Kalalabas ko lang ng banyo nang marinig ko ang katok sa pinto ng kwarto ko.
"Luna, anak?"
Si Mama pala. Hindi ko naman mabuksan ang pinto dahil hindi pa ako nakakapagbihis at katapat lang ng sala ang kwarto ko kung saan naman ang mga barkada ni kuya nakatambay.
"Wait lang, Ma. Bibihis lang po ako" sigaw ko.
" Tumawag ang Lola mo, ngayon daw ang dating niya," sigaw niya naman pabalik at narinig ko ang yapak niya palayo.
What!? Seriously, ngayon na?
Nagmadali na akong magbihis. Hindi na rin ako nag-abalang magsuklay pa.
Ang sabi kasi this week at hindi ko naman inexpect na ngayong araw!
Gosh! Surprising! Sa sobrang surprising, natataranta na ako.
Di ko alam aling sulok ng kwarto ang uunahin ko. Dahil oo, sobrang gulo ng kwarto ko!
Ayaw na ayaw pa naman ni Lola ng magulo.
Di naman kasi talaga ganito kagulo ang room ko. Sadyang may hinahanap lang ako simula kahapon kaya naman naghalungkat ako hanggang sa kasuluk-sulukan. Nilabas ko ang mga gamit sa cabinet at nagkalat ang lahat ng iyon dito.
Kung nalaman ko lang sanang ngayon darating si Lola ay hindi na muna ako naghalungkat at, hindi ako mapapagod sa pag-aayos at paglilinis ngayon.
Dinampot ko na ang mga nasa lapag at binalik sa dating lagayan. Pero syempre pinunasan ko muna para di na ako maglilinis sa susunod na araw.
Hindi ko inalintana ang tagaktak kong pawis. Ang mahalaga sa akin ngayon ay matapos ko ito bago dumating si Lola. Wala pa namang sinabing exact time ng pagdating niya.
Magtatanghalian na nang malinis ko ang lapag at naibalik ang lahat ng mahahalagang gamit.
Ang mga abubot ko nalang ang poproblemahin ko.
Sana lang ay mamayang hapon o mas mabuti kung mamayang gabi pa siya darating.
Maya-maya pa’y may kumatok. Pero di ko pinansin at abala pa rin ako sa pagliligpit.
Ilang segundo ay naramdaman kong bumukas ang pinto pero hindi ko rin nilingon.
"Busy? Kakain na raw sabi ni Tita," sabi niya. Nagulat naman ako dahil hindi ko inaasahang siya ’yon.
"Mauna na kayo. Labas na may ginagawa ako," pagtataray ko sa kanya.
Pero hindi siya natinag, "Need help?"
Tsk. Di ko kailangan ng tulong mo!
"Ikaw rin, baka maabutan ka jan ni Lola Mina," muli niyang sabi.
Ako pa talaga tinakot niya?
"Fine." Kung di lang talaga ako naghahabol ng oras, tsk.
"I’ll tell Tita muna. I’ll be back," at umalis na nga siya.
Pagbalik niya nagpatulong akong magbalik ng mga abubot sa drawers. Lalo na yung art at stationary materials ko, sobrang dami kasi.
At sa wakas, natapos na rin. Nakapagligpit ako nang hindi pa dumarating si Lola. Success!
Naisipan kong ilipat ng pwesto ang ibang gamit. May tutulong naman sa’kin kaya grab the opportunity na. Siya naman nagvolunteer na tumulong kaya di naman siguro matatawag na pagmamalabis ’to at kaya niya naman, hihe.
Pinausog ko sa kanya ang closet sa harap ng comfort room na dating nakapwesto sa right side malapit sa bintana. Pati yung bed ay iniba ko rin ng posisyon kung saan iyon ang makikita pagkabukas na pagkabukas ng pinto. Hindi ko dinikit sa pader tulad ng dati dahil balak kong ilagay doon ang cabinet.
Pawis na pawis na siya dahil sa pagtutulak at sobrang init din.
Sira kasi ang aircon sa room ko, di ko rin mabuksan ang electric fan baka liparin yung mga kalat at basurang itinabi ko muna dahil puno na ang trash can.
Nagulat ako nung hinubad niya ang basa niyang shirt kaya napatulala ako sa kanya.
"What? Nahi-hypnotize ka ba ng abs ko?" Sabi niya sabay ngisi.
Duh! Ako? Asa naman siya. Wala akong pake kahit maghubo’t hubad pa siya. Ay joke lang, hihe.
Pero kahit na. Ang yabang talaga ng kutong lupa na ’to, nakakainis. Parang nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako nagpatulong, hmp.
By the way, he’s Vincent, isa sa mga tropa ni kuya... at crush ko dati. Oo, gustong gusto ko siya dati pero ngayon? Naiinis na ako sa kanya, naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya.
Sa tuwing inaasar kasi ako nila kuya ay nakikisali siya. Parang wala lang nangyari dati. Kung kailan nakakamove-on na ako, saka naman e-eksena. Pa-fall pa ang mokong.
Babanat na sana ako nang makita ko yung dagang tumatakbo at sumuot sa ilalim ng cabinet sa gilid ng bed ko.
Ganun na ba kadumi ’tong room ko para magkaroon ng daga, ih, weekly ko naman nililinis to, ah?
Hinayaan ko na ang pang-aasar niya at ibinaling ang atensyon sa daga. Kailangan kong mahuli, baka dumami pa sila.
"Tulungan mo ako. Yung daga, hulihin natin!"
"Ha? Saan na ba?" Tinuro ko naman sa kanya.
Kinuha niya ang walis. Ako naman pumwesto sa gilid ng kama at sinisilip kung nandoon pa ba yung daga sa ilalim ng cabinet.
Sinuksok niya yung hawakan ng walis at ginalaw-galaw sa ilalim pero di pa rin lumalabas.
Dumapa na ako para mas madali kong masilip. Tumabi naman sakin si Vincent pero medyo nakatuwad siya.Para kaming nakatago sa gilid ng bed.
Habang busy kami sa daga ay naririnig kong may kumakatok pero di ko muna pinansin. Baka makatakas pa ’to.
"Ayan na, ipasok mo na," utos ko sa kanya.
"Aray!" Reklamo ko dahil nasiko niya ang noo ko. Masakit, ha.
"Sorry, di ko sinasadya" di nalang na ako sumabat pa.
"Sige pa, isagad mo pa. Malapit na malapit na." Sinusunod lang naman niya ang mga sinasabi ko.
Maya-maya pa’y narinig ko ang biglang pagbukas ng pinto.
"What are you two doing?" Boses ni Lola.
Di ako sure pero parang magkahalong pagtataka at takot na ewan ang nababasa ko sa pananalita niya.
Dahil na rin sa gulat ay bigla kaming napatayo at napalingon sa gawi nila.
Sumalubong ang gulat rin nilang mukha.
"Oh my!" Usal ni Lola. Si Mama naman ay napatakip sa kanyang bibig, samantalang si kuya ay nanatiling nakatayo lang sa likod at binigyan ako ng ’Ano yan, ha?’ look.
"You’re too young for that! Kailangan niyong panagutan ang ginawa niyong ito!" Ma-awtoridad na sabi ni Lola.
Dahil naman sa sinabi niyang iyon at automatic na napakunot ang aking noo. Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin at kung bakit ganun ang reaksiyon nila.
Saka lang nagsink in sa ’kin ang lahat. Lumingin ako kay Vincent, he’s half naked! At ako? Siguro’y gulo gulo na rin ang postura ko. Naalala ko rin ang mga pinagsasabi ko kanina. Argh! Bwiset na daga!
"No Lola, nagkakamali po kayo. Hindi po k---" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin.
"Shut up Luna. Ayusin niyo yang mga itsura niyo at sumunod sa akin sa baba." Gosh, ayan na naman ang nakakatakot na aura ni lola. Di ako mapakali, ayoko na!
"Vincent!" Tawag niya.
"P-po?" Kinakabahan na rin siguro ’tong isa.
"Call your parents. Let’s settle your marriage." Huli niyang sabi bago lisanin ang kwarto at naiwan kaming dalawa.
What!? Ipapakasal nila kami!?
I look at him, pero nagkibit-balikat lang siya at sumunod na rin palabas.
NooOooo!!!
---
Date posted: June 22, 2019
VOCÊ ESTÁ LENDO
Trapped | One-Shot
Ficção AdolescenteUnexpected things happens on unexpected times.
