, at ang mas malala, niloko ng sariling boyfriend at ang totoo pinagpustahan lang pala sya. "Get ready for my revenge, Because this revenge is more than a better revenge." -Shanen
